Chapter 19 Taira's POV Natigilan ako sa pagdo-drawing nang umikot ang doorknob at bumukas. Nakangiting si Lia ang iniluwa nito kasunod ang Kuya niyang si Harell. "Hi, Tia, kumain ka na ba?" agad niyang bungad. Pumasok ang Kuya niya habang nakapamulsang inililibot ang tingin. Ngumiti siya nang matigil ang mga mata niya sa akin at magkatitigan kami. "Hi, Kyuubi," ngingiti niyang bati. "Sayang hindi ko kasama si Zyair," patuloy niya, mas lumapad pa lalo ang pagkakangisi. Pakialam ko naman sa kaibigan niyang walang ginagawa kundi ang manggulo most of the time sa buhay ko. Tiningnan ko lang siya nang walang emosyon. "Nako,Kuya, you can't bully in our dormitory. Magagalit ako sa 'yo. Baka maihambalos pa kita riyan sa pader! Huwag ka kang gumagaya kay Zyair." "Of course, little sister!"

