Chapter 27 Taira's POV Pagkatapos ng duty ko sa coffee shop ni Tala ay dumiretso na ako sa next class ko. Ipinagpapasalamat ko ang tila pagkakabati nila ng girlfriend niya. Madali lang naman pa lang magkasundo ang dalawang 'yon, eh. Mas gusto kong maayos sila lagi para hindi ako ang pinagdidiskitahan ng lalaking 'yon. Nakapapagod siyang i-deal, masyadong malambot pa ang pagkakahulma ng bungo nito sa dapat na hulma nito sa edad niya. My work at the shop was satisfying. Magaan ang trabaho, marahil dahil nagsisimula pa lang ang shop at wala pang gaanong nakakikilala rito. Sapul sa hula kong dudumugin iyon ng mga estudyante at mga school staffs kapag nasundan na nila roon. Masarap at sakto lang sa presyo ang mga pagkain at inumin doon. Ang sabi ni Tala, Daddy niya talaga ang may-ari niyon p

