"What's going on here?!" bungad na tanong ni Tita Onessa, no'ng makita na rin nito ngayon ang sitwasyon. No'ng sandali ko itong sulyapan ay nakita ko na hindi lang pala siya ang narito na ngayon sa labas, kundi pati na rin sina Tito Harold at ang mag-asawang Dela Merced. "Mindy?" Kaagad lumapit si Tita Maricar sa babaeng tinawag niyang Mindy, na ngayon ay kasalukuyan na ring tumatayo mula sa pagkakasadsad sa sahig. Ilang segundo pa ay inalis na rin nito ang suot niyang mask sa mukha, dahilan para malantad ang fierce pero maganda niyang mukha. "Ravyn? Can you tell us what is happening here?" mahinahong tanong sa akin ni Tita Maricar. Napabuntong-hininga na lamang ako nang mahina, bago ako tuluyang sumagot sa kaniya, "She attacked me, she wants to hurt me and I don't even know why." Nakit

