Mabilis na akong kumilos para bigyan siya ng malakas na suntok sa mukha. Kaagad naman nitong nasapo ang ilong at bibig nito na siyang napuruhan ko, alam kong hindi pa ito magiging sapat kung kaya't buong lakas ko itong tinuhod sa sikmura na siyang kaagad naman nitong ikinabaluktot sa sakit. Hindi pa ako nakontento dahil nakuha ko pa siyang gawaran ng malakas na siko sa likuran nito na siyang mabilis nitong ikinalugmok sa sahig. "Tsk!" Hindi na ako nagdalawang-isip pa na kuhanin ang dalawang pistol gun na nasa bulsa nito, bago siya tuluyang tadyakan sa likuran na kasabay lang din nang tuluyan nitong pagkawala ng malay. Hindi nagtagal ay nagpasya na rin akong bumalik na sa loob ng bangko, subalit no'ng sandaling makapasok na ako rito nang tuluyan ay gano'n na lamang ang naging pamimilog

