Chapter 4

1010 Words
"Honey!" "What? W-Wait? How did you-" "Surprise!!!" "Honey! Happy birthday!" "Why did you come here? Didn't I tell you na ako na lang ang pupunta sa inyo?" "Oh, come on! Hindi ka ba masaya na nandito na kami ngayon?" Hindi na nakasagot pa ang lalaki sa sinabi ng babae, hindi ko sila makilala dahil malabo sila sa paningin ko. Pero alam kong kasama nila ako, nakatayo ako ngayon sa harapan nilang dalawa at pinagmamasdan sila, pero hindi ko man lang sila maaninag nang maayos dahil sa mga mata kong nanlalabo. "Nurse! Tulungan niyo po kami!!!" sigaw ng isang boses babae at para bang ang lapit lang nito sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, pero natigilan ako no'ng bigla na lang nilamon ng dilim ang buong paligid. Hindi ko na rin naririnig ang dalawang taong nag-uusap sa harapan ko kanina lamang, parang nag-iisa na lang ako ngayon at nakakapanindig ng balahibo ang sobrang katahimikan. Mabilis ko na lamang na ikinurap-kurap ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang dumilim ang paligid. Dumilim nga lang ba talaga ang paligid ko? O sadyang nabulag na ako? Napalunok na lang ako bigla at hindi na rin ako nagdalawang-isip pang kusutin ang mga mata ko baka sakaling makakita na ulit ako, pero pagmulat ng mga mata ko ay kaagad na ring nangunot ang noo ko dahil bumungad naman sa akin ngayon ang maliwanag na paligid. Wala sa oras na nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa akin. Iginala ko ulit ang paningin ko sa paligid at bumungad naman sa akin ang mga kulay green na kurtina na para bang ipinagtagpi-tagpi ito para magsilbing harang. Hindi nagtagal ay nadako na rin ang paningin ko sa katawan kong nakahiga ngayon sa isang parang hospital bed. "Teka? Nasa hospital nanaman ba ako ngayon?" Halos manlaki ang mga mata ko sa naisip ko, baka kasi ito rin ang hospital na tinakasan ko. "K-Kailangan ko nang makaalis dito." Pinilit kong ibangon ang katawan ko, na siyang naging dahilan naman para makaramdam ako ng unti-unting pagkahilo. Nakaupo na ako ngayon dito sa kama at halos mapangiwi naman ako no'ng maramdaman ko na rin pati ang pagkalam ng sikmura ko. Mula sa maliit na sakit ay unti-unti na itong kumalat, sobrang hapdi na ngayon nito kaya naman kaagad ko na lang inipit ang tiyan ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay bigla na lang din akong natigilan, no'ng marinig ko ang boses ng isang lalaki na alam kong kadarating lang ngayon dito sa kinaroroonan ko. "Gising ka na pala," sa sinabi niyang 'yun ay wala sa oras na napaangat ako ng tingin sa kanya. Kaagad namang bumungad sa akin ang isang lalaking matangkad at mestizo. Hindi ko na rin naiwasan ang bahagyang matigilan no'ng mapansin ko ang kagwapuhan nito, siguro ay isa siyang model o hindi naman kaya, artista? "Ahh, i-ito oh! Binilhan kita ng makakain," dagdag na sabi nito kasabay ng pagtangka niyang paglapit sa akin. "Diyan ka lang, h-huwag kang lumapit," sagot kong pagpigil sa kanya. Hindi naman ito nagpumilit pa at kaagad na rin itong natigilan sa akmang paglapit sa akin. "Relax, pulis ako." Inilapag niya sa isang upuang gawa sa monoblock ang mga dala niyang pagkain. Nakalagay ang mga ito sa isang paper bag kaya hindi ko alam kung ano'ng mga pagkain iyon. Napansin kong hinugot niya sa bulsa niya ang isang itim na wallet at pagkatapos ay binuklat niya ito para ipakita sa akin ang parang isang chapa. Hindi naman ako masiyadong familiar dito at hindi ko rin alam kung bakit, pero sa palagay ko ay ito ang nagpapatunay na isa nga siyang pulis. "Ako ang nagdala sa'yo rito sa hospital no'ng bigla kana lang mawalan ng malay kagabi sa gitna nang kalsada," dagdag nitong sagot sa akin, na siyang sandali ko namang ikinatigil. Naniningkit na rin ngayon ang mga mata ko dahil pilit kong inaalala ang mga pangyayaring sinasabi niya. "Naaalala mo ba?" tanong nito sa akin, na siyang marahan kong ikinatungo kasabay ng bahagya kong pagkakakagat sa ibabang bahagi ng labi ko. Oo, tama siya, nahimatay ako sa sobrang pagkahilo dahil sa pagod at gutom. Hinahabol nila ako, 'yung gang sa lugar na 'yun, gusto nila akong saktan. "Miss?" Wala sa oras na nag-angat ako nang tingin sa kanya bago ako tuluyang tumango at magsalita. "Oo, naaalala ko na," sagot ko sa kanya. Napansin ko naman ang marahan nitong pagtango, bago ito ulit magbaling ng tingin sa mga pagkaing inilapag niya kanina lamang. "Alam kong gutom kana, kumain ka muna. Mamaya na lang kita tatanungin tungkol sa mga nangyari sa'yo kagabi, para kasing may tinatakasan ka," sa sinabi niyang 'yun ay hindi ko na lang napigilan ang mapalunok nang mabigat sa sarili kong laway. "Nakita kaya niya 'yung gang na humahabol sa akin? Hindi kaya...isipin niyang, kasapi ako ng isang gang?" nasabi ko na lang sa isip ko, habang pinagmamasdan siyang inihahanda ang mga pagkaing binili niya raw para sa akin. No'ng makita ko ang mga pagkaing binili niya ay hindi ko na naiwasan pa ang mapalunok pa lalo dahil sa pagkalam nanaman ng sikmura ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit na sinabi na niyang isa siyang pulis ay hindi ko pa rin magawang magtiwala sa kanya. "Ito, kumain kana." Iniabot nito sa akin ang isang take out box na naglalaman ng kanin at masarap na ulam, sa tingin ko ay isa itong sweet and sour chicken. Pero imbes na kuhanin ito ay nag-iwas lang ako ng tingin sa pagkain, na siyang naging dahilan naman para magsalita ulit ang kaharap kong pulis. "Miss, alam kong nagugutom kana. Kaya sige na, rinig na rinig ko na 'yung pagkalam ng sikmura mo oh," sa mga sinabi niyang 'yun ay hindi ko na lang naiwasan ang mapabuntong-hininga. Ibinalik ko na rin ang tingin ko sa inaalok nitong pagkain sa akin at marahang inabot ito para tanggapin. "Bahala na, hindi ako pwedeng mamatay sa gutom. Iisipin ko na lang na kailangan ko pang mabuhay para malaman kung sino ba talaga ako, kaya kakain ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD