Chapter 86

1024 Words

Halos pigil na ang paghinga ko habang pinipihit ko ang doorknob ng pinto nitong office room ni Daddy. Hindi ako komportable at hindi ko na rin mapigilan pa ang pag-akyat ng kaba rito sa dibdib ko. Ilang segundo pa ay tuluyan na rin akong nakapasok dito sa loob ng opisina ni Daddy. Marahan na lamang akong napalunok no'ng sandaling madatnan ko siyang nakaupo sa harapan ng desk niya habang abala ito sa pagpirma sa mga documents. Mukhang napansin na rin niya ang pagpasok ko rito, kaya naman sandali na itong nag-angat ng tingin sa akin. Sinalubong lang ako nito ng matamis na ngiti, bago ito tuluyang magtuon ulit ng pansin sa ginagawa niya ngayon. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lapitan siya at tanungin tungkol sa isang bagay. "D-Dad? D-did you do it?" sa tanong kong iyon ay pansamantala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD