Kaagad na bumungad sa akin ang kabuuang loob nitong kwarto no'ng sandaling naimulat ko ang mga mata ko. No'ng sipatin ko ang oras sa isang wall clock ay nakita kong alas-otso pasado na ngayon ng umaga. "P-panaginip lang ba lahat ng iyon?" bulong ko sa sarili habang iginagala ko pa ang paningin ko sa paligid. Alam kong nandito ako ngayon sa bahay nila Auntie Sylvia dahil ito ang kwartong ipinagamit nila sa akin no'ng dito pa ako nakatira. Hindi nagtagal ay kaagad na ring nadako ang paningin ko sa pinto nitong kwarto no'ng wala sa oras na magbukas ito. "Good morning!" masiglang bati sa akin ni Toby, bago ito tuluyang pumasok dito sa loob ng kwarto. Kaagad namang napako ang mga mata ko sa bibit nitong bed tray table, mukhang nag-abala pa siyang dalhan ako ng breakfast dito sa kama. "Kum

