Chapter 121

1305 Words

"N-nandito ho ako ngayon para humingi ng tawad sa inyo. A-alam ko po na marami akong mga nagawa na hindi maganda sa inyo noon." "Pero sana po ay mabigyan niyo pa ako ng isa pang chance para maitama ang lahat ng mga nagawa kong mali sa inyo," pakiusap ko ngayon kay Tita Stella, habang kasalukuyan na kami ngayong magkaharap dito sa salas. Pakiramdam ko ay unti-unti na akong nilalamon ngayon ng sarili kong hiya, habang sinasalubong ko ang mga titig nila sa akin na mag-ina. "Sabihin mo nga sa akin, a-ano ba ang nangyari sa'yo hija?" narinig kong tanong sa akin ni Tita Stella, dahilan para sandali akong matigilan at matulala. Aaminin ko na hindi ko inasahan na itatanong niya sa akin ang tungkol sa bagay na ito, lalo na at ang alam ko lang ay masama ang loob nito sa akin dahil sa mga nagawa ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD