Walang pagdadalawang-isip na itinutok ko ang mga dulo nitong mga hawak kong baril sa mga tauhan ng pamilya Cuevas, no'ng sandaling magsunod-sunod ang mga ito sa paglabas mula sa loob ng gate. "s**t!" Mabilis na ikinasa ni Harvey ang hawak nitong baril at kaagad na ring itinutok sa kabilang grupo. Maging ang iba pa naming mga kasamahan ay hindi na rin nagpahuli at kaagad na ring naghanda sa nagbabadyang pagdanak ng dugo rito sa lupain ng mga Cuevas. Sa tantya ko ay hindi hihigit sa tatlumpu ang kabuuang bilang ng mga tauhan ng mga Cuevas, na siyang kasalukuyan na rin ngayong itinututok ang kani-kanilang mga baril tungo rito sa direksyon namin. Kung titignang mabuti ay higit na mas lamang ang bilang nila kumpara sa bilang ng aming grupo. Mukhang sinigurado ng mga Cuevas na malalagas ang k

