Chapter 44

2146 Words

"Pamilya lang ang nag-iisang kahinaan mo. Siguradong 'yun ang una nilang pupuntiryahin para pilayan ka at gawing talunan." Natigilan ako paghakbang pababa rito sa hagdan dahil sa mga narinig kong sinabi ng isang boses lalaki. Alam kong nasa ibaba lang sila at malapit na rin akong makababa, kaya naman hindi ko sinasadyang marinig ang mga pinag-uusapan nila. "Hindi ko sila pwedeng ilayo sa'kin, mas ligtas sila rito," sagot ng isa pang lalaki. Hindi ko na napigilan pa ang biglaang pag-akyat ng kaba sa dibdib ko, kilalang-kilala ng puso ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Mas magiging ligtas sila kung malayo sila sa'yo! Mag-isip ka-" Para bang naputol nalang bigla ang mga sinasabi ng isa pang lalaki dahil sa hindi ko na nagawa pang marinig ang mga sunod nitong sinabi. Bigla nalang akong n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD