Chapter 2

1065 Words
Panay na ang pagpahid ko sa mga pawis ko sa mukha at noo, habang patuloy pa rin sa paglalakad sa ilalim ng mainit na araw. Sa sobrang pagpapawis ay naaalis na ang bendang nakatali sa noo ko kaya naman inalis ko na lamang ito, mabuti na lang ay mukhang magaling na ang sugat ko sa rito dahil kung hindi ay baka impeksiyon pa ang abutin nito. Napabuntong-hinga na lamang ako dahil kanina pa ako naglalakad dito pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta, napapagod na ako at nagugutom. Pinagtitinginan na rin ako ng mga taong nakakasalubong ko, ngunit wala akong pakialam sa kanila. "Kailangan kong kumain," nasabi ko na lamang sa isip ko habang hinihimas ang tiyan kong palakas na ng palakas ang tunog nito na para bang kumukulo, sumasakit na rin ito. Hanggang sa mapangiti ako no'ng makakita ako ng isang karinderyang kainan sa hindi kalayuan. Binilisan ko na ang paglalakad upang makalapit agad dito, no'ng makarating ako sa karinderya ay agad akong tumingin ng mga ulam na nakahain sa may harapan ng karinderya. Binuksan ko ang isang kaldero at laman no'n ay nilagang baboy, amoy na amoy ko ang bango nito dahilan upang mas lalong magwala ang nagugutom kong sikmura. "Oh, Miss singkwenta pesos lang iyan isang order, kukuha ka ba?" Nabaling ang tingin ko sa tindera at nakagat ko na lamang ang ibabang bahagi ng labi ko no'ng maisip kong, "Singkwenta? Pero wala nga pala akong pera?" Tinakpan ko na lang ulit ang kaldero at nagsabing, "W-Wala ho akong pera eh, pwede ho bang-." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil agad nang sumabat ang tindera, "Naku! Kung wala ka naman pa lang pera tumabi tabi kana riyan at nahaharangan mo ang mga customer ko!" sabi nito, dahilan upang pagtinginan ako ng maraming tao sa karinderya. Naikuyom ko na lamang ang mga palad ko kasabay ng pagkunot ng aking noo, dahil nakakaramdam ako ngayon ng matinding galit at para bang gusto ko siyang patayin! Gusto ko siyang sakalin hanggang sa malagutan siya ng hininga! Pero hindi! Bakit ko iyon gagawin? Ano ba ang nangyayari sa akin?!. Pinigil ko ang aking sarili at sa halip ay mabilis na lamang akong tumakbo palayo sa karinderya. Nakarating ako sa isang eskinita, hinihingal at pagod. "Masyado yatang mabilis ang takbo ko para mapagod ng ganito?" nasabi ko sa isip ko habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa mga tuhod ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at doon ko napansin ang isang malaking drum ng basura. Nilapitan ko ito sa pagbabakasakaling makahanap ako ng kaunting pagkain dito, hinukay ko ang loob nito at hindi nga ako nagkamali dahil nakakita ako ng isang kalahating piraso ng burger. May mga langgam na ito pero, "Pwede na ito, kahit paano ay magkakaroon na ng laman ang tiyan ko," nasabi ko sa isip ko bago tuluyang kainin ang napulot kong burger. ____________ Madilim na ang paligid pero heto pa rin ako at naglalakad, hindi ko na alam kung saan na ako papunta at kung gaano na ba kalayo ang narating ko. Hindi ko na rin kasi maalala kung anong pangalan ng lugar na ito. Napatingala na lang ako sa madilim na langit, wala man lamang stars at buwan, sa tingin ko ay uulan. Nasipat ko ang isang tulay sa hindi kalayuan kaya naman binalak ko na lamang na magpunta sa ilalim no'n. No'ng marating ko ang tulay ay bumungad sa akin ang ilang mga tao na nakahilata at tanging sapin na karton lang ang panangga sa malamig na semento. Napalunok na lang ako at piniling humanap ng pwesto para mahigaan ko, no'ng makahanap ako ay umupo ako sa sahig na semento at sumandal sa pader na paanan ng tulay. Humahapdi ang mga mata ko at alam kong dahil ito sa gusto kong umiyak, pero hindi, ayukong umiyak, ang pag-iyak ay para lamang sa mahihinang tao. Nangunot ang noo ko sa mga naiisip ko, hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang katatag ang loob ko,"Ito ba ako? Ito ba ang nalimot kong pag-uugali?" Natigilan ako sa pag-iisip no'ng matanaw ko ang bulto ng isang grupo na papalapit sa tulay. No'ng tuluyan na silang makarating sa tulay ay nakita kong puro sila lalaki, apat na lalaki at ang isa ay napako na agad ang tingin sa kinaroroonan ko. Nakatingin siya sa akin at napalunok ako no'ng ngumisi ito ng nakakaloko at nagsabing, "Mukhang may bagong salta rito ah!" Dahilan upang tumingin na rin sa kin ang iba niya pang kasama. Sa mga kilos nila ay tila lango silang lahat sa alak at napatunayan ko ito no'ng masipat ko ang bote ng alak na hawak ng isang lalaking papalapit na ngayon sa pwesto ko. "Tumayo ka nga riyan! Sinong may sabi sa'yo na pwede kang matulog dito nang hindi nagbabayad sa amin ha!"singhal nito sa akin, dahilan upang maalimpungatan ang ibang taong natutulog at namamahinga na rito sa ilalim ng tulay. Mas lumapit pa ito sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang humawak ng mahigpit sa kaliwa kong braso at hilahin ako patayo. Samantalang ang mga kasama niya ay tumatawa lang na parang mga baliw, hanggang sa nagsalita ang isa sa kanila at nagsabing, "Alam mo Miss, maganda ka naman eh! Kung wala kang pera, eh pwede mo naman kaming bayaran sa ibang paraan! Tama ba boys!" sabi nito, na siyang lalong nagpalakas sa tawanan ng iba pa nilang mga kasama. Napangiwi na lang ako no'ng maramdaman kong mas humigpit pa ang pagkakahawak sa akin ng lalaking may hawak sa akin at kinaladkad pa ako nito palapit sa iba pa niyang mga kasama. Nakita kong tumayo ang isang matandang babae sa hindi kalayuan at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala, lalapit na sana ito sa amin no'ng biglang, "Ops! Huwag kang makikialam dito tanda, kung ayaw mong magripuhan!" Ang pananakot nito sa matandang babae habang ibinabalandra ang hawak nitong balisong. Agad namang napaatras ang matandang babae at mas pinili na lamang na huwag makialam. "Oh siya! Dalhin na natin 'yan!" Ang sabi nito sa mga kasama na para bang siya ang kanilang pinuno. Nakakarindi ang kanilang mga tawanan habang pilit akong kinakaladkad ng lalaking may hawak sa braso ko. Umiinit ang pakiramdam ko at kumukuyom ang mga palad ko, para akong sasabog sa galit! Gusto ko silang patayin! Pero paano? Ano bang magagawa ko?..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD