Alas-nuwebe na ngayon nang umaga at katatapos lang din naming kumain ng agahan. Hindi na namin nakasalo pa si Toby sa agahan dahil maaga raw itong nagising kanina para pumasok sa trabaho niya. Nandito ako ngayon sa salas no'ng sandaling makita kong bumaba si Auntie Sylvia mula sa hagdan, nasipat ko rin ang bitbit nitong mga malalaking echo bag. Alam kong maruruming damit ang mga nasa loob no'n dahil nasabi sa akin ni Auntie Sylvia na nariyan na raw iyong mga maglalaba ng mga damit nila. Lalabas na sana ito sa pinto no'ng makita kong lumingon pa ito rito sa kinaroroonan ko ngayon. "Ravyn iha, puwede mo bang kuhanin para sa akin 'yung iba pang mga echo bag sa kwarto ni Toby? Please?" narinig kong sabi nito sa akin. Hindi naman ako nagdalawang-isip pa na sundin ang pakiusap nitong utos sa a

