"Heto oh, uminom na muna kayo ng malamig na tubig." Parehong nabaling ang atensyon namin kay Auntie Sylvia no'ng marinig namin itong magsalita. Papalapit na rin ito sa amin ngayon at bitbit nito ang isang kulay charcoal food tray na siyang kinapapatungan naman ng dalawang baso ng malamig na tubig. No'ng tuluyan na siyang makarating dito sa table na kinaroroonan namin ngayon ay kaagad na rin nitong ipinatong sa ibabaw ng table ang bitbit niyang food tray. "Salamat po," bungad namang sabi ng pasasalamat nitong babaeng kaharapan ko lang ngayon, pareho kaming nakaupo ngayon habang pinagigitnaan kami ng isang maliit na table. "Talaga bang nakakulong na 'yung holdaper na nangholdap sa'yo iha?" sa tanong na 'yun ni Auntie Sylvia ay tanging ang marahang pagtango lang ang naging reapond nitong ba

