"Kumusta na nga pala 'yung mama mo?" sa tanong kong 'yun ay hindi na napigilan pa nitong si Jeera ang sandaling mapasinghap habang nakapako ang tingin nito sa mga manikin na nasa harapan namin. Pero ilang segundo lang ay unti-unti na ring gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya at kasabay rin no'n ang lalong pagliliwanag sa mukha niya na parang bang bigla nalang itong nakaramdam ng sigla at tuwa. "Ang mama ko, maayos na siya ngayon. Naging successful ang operation niya." Hindi ko na naiwasan ang makahinga nang maluwag dahil sa mga narinig kong sagot ni Jeera. Aaminin kong medyo nakaramdam ako ng konting kaba no'ng mapansin kong natatagalan ito sa pagsagot sa tanong ko sa kanya. "At dahil 'yun sa'yo. Maraming salamat ulit sa'yo, Kai," dagdag nitong sabi sa akin, na siyang mara

