Nakatingala lang ako ngayon sa kisame nitong kwarto habang nakatihaya ako ng higa rito sa kama. Magkasalikop ang mga kamay ko habang natutulala dahil sa ideyang pumapasok sa isipan ko. Kung hindi pa rin babalik ang ala-ala ko ay posible talagang manatili pa ako rito nang matagal-tagal, kaya naman napagdesisyunan kong kumilos na at hanapin na ang sagot sa mga katanungan ko. Kailangan kong malaman kung sino ba talaga ako, hindi ako pwedeng mabuhay nalang sa katauhan ng ibang tao. Hindi ko nalang naiwasan ang mapabuntong-hininga bago ako tuluyang magpalit ng posisyon at tumagilid sa paghiga, sakto namang nadako ang paningin ko sa orasang nakasabit sa hindi kalayuan. Alas onse na ngayon ng gabi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naririnig ang pagdating ng sasakyan ni Toby. Ni minsan hindi

