Chapter 80

1002 Words

Hindi ko maiwasang igala ang mga mata ko sa kabuuang paligid nitong maliit na restaurant dahil napakaganda nito. Maaliwalas ang paligid at nakaka-relax sa pakiramdam, hindi rin gaanong marami ang mga customer dito dahil limitado lang ang mga lamesa at upuan. "Bago lang daw ang restaurant na ito eh," narinig kong sabi ni Auntie Sylvia. No'ng tignan ko siya ay iginagala na rin pala nito ang paningin sa paligid, samantalang si Toby naman ay abala lang sa paggamit ng cellphone. "Sana masarap ang mga pagkain nila rito," dagdag nitong sabi, bago ito tuluyang magbaling ng tingin sa akin. Katatapos lang kasi naming um-order ng mga pagkain na kakainin namin at ngayon ay hinihintay nalang namin na ma-serve nila ang mga ito rito sa table namin. "Siya nga pala iha, kumusta naman ang ginawang paghi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD