"Oh, ang aga mo naman yatang pumunta rito? Akala ko ba mamayang gabi ka pa dadalaw?" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses ng babae. "Babalik din po ako kaagad sa police station, hinatid ko lang dito itong si Jeera," sunod namang sabi ng isang lalaki. "Hello po, Auntie Sylvia." "Jeera! Mabuti naman at napadalaw ka rito." Pakiramdam ko ay sobrang lapit lang nila sa akin. Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko kahit pa kanina pa gising ang diwa ko. Nararamdaman ko ang hangin na pumapasok ngayon sa ilong ko, maging ang isang matulis at manipis na bagay na para bang nakabaon sa ugat nitong kamay ko. "Pasensya na ho kayo kung ngayon lang po ako nakadalaw, wala po kasi akong contact sa inyo. Nahihiya man ay naglakas-loob na lamang po akong lumapit kay Sir Toby sa police station

