"Huwag na huwag kang magsusumbong, kung ayaw mong patayin ko lahat ang buong pamilya mo." Naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya, habang ramdam ko na ngayon ang dulo ng baril nito sa noo ko. Hindi ko namalayan na baril pala ang kinuha niya sa ilalim ng unan niya, kaya naman mabilis niya itong naitutok sa akin. "Pamilya lang naman ang kahinaan ng lahat, hindi ba?" sa sinabi niyang 'yun ay hindi ko na napigilan pang ikuyom nang mahigpit ang mga palad ko. Hindi ko man lang magawang igalaw ang katawan ko dahil alam kong maling galaw ko lang ay siguradong bubutasin nito ang bungo ko. "Ano? Papalag kapa ba ha?" Malawak ang ngiti nito habang nakatitig sa akin ang mga mata nitong puno ng pagnanasa at kahalayan. Para bang hindi mapapawi ang lahat ng iyon hangga't hindi nito nakukuha an

