TWO ❤️

1194 Words
-LUCKY MEGAN- "Tahimik! Walang magandang idudulot ‘yang pag-aaway niyo." At ako naman ang dakilang referee sa kanilang dalawa. "Ano ba naman, Megan, hindi ka pa rin tapos diyan sa kinakain mo? Naiirita na ako kakatingin diyan sa pagnguya mo. Tapusin mo na nga iyan,” mataray na sagot ni Patricia. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Patricia at binilisan ko na lang na maubos ang kinakain ko. Tumahimik na rin ang dalawa at nagpatuloy na sa pag-akyat. Nang sa wakas ay marating din namin ang ika-labingtatlong palapag ng building. Panay hingal ang inatupag namin pagkarating sa 13th floor. Lahat kami ay pawisan at nanlalambot ang tuhod. Ganoon pa man ay hindi nagpatalo sa pagod si Patricia. Kaunting pahinga lang at nagpatuloy na muli sa paglalakad. "Mayroon pa rin palang nag-e-exist na 13th floor. Akala ko malas iyon?" tanong ko sa kanila. "Yeah, iyan din ang pagkakaalam ko. Marami ang naniniwala sa pamahiin na malas daw ang 13th. Ewan ko ba at saan nanggaling iyon. Sa dinami-rami ng numbers, bakit 13 pa ang naisip nila?" Curios din na tanong ni Patricia. "Sandali, wala ba kayong napapansin?" Bigla akong natakot sa mukha ni Kiray nang biglang sumulpot ito sa gitna namin ni Pat. "Bakit, ano bang napansin mo?” Nagtataka kong tanong sa kaniya. "The date today is July 13. Ibig sabihin, it’s Friday the 13th." She added some horror sound from her mouth kaya biglang nagtaasan ang balahibo ko sa batok. "Well, it's just a number ‘no. Wala pa naman napabalitang may nagpapakitang mumu kapag Friday the 13th kaya huwag niyo na intindihin iyon. Puntahan na natin iyong pakay natin nang makauwi na tayo." Pagtataboy ko sa scary feeling ko. Lechugas talaga ito si Kiray eh. Haneeep din maka horror ‘no? Horror na nga iyong face tapos dadagdagan pa ng mala-horror na hallway ng building na ito. Walastik talaga! Ang galing makisama ng bruha! Patuloy kami sa paghahanap ng room 1313. Ooopsss! Room 1313?! Wadapak! Ano bang kababalaghan ang mayroon at puro 13 yata ang nakapaligid sa amin ngayon? 13th street. 13th floor. July 13. and now Room 1313! Pastilan Ginoo! "Tao po!" Bigla akong nagising sa malalim na pag-iisip nang mag-tao po si Kiray. Saka ko napagmasdan ang nakapaskil na numero sa pintuan. Walang duda na nanginginig na ang katawan ko sa takot nang mapagmasdan ko ang numero 1313. "Tao po!" Si Pat naman ang kumatok. "W-wala yatang tao. Tara na, u-wi na tayo." Kanina pa talaga hindi maganda ang pakiramdam ko. Simula nang pumasok kami sa building na ito, hanggang sa kinatatayuan namin ngayon. Sobrang kinakabahan na natatakot na talaga ako. "Sandali. Bakit naman bigla-bigla eh atat na atat ka ng umuwi? Nandito na tayo, uuwi tayo agad? Relax ka lang, puwede?" Iritableng sagot ni Patricia. "Oo nga naman, friend. Excited din naman ako makakita ng photo shoot ‘no," segunda ni Kiray. "Mukha bang may photo shoot? Tingnan niyo nga kapaligiran niyo. May nakikita ba kayong sobra sa haba ng pila na mag-a-audition? ‘Di ba wala? Kaya kalokohan lang itong pagpunta natin dito." "Ay. Ayos sa moral support ah. Sobra sa pagka-nega. Baka nasa loob na at nagsisimula nang mag-photoshoot. Saka aasahan mo pa ba na nakapila pa sila sa ganitong oras? Alas dose na. Baka tapos na sila." Aba. Kumakampi siya ngayon kay Patricia huh. "Iyon na nga eh, tapos na ang audition. Late na tayo kaya umuwi na tayo.” Ayoko ng magtagal pa sa lugar na ito at sobra na sa bad vibes itong nararamdaman ko. "Ang KJ mo, Megan. Wait lang, puwede? Pagbigyan mo na ako, please. Pangarap ko ang nakasalalay dito, friend. ‘Di ba sabi mo, susuportahan niyo ako kahit na anong mangyari?" pagmamaka-awa pa ni Patricia. "Please, friend. Samahan na natin si Pat. Let’s just give it a try. Hayaan natin na ma-realize niya na kalokohan lang itong ginagawa natin." "Baliw! Isa ka pa!" sigaw ni Patricia kay Kiray. Isang malutong na halakhak ang sinukli sa kaniya ni Kiray. “Jokeness lang, friend. Ikaw naman, hindi na mabiro." Panay pa rin ang tawa ni Kiray nang biglng bumukas ang pinto. Parang nag-slow motion ang paligid nang sabay-sabay kami tumingin sa bumukas na pinto, para lang magulat sa nasaksihan! Tinakpan ko ang mata ko dahil ayokong magkasala. "What the pack," Kiray whispered. "What the 6 pack to be exact, my friend," malanding bulong ni Pat sa amin. Hindi ko alam kung nagbubulungan ba itong dalawa o nagpaparinig. Kasi malinaw naman na naririnig ko at ng lalaki sa harapan namin. Nakangisi pa nga ang walang hiya. Oo, wala talaga siyang hiya. Ako na lang ang nahiya para sa kaniya kaya tumalikod ako sa kanila. "What can I do for you, beautiful ladies?" OMG! Kinilabutan ako sa boses niya. "Erm. Erm. Hi, my name is Johanna Cerezo and you?" "Hello, I’m Patricia Nicole Alvarado but you can call me Pat and you can call my friend Kiray, for short. As in for short." "And by the way, you can call my friend as Patring for shortcut. Much better if Petra ang itatawag mo sa kaniya kasi favourite pet name niya iyon eh." Agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilin ang matawa sa narinig. Naglahong parang bubbles ang takot ko nang marinig ko ang pang-aasar niya kay Patricia. “Shut up, kuto.” Halata sa tono ng boses ni Patricia ang pagpipigil na gumawa ng eskandalo. Gusto ko sana sila harapin at silipin ang reaksyon nilang dalawa pero huwag na lang. Away kabayo-kuto lang iyon. Baka pati ako ay bigyan ng pet name. "Well, nice to meet you young and fresh ladies. My name is Edgar. So, what brought you here?" Ang landi naman niya. "We're looking for this place. Ito na ba iyon?" maarteng tanong ni Pat. "Yes, it is," sagot ng Edgar daw. "Are you still accepting applicant?" Si Kiray, isa pang maarte. "Hmmm, yeah, but are you sure you want to audition?" "YES!" Aba't ang dalawang malandi, nag-duet pa. "Does your friend also interested to apply?" "No. She's not interested. But the two of us, super interested!" Halata sa boses ni Kiray ang sobrang excitement. At gusto na rin maging modelo ng bruha ha. "At kelan ka pa naging interesado ha?" "Ngayon lang naman, Patring. Nang makita ko si Fafa Fogi.” "Miss, do you want to come in?" narinig kong tanong ni Edgar. Dahil ayoko naman maging bastos ay lumingon ako sa kanila at parang gusto ko ulit tumalikod nang makita ko na naman ang lalaking iyon. Ang lalaking may pamatay na katawan. Kailan ba nauso ang boxer short? At sino ba ang nagpauso nun nang mabigwasan sa ngalangala. "No, thanks. Hihintayin ko na lang sila dito sa labas." Akala ko mabubulol na ako pero buti na lang at nakayanan ko pa magsalita ng maayos sa kaniya. "Are you sure? Baka kasi matagalan ang photo shoot eh.” Lumapit sa akin si Kiray at hinawakan ang balikat ko para bumaba ng kaunti sa kaniya at bumulong. "Huwag ka nang mag-inarte pa riyan. Pumasok na tayong lahat.” Saka siya magiliw na ngumiti kay Edgar. "Yes, we're all coming in! Leggo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD