NINE ❤️

1714 Words
-LUCKY MEGAN - Kanina pa ako nagpagulong-gulong sa kama ko. Tinakip ko na ng unan ang tainga ko para hindi ko marinig ang ringing tone ng cellphone ko na kanina pa tumutunog. Wala pa naman akong balak bumangon dahil gusto ko bumawi ng tulog. Late na ako natulog kagabi kakaisip ng mga bagay-bagay. Iyong plano na job haunting with Kiray and Patricia, bukas na lang siguro iyon. Hindi ko pa rin sila nakakausap matapos ang insidente sa nakakakilabot na bahay ng Edwin ba iyon? That was three days ago pero parang kahapon lang nangyari. Ano nga ulit iyong pangalan ng hinayupak na iyon? Edmund? Edwin? Edison? Hay naku, bahala na siya. Hindi ko papangarapin maging sikat kung iyon lang naman ang kasasadlakan ko. Mga pornstar siguro ang mga iyon. Heto na nga, balik tayo sa kasalukuyan. Bakit ba hindi marunong makaintindi ang istorbong caller na ito na wala akong balak sagutin ang tawag niya? Manhid ba siya para hindi makaramdam? Pero mukhang hindi marunong mag-give-up ang taong iyon kaya kahit nayayamot ako ay hinanap ng kamay ko ang cellphone na nasa side table ng bed ko. Hindi na ako nag-abalang imulat ang mga mata ko dahil baka magising nang tuluyan ang diwa ko. Nang mahawakan ko na ang aparato ay kusang gumalaw ang mga daliri ko para tanggapin ang tawag ngunit nanatiling nakatikom ang bibig ko. Bahala siya maghanap ng makakausap niya. Istorbo siya eh! "Megan, I know you're there." Napataas ang dalawa kong kilay nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Himala! Si Patricia ba talaga ang istorbo sa tulog ko? Kilala ko siyang hindi marunong makipag-usap sa phone. As in tamad siyang tumawag dahil mas gusto niya na puro text lang. Kaya nga kahit tinatawagan ko siya, hindi talaga niya sasagutin. Magte-text lang siya at sasabihin. "Huwag ka na tumawag. Text ka na lang." Oh 'di ba, parang praning lang? Ayaw tumanggap ng calls kaya naman hindi ako makapaniwala na tumatawag siya ngayon. "Megan! Say something!" Nakapatong lang ang cellphone sa ibabaw ng tainga ko habang nakatagilid akong nakahiga. "Hmmm." Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. "Thanks God you're still alive! Meg, I have something to tell you and for sure you won't believe it kasi kahit ako, hindi rin makapaniwala! I almost give up pero salamat talaga kay God. It's destiny talaga! OMG!" "Hmmm." "Megan, naman eh, nakikinig ka ba?!" "Hmmm." "Megan! Please listen carefully. Kiray and I just finished talking and she's going with me tomorrow." "Tc," maikli kong sagot. "You're going with us. Pupunta tayo ng ABC Broacasting bukas." I arched my right eye brow when I heard the name of that TV Station. "Megan, get ready because I'm very sure that this will be the beginning of my sweet success." Then I heard a witch laughed at the other line. "Baliw ka na, Patring. Matulog ka na lang ulit." I'm not interested to listen to her crazy stories. "I'm not crazy, Meg. Katatawag lang sa akin kanina ng It's Pekaboo! Nakapasa ako sa screening nila kaya naman makikita na ako sa TV!" It's Pekaboo. Oh yes! I remembered. Sinamahan nga pala namin si Patricia sa audition niya para sa Kaloka-like. That was two months ago pero akalain kong tinawagan daw siya. Minulat ko na ang aking mata at sumandal sa head board. "Wala ka pa rin talaga kadala-dala sa nangyari sa'tin three days ago, 'no? Muntik na tayong ma-rape ‘di ba?" Ayaw ko na sana alalahanin pa iyon kaya lang lagi kasing nagre-replay sa utak ko iyong bastos scene na iyon eh. Napasimangot na lang ako nang marinig ko ang malakas na tawa niya. "Hindi naman tayo na-rape 'di ba?" Kung nasa harapan ko lang si Patricia, siguradong baldado na 'to kakabatok ko. "Do you hear yourself talking?! Okay ka lang? Hihintayin mo pa bang ma-rape tayo bago ka tumigil sa mga kalokohan mo?" Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ni Patricia. Ganito ba siya ka-desperado na sumikat? Lahat gagawin kahit buhay at puri ang kapalit? "Okay. I'm sorry for what happened. Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari eh. Pero this time, totoo talaga ito. Sa ABC Broadcasting talaga tayo pupunta kasi nag-text na sila at tumawag pa. I'm very sure na this is legit. Promise!" "Para saan ang promise mo?" "Hmmm. Promise? Promise na kapag pinahamak ko kayo rito, hindi ko na kayo aabalahin pa. That's a promise!" "Okay." "Kahit ako na lang ang mapahamak, 'wag lang kayo na mga bestfriend ko." "Hindi ka naman nangongonsensya niyan?" Ito ang nakakainis kay Patricia. Parang pinapalabas na masasama kaming kaibigan. Para naman gusto namin siyang mapahamak. Sasabunutan ko ito eh. "Hindi. Basta I want you to get ready for tomorrow." Diyan siya magaling, feeling boss! "Ano ang kapalit?" I wondered kung ano ang maiisip ibigay ni Pat for all the sacrifices we're giving to her. For all the favors na ginawa namin ni Kiray. "25% commision for you and 25% for Kiray then 50% for me. Is that fine with you?" I just rolled my eyes. "You're really crazy!" I screamed in disbelief! "I'm not crazy nor desperate, Lucky Megan Padua. I just keep on believing that this is the moment of my life. This is it! And you will help me to reach for my dream." "And how about my dream? My goal in life?" "What is your dream? I never heard of your dream, Meg. Wala ka naman kasi kinukuwento sa amin eh." Napaisip naman ako sa tanong niya. Ano nga ba ang dream ko sa buhay? Hmmm. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon nang maayos at permanenteng trabaho eh. At ang trabaho na pangarap ko ay ang maging Director ─ Director ng kahit ano. Kahit ano na puwedeng i-direct. Utos dun, utos dito, utos kahit saan. Bigyan ng bawat direksiyon ang mga tao. "Maging Director." "Sige, tutuparin natin 'yang pangarap mo." "Paano?" "Pasikatin niyo muna ako. Kapag sikat na ako, marami na akong koneksyon sa mga big bosses ng ABC Broadcasting. At kapag marami na akong koneksyon, madali na lang iyon dahil ibe-build-up kita. Kaya dapat galingan mo rin." "Paano ako magiging magaling kung all of the time eh lagi kaming nakabuntot sa'yo na parang alalay?" "Wow huh. Alalay talaga, friend? Puwede ka naman mag-undergo ng training. Basta ako bahala sa inyo. Samahan niyo lang ako bukas. Sige, ba-bye na at magpa-practice pa ako para sa aking talent portion. Love you, friend!" "Teka!" Ngunit wala ng sumagot sa linya. Mabilis na tinapos ni Patricia ang pag-uusap namin. Patring! Panira ka talaga ng umaga! ***** "Gising na pala ang prinsesa," masayang bati sa akin ni mommy. "Maaga ka yata nagising?" sabat naman ni Tito Robin. "Oo, mas maaga sa usually na gising niya na 1pm or 2pm," sarcastic na tono ni Ate Lauren. Nagkatinginan kami at inirapan lang niya ako. Kompleto lahat sila sa dining area at nagsisimula nang kumain. "Kain ka na, Ate Meg." Tumabi ako kay Sandy na maganang kumakain. "Thanks, sis!" Pinaglagay ako ni mommy ng maraming kanin sa aking plato. Natakam ako nang makita ko ang nakahain na ulam sa mesa, ang chicken curry. "Wow! My favorite!" I was surprised. Matagal ng hindi nakakapagluto si mommy ng favorite kong ulam eh. "Of course!" Mainit pa ang kanin at ulam kaya naman enjoy na enjoy ako. "Patay-gutom." Pinukulan ko ng masamang tingin ang nagsalita ang bunso kong kapatid na si Isabel. At para mas lalong maasar sa akin si Isabel ay mas tinakawan ko pa ang hitsura ko. Kulang na lang yata ay huwag na akong lumunok dahil sa dinami ng sinubo ko at nagka-bukol-bukol na ang pisngi ko. Kahit sino naman siguro ang makakita sa akin ay masasabihan akong patay-gutom. "Sinabi mo pa, girl." Sabay appear sina Ate Lauren at Isabel. Hindi ko na lang sila pinansin. Alam ko naman na magkakampi ang dalawang kontrabida na iyan eh. "How's your date with your friends?" tanong ni Tito Robin. Nilunok ko muna iyong kinain ko bago ako sumagot. "Hmm. It was fine," maikli kong sagot. Ayaw ko ng ikuwento pa iyong nangyari at naloloka lang ako kapag naaalala ko iyon. Tama ng si Yujin lang ang naaalala ko sa araw na iyon. Yujin. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? May chance pa kaya na magkita kami? Kung bakit kasi hindi ko man lang naisip na kunin ang contact number niya. Kahit man lang sana f*******:, twitter or i********:. Eh 'di sana, busy ang kamay ko ngayon kakapindot. Ang tanong, magre-reply naman kaya siya? "That's it? Wala ng ikukuwento pa ang princess ko?" Mommy asked. "She's in love, Mommy." I horribly looked at my right side. Tumingin ako nang may pagtataka kay Sandy. Napag-usapan na namin ang bagay na ito na wala siyang pagsasabihan. Pero heto siya at ibinuko pa ako. She smiled and giggled. Nag-peace-sign pa huh. "Really?! And who's that Lucky's guy?" She asked Sandy with full of excitement. "I'm not in love." "Yes. She's not in love dahil wala pa siyang karapatan ma-in love. Walang ma-i-in-love sa kaniya, Mommy. Look at her. She even don't know how to eat properly. Parang mauubusan ng pagkain kung makasubo eh," Isabel said. "Yeah. She's not attractive. She's baduy." And Ate Lauren laughed. "Yeah. She's not attractive. She's baduy," panggagaya ko kay Ate Lauren. I just rolled my eyes. Salamat sa moral support ng mga kapatid ko. Malaki ang naitutulong nila. "Ang ganda kaya ni Ate Lucky! Mas maganda pa sa inyo." "Shut up, little dwarf!" Lauren and Isabel duet. "Hep hep hep!" pag-awat sa amin ni Tito Robin. "Hooray!" At ginawang katuwaan naman ni mommy. "Tama na iyan, girls. Let's just eat silently. Ayaw ko nang makarinig pa ng magsasalita. Pipitikin ko ang bibig ng iimik pa riyan," pananakot ni Tito Robin. Ipinagpatuloy na namin ang naudlot namin pagkain. Tahimik na ang lahat. As in wala ng nagsalita. Panay tunog lang ng kubyertos na kumakalampag sa pinggan ang maririnig mo. Ang paglagok ng tubig, ang pagnguya, ang pagdighay. "Ssshhh." Sabay-sabay silang nag "ssshhh" at nakatapat pa ang index finger sa bibig huh. Habang si Tito Robin naman ay tahimik pa rin na kumakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD