CHAPTER 33 FIERCE'S POV Panay ang tulo ng luha ko habang pabalik kami ni Thea sa Villa. Wala din akong choice at kailangan kong intayin si Cloak dito. Besides, I want to give myself a little chance na baka sakali...baka sakaling hindi pa dito matatapos. Parang sa mga libro na nababasa ko na mali lang pala ang rinig, na may kulang pa pala. Na hindi pa tapos ang sinasabi. Sana nga. Heaven knows how much I wish na sana nga mali lang ako ng pagkakaintindi. Na there's more to it. Sana nga ganon ang mangyari. "Okay ka lang ba dito? Nai-impake ko na lahat ng gamit mo." Sabi ni Thea. "I'll be fine...pero—" "Dont worry. Tawagan mo na lang ako kung magpapasundo ka incase. Anyway, maiwan na kita dahil dadalan ko pa ng papel so Boss Tamad. Isa pa may concert si Quin" "Concert?

