Chapter 7

1530 Words
CHAPTER 7 FIERCE'S POV   Nakasimangot ako habang nakaupo sa sofa at nakataas ang paa sa coffee table. Maaga akong nagising dahil may interview ako mamaya. Press-con to be exact.   Wala ako sa mood lumabas pero kailangan. Para naman kasing walang kapaguran ang Jarrice na iyon. Punong-puno ang schedule.   Ang dami naming problema ni Cloak. Una, kailangan walang makahalata sa pagpapanggap namin. Pangalawa, kailangan naming malaman kung nasaan si Jarrice. May pag-asa kami don sa una, pero iyong pangalawa ang mahirap talaga.   "............"   Nilingon ko si Cloak. Lumabas siya kasi kanina ng sinabi kong ayoko ng pagkain sa restaurant sa ibaba nitong kompanya. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero saglit lang naman siya nawala at ito nga bumalik na   May dalang...Jollibee?   "Oy, A-Anong gagawin mo sakin?"   "............"   Nagtatakang nakatingin lang siya sakin. Tumayo ako at nagtago sa likod ng sofa. Mukhang hindi maintindihan ni Cloak ang ginagawa ko. "What are you doing?"   "Bakit ka may dalang Jollibee? Re-r**e-in mo ako ‘no?"   Napatili ako ng makalapit siya sakin at hinawakan ako. Mariin akong napapikit at inintay ang susunod niyang gagawin and somehow...part of me is eager for it.   "Silly. Ito lang kasi ang nakita ko na malapit dito." sabi niya kasabay ng mahinang pagpitik sa ilong ko.   Nagmulat ako ng mata. Iyong kanan ko lang na mata pagkatapos ay sinunod ko na iyong isa. Nang makita ko ang mga mata niyang kumikislap sa kapilyuhan ay padabog na kinuha ko ang hawak niya. Akala ko pa naman, akala ko re-r**e-in— Ugh! Why the hell am I waiting for it anyway?   Nakasimangot na umupo ako sa sofa. Pagkaraan ay umupo si Cloak sa tabi ko at kinain din ang sa kaniya. Patingin-tingin ako sa kaniya hanggang lumingon na siya sakin.   "I told you. I'll wait." sabi niya.   Nag-init ang pisngi ko. "Sabi ko nga!"   ".........."   Inirapan ko siya at kumain na ng burger steak na binili niya para sakin. In fairness mas gusto ko ‘to kesa sa pagkain dito sa kompanya ni Jarrice. Mura nga pero masarap naman. Sulit na sulit pa ang bayad.   "May press conference ka mamaya." Sabi ni Cloak.   "I know."   "..........."   "Yes alam ko na ang sasabihin ko."   ".........."   "Yup binasa ko kagabi lahat ng iba pa na tungkol kay Jarrice."   Ang galing ‘no? Nagkakaintindihan kami? Dati halos sumabog ang ulo ko kapag nasa lazy mode siya at kulang na lang balatan ko siya ng buhay. Pero ngayon nasanay narin ako kahit paano though kapag sinisipag lang akong intindihin siya sa super alien language niya. Kapag wala ako sa mood batok ang aabutin niya.   "And your speech?" tanong niya.   "Ayos na."   "You don't know how much pressure you'll get."   "Kaya ko nga.”   ".............."   "Yes, I'm very sure na kaya ko. Kinabisado ko ang speech ko ‘no."   Nang matapos akong kumain ay naligo na ako. Tapos ay sinuot ko ang kulay puti na dress na binili ko kahapon. Nag apply din ako ng light make-up at pinatuyo ang buhok ko at itinali. Nang lumabas ako ng kwarto ko naabutan ko si Cloak na kasalukuyang inaayos ang necktie niya. Halata mo na hindi siya komportable sa suot niya.   "Akin na nga."   Inalis ko ang kamay niya at ako na mismo ang nag-ayos ng necktie niya. Hindi ko na lang pinansin angnakakailang niya na tingin.   Nang matapos ako ay nag-angat ako ng tingin. I can see the confusion in Cloak's face. The same expression na alam kong meron sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin at tiningnan ko na lang ang buhok niya. Napailing ako at inabot sa kaniya ang kulay black na panali ko.   Inginuso ko ang buhok niya. "Wala ka bang balak na pagupitan iyan?"   "..........."   He means, No. Sabagay, ang gwapo niyang tingnan lalo sa buhok niya. It add something to his mysteriousness. It frames his face, making his handsome face have more character. At— at bakit ko ba siya pinupuri?   "Let's go?" pukaw ni Cloak kaya tumango na lang ako.   After an hour ng tahimik na biyahe namin nakarating na din kami sa lugar kung saan gaganapin ang press conference. Iginuide kami ng mga security guard sa loob dahil maraming tao sa labas.   Yun yung mga reporters na hindi na pinapasok. Pili lang kasi ang pwedeng pumasok.   Hindi ko alam na ganito pala kasikat si Jarrice. Nakakapagtaka na hindi ko man siya nakita sa balita o talagang outdated na ako sa mga bagay bagay?   "Hi Miss Jarrice! Grabe na miss ka namin!"   Tinignan ko ang babaeng yumakap sakin. Nginitian ko siya at napatingin saglit sa ID niya, pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko sa kaniya.   "Nice to se you too again Lenie." Sambit ko.   Pumunta kami sa back stage. Madami akong nakausap at iniwasan ko na mapunta sakin lahat ng atensyon. Pinakilala ko sila kay Cloak na tahimik at pilit na ngumingiti.   Nang sumenyas na ang isang lalaki na kailangan ko ng lumabas ay tinanguhan ako ni Cloak. Sa labas siya pu-pwesto.   "You okay?" tanong ni Cloak.   "Yes."   "Good."   Lumabas na siya, ako naman ay nakangiting hinarap ang production team. Naririnig ko na ang boses ng nag a-announce ng pagdating ko. Paglabas ko ay bahagya akong napatigil sa dami ng tao. Sumasali ako sa mga dancecompetition noong college ako pero hindi sa ganitong kadaming tao. Nanigas ako sakinatatayuan ko.   Naramdaman ko na may humawak sakin.   "I knew this will happened. You need to relax, Fierce." Sabi ni Cloak.   "W-hat are you doing here?"   "You look like you're gonna pass out."   "Kaya ko ‘to. Get out of here. Bumalik ka sa pwesto mo."   Nararamdaman kong nanginginig ang kamay ko. Pero kaya ko ‘to. Relax. Inhale. Exhale. "Fie— Jarrice..." tawag sa akin ni Cloak.   "What—"   What the—He kissed me! Nasilaw kami sa mga sunod-sunod na flash ng mga camera. May mga naghihiyawan pa. Pero hindi ko na napapansin iyon. Nakatutok lang kay Cloak ang atensyon ko. "You okay now? Be honest."   "B-Bakit? anong gagawin mo kung sakaling hindi ako okay?"   "I’m gonna kiss you again."   "I-I'm not okay?" naging patanong ang sinabi ko.   I heard him chuckled. Pagkatapos ay hinalikan niya ako ulit. Right now I wish na mawala na lang ang lahat. Na kami lang ang nandito. Na walang camera. Walang reporters. Walang kahit na sino. Sana kami lang dalawa.   "I'll kiss you later again. But you need to finish this first."   Namumula na lumapit na ako sa gitna kung saan ako uupo. Nilibot ko ang paningin ko sa mga reporters na nasa front row ng mga upuan. Mukhang excited silang magtanong.   "It’s nice to finally hear from you again Miss Jarrice. How’s everything going ngayon na nakabalik ka na?"   "Tough. Madami akong naiwan na trabaho." Sabi ko sabay tawa.   Nakitawa din sakin ang ibang mga nanonood. Mukhang pinapakinggan nila lahat ng sasabihin ko. So I need to be very careful sa mga sasabihin ko. Maybe. Isa sa mga tao dito ay alam na hindi ako si Jarrice. May iba namang reporter ang nagtanong.   "I know everyone here is wondering kung bakit ka nawala?"   "I need time to think. A lot of time for myself." Sagot ko.   "At natapos mo ba ang lahat ng mga issues mo Miss Jarrice?”   "Yes I think so."   Ilang minuto na sunod-sunod na taong ang mga sinagot ko. Pakiramdam ko wala ni isa sa kanila ang nauubusan ng tanong. Nahihilo na din ako. "And where did you go? Doon mo ba nahanap si hottie someone mo?"   "Nagpunta ako sa ibang bansa. And yes doon kami nagkita ni Jase."   "What's you relationsip with him?"   "He's my boyfriend." Napatili ang mga ibang nanonood sa sagot ko.   "Ayon sa source, nagsasama daw kayo?"   "Yes."   Parang pinupupok na ang ulo ko. Nang matapos lahat ng mga tanong ay nagpaalam na ako sa kanila at nag exit na. Pagdating ko sa backstage may mga braso na sumalubong sakin. I sighed with relief. "Well done, angel."   "Nakakahilo."   Napangiti ako ng maramdaman ko na hinahaplos niya ang buhok ko. We can stay like this forever and I wont even complain even once. His arms, it feels like home.   "Okay ba?" tanong ko.   ".............."   "Answer me."   "Yes it was okay."   Tumango-tango ako. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ako ng mga labi niya. Napakapit ako sa leeg niya at sinagot ang mga halik niya. I can feel his tongue gently probing my mouth. Exploring inside. I moan silently in response to his kiss. He pulled me closer to him. Softly caressing my waist. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas. Ang alam ko lang ayokong umalis sa pagkakayakap niya. That’s why even the kiss ended, nanatili akong nakayakap sa kaniya.   "We need to go." Sabi ni Cloak.   "............"   Napatawa siya "Now don't do that. Ako lang ang pwedeng manahimik. And angel, I dont want to move and let go of you but we need too."   Nakasimangot na lumayo ako sa kaniya. Pero hindi niya rin ako hinayaan na sobrang layo sa kaniya. Ikinawit niya ang kanang braso niya sa bewang ko.   "You're not Jarrice."   Sabay kaming napatingin sa likod namin. May babaeng nakatayo don at nakatingin samin. Anong sabi niya? I'm not—   Uh oh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD