JAVI “WE NEED TO LEAVE HERE,” bulong naman ni Tres sa akin. Inirapan ko naman ito. Kanina pa ito panay ang bulong sa akin. “Umalis ka kung gusto mo!” inis naman na sabi ko rito. “She's dangerous. Ipapakain niya sa atin ang mga nahuling daga at palaka,” nakasimangot na turan ni Tres. “Nakakain ka na, di ba?” tulalang saad ko naman. “Yeah. Si Sheena, it's her kasalanan.” Inis naman na humarap ako sa gagong ito. “Can you talk formally! Like the heck! You're like a f*****g teenager!” “What's wrong?” natatawang sagot naman ng gagong Smith. Inismiran ko naman ito. He's speaking a conyo language. “Don't give me a f*****g headache!” sabay hilot ko naman sa aking sentido. Humalakhak naman ito ng pagkalakas. Alam ko naman na binubuwesit lang talaga niya ako. “May araw din ‘yan sa akin

