Chapter 1 Miss Takaw

1998 Words
Zain. Napailing na lang ako habang nakatingin kay Anya na maganang kumakain. Gutom yata talaga siya. Biruin nyo ni hindi man lang niya ako magawang aluking kumain. Nakakatawa siyang tingnang kumain. Kung may makakakita sa kanya na hindi siya kilala walang mag-iisip na isa itong sikat na International MODel. "Siguro gutom ka nga. Gusto mo umorder pa tayo?"nang-aasar na wika ko sa kanya. "Sige order ka pa Mr. Mendex total hindi ka pa nakakain. Nakakahiya naman sayo."sagot naman niya. "So treat mo? "tanong ko sa kanya. Bahagyang napataas ang kilay niya ng marinig ang sinabi ko. "No way bahala kang bayaran yang pagkain. Kulang pa yan sa pagpahintay mo sa akin ng halos sampung oras. Itong ganda kung to Mr. Zain Tyrone Mendex ay hindi dapat pinaghihintay ng sampung oras. Hmmp Ewan ko sayo."magkasalubong ang kilay na wika niya. Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Sabagay napakaganda nga naman niya. Hindi na niya ako pinansin bagkus nagpatuloy lang ito sa pagkain. Wala akong nagawa kundi ang umorder na lang. Pinaubaya ko na lang sa kanya yong unang mga pagkain na inorder ko. Hay ang babaeng to. Ang takaw. Kala mo,di katawan ang puhunan sa kanyang trabaho. Kung makakain kala mo,mula kahapon pa di kumakain. #Anya. Aray ano ba yan ang sakit ng tiyan ko. Grabe sobrang busog ko kasi,ngayon lang ulit ako nakakain ng ganoon kadami. Ano ba namang buhay to Oo. Nasprain na ang paa ko... Sumasakit pa ang tiyan ko. Ito na yata yong sinasabi nilang,hindi na dapat kumain kapag busog na. Ayan tuloy nakarma na ako sa pagiging matakaw ko. Kainis. "O bakit ganyan mukha mo? Para kang pusa na hindi makaanak-anak" Tingnan mo tong lalaking to,hindi na nga maganda ang pakiramdam ko nakuha pa niyang mang-alaska. "Masakit tiyan ko! "nakangiwing wika ko. Sabay diin ng bahagya sa tiyan ko. Nalipasan kasi ako ng gutom. Nabigla siguro yong tiyan ko,bat naman kasi ang dami kong kinain ee. "YAn ang napapala ng mga matakaw."Patuloy lang na pang-aasar niya sa akin. "Wag mo nga akong inaasar. Tapos ang sakit pa ng paa ko. Napaka-ungetleman mo talaga alam mo nasprain paa ko pero nakakita ka lang ng sexy nakalimutan mo na akong alalayan kanina." nakangiwing wika ko. Paano ni hindi man lang ako inalalayan ng kumag,kanina. "Hey! What are you talking about Miss Garcia?Magkalinawan nga tayo? Inutusan ba kitang tumambay kanina sa loob ng Company ko. Sinabi naman siguro sayo ng secretary ko na may meeting ako. And what did you say to her,willing kang hintayin ako. Ikaw ang gustong maghintay doon hindi ako. Hindi ko naman sinabi sayo na hintayin ako. So I assume na umalis ka na kanina! Im so busy,Miss Garcia para maglaan ng oras sa mga walang kwentang bagay!"Ouch bakit ganyan naman siya magsalita. Alhough,may point naman yong mga sinasabi niya,tama naman siya,hindi niya sinabing iaacomodate niya yong beauty ko kanina. Pero dahil may kailangan ako sa kanya kaya ako nagbabakasakaling haharapin niya ako,kanina. Ang sakit naman niyang manalita,itinuring niya lang pala akong isang walang kwentang bagay! "Hmmm,ang damot! Kala niya kung sino siya!Pasalamat siya,may kailangan ako sa kanya. Kung hindi who you talaga siya sa akin!"bubulong-bulong na wika ko. Nakakainis talaga siya! "May sinasabi ka?"halata ang pagkairita sa mukha niya. Napa-strikto tingnan ng mukha niya! "Wala. Gusto ko ng umuwi masakit ang tiyan ko.Natatae na din ata ako."gusto ko na ding magpahinga napagod ako sa paghihintay sa lalaking to. Na wala din palang patutunguhan yong paghihintay ko sa kanya. "Pati ba naman yon,Anya,kailangan mo pang ibroadcast.Eh di umuwi na tayo." Sabay tayo niya . Ang lalaking yon. Matagal bago ako nakatayo sinanay ko pa kasi ang nasprain na paa ko. Aray ko po ang sakit naman. "Are you okay? "tanong niya sa akin. Ayieee concern siya? Hmmp,if I know. Tong lalaking to talaga. Halata namang front niya lang yong bait-baitan mode niya. Napailing na lang si Zain. "Hay nako. Halika na nga."Muli ay binuhat niya ako. Bahagya akong napatili,pano naman kasi diko ine-expect na bubuhatin niya ako. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papano. Hindi ko na kailangang maglakad,pabalik sa sasakyan niya. "Ang Bigat mo Anya ang dami mo kasing kinain kanina. "napakunot ako ng marinig ang sinabi niya. Ako mabigat? Haissst kainis talaga siya. Naiinis ako sa kanya,kaya kahit di niya nakikita ang mukha ko,inismiran ko pa rin siya. "Pasensya na Mr. Mendex, mabuti pa ibaba mo na lang ako. "utos ko sa kanya. Nakakahiya kayang masabihan ng mabigat. Kaso hindi siya nakinig. Kita mo ang lalaking to,akala ko ba mabigat ako! Hindi niya ako binaba kaya ang ending buhat-buhat niya ako hanggang sa sasakyan niya. Nawala kahit papano ang inis ko. Feeling your highness lang ang peg. "Saan ka uuwi? "tanong niya sa akin. "Nasa hospital ang daddy ko. Doon mo na lang ako idaan. Salamat."mabilis na sagot ko ng marating namin ang sasakyan niya at mailapag niya ako. Tumango lang siya at sinabi sa driver niya ang destinasyon namin. ...... Hospital. Anya "Dito na lang Zain. Salamat. "matipid kung wika. "Mauna na ako... "walang emosyong wika niya. Pero di pa ako bumababa sa sasakyan niya. Hindi ako bababa hanggat di ko siya nakakausap. "Kailan kita pwedeng makausap Mr. Mendex? About sa business namin?"lakas loob na tanong ko sa kanya. Si Dad naman kasi,sa dami ng pwedeng malapitan kay Zain niya pa napili. Pwede naman siyang manghingi ng tulong kay Phaton,at least,bukal sa loob na tutulong siya. Di kagaya ni Zain,pahirapan pa ang pagkumbinsi sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsalita. "Sana naman pagbigyan mo ako."buong pusong pagpapakumbaba na wika ko. "Wala akong planong tulungan kayo Anya. The least you could do is sell your remaining shares. And let me take over your Business. "malamig na tugon niya. "There's no way you're company can make it."walang pusong wika nito. Ang sakit naman niyang magsalita para sabihing wala na daw pag-asa ang Business na pinaghirapan ng Daddy ko. Hindi ako makakapayag na tapak-tapakan niya nalang kami. No way. Alam kong meron pang pag-asa,kung tutulong lang sana siya. Kung hindi niya lang sana ipagdadamot ang tulong na pwede niyang maibigay! "Kaya nga nakikiusap ako sayo. Ikaw lang ang makapag- paunlad nitong muli. Wag mo namang kunin sa amin ang kaisa-isang bagay na meron kami." "My answer is still No."walang pusong wika nito. Bat naman siya ganon. Bat ang damot niya? " Why?"parang maiiyak na tanong ko. Ang sakit lang,na tinanggihan niya ako. Kungsabagay tinanggihan ko din siya noon,panay din ang pagmamakaawa niyang sabihin ang dahilan ng pag-ayaw ko sa kanya,alam kong alam ni Zain na pareho naming gusto ang isat-isa ng mga panahong yon.Kaso matigas din ako dati. Ibinabalik niya lang ba sa akin yong pagiging matigas ko sa kanya noong nasa college pa kami. "Wala lang ayaw ko lang tulungan ang pamilya mo Anya."Malamig na tugon nito.Ito yong mga linya ko dati sa kanya. Sinabi ko sa kanyang diko siya gusto,kahit ang totoo,gustong-gusto ko siya. Nasira lang talaga yon ng malaman kong,ipapakasal siya ng parents niya pagkagraduate ng college. Yong mga pantasya ko na maging boyfriend siya noon ay gumuho lahat ng malaman ko ang tungkol sa fixedmarriage niya. Kasalanan bang,tanggihan ko siya? Natakot lang naman ako na baka kapag sinagot ko siya,masasaktan lang ako,ayokong pareho kaming mahirapan ni Zain pagdating ng takdang panahon,na ikakasal na siya. Ayokong mamili si Zain sa pagitan namin ng mga magulang niya. But seeing Zain now,masasabi kong masyado siyang binago ng mga nagdaang taon. He was not the Zain I used to know. "Bakit ka ganyan? You turn into a cooled beast.."hindi ko napigilang komento sa ugaling pinapakita niya sa akin ngayon. Malakas siyang napatawa. Yong tawang punong-puno ng kaplastican. Yong tawang walang buhay. "Me? A Beast? Ang gwapo ko kaya Anya paano ako naging beast sa paningin mo." Over confident na wika nito. Kung sabagay. Totoo naman yon,he was handsome. Hindi sapat ang salitang gwapo para idescribe si Zain. Bukod sa perpektong physical feautures niya,di na rin matatawaran ang mga achievements niya. "Ewan ko sayo. Makababa na nga."Kahit nahirapan pa rin akong gumalaw,dahil sa nasprain kong paa,pinilit ko pa ring makababa. Kasi naman ee,napakahirap magmakaawa sa taong wala namang awa. Napangiwi ako ng maibaba ang paa kong nasprain. "Im still not helping your family Anya. Kaya hanggat maari,wag ka ng magpapakita o lumapit man lang sa akin. Magsasayang ka lang ng panahon. And one thing,ayokong masayang ang oras ko sa pakikipag-usap sayo,in the near future! So Bye!"supladong wika na naman nito. "Mukha mo... Parang ewan."grabe nakakainis siya. Sarap niyang sapakin! Ano daw ayaw niyang masayang ang oras niya sa pakikipag-usap sa akin. Grabe na talaga siya. Hindi na makatarungan ang mga ginagawa ng lalaking yon! Grrrr! Napailing na lang ako. Grabe ang tigas niya. Pero di ako susuko. Pasasaan ba at lalambot din si Zain! Paika-ika ako habang naglalakad papasok sa loob ng hospital. Hirap na hirap akong naglalakad,tiniis ko na lang di din naman pwedeng hubarin ang heels ko at magpapaa ako sa loob ng Hospital.. Tiniis ko lang ang sakit. Habang papunta ako sa room ng Daddy ko. Mag-iisip ako ng ibang paraan hindi mo ako mapapasuko Zain. Tutulungan mo kami sa ayaw at sa gusto mo. .... "O anak what happened to you? "nag-alalang tanong ng Mommy ko ng makita niyang nahihirapan akong maglakad. Napailing lang ako. Ayaw ko ng mag-alala pa siya simpleng sprain lang naman to. Mawawala din to. "Ok lang po ako,Mom natapilok lang ako kanina sa pagmamadaling mahabol si Zain." Napatawa si Momy ng marinig ang sinabi ko. "Ikaw natapilok?Paanong nangyari yon,Anya? "hindi makapaniwalang wika niya. Umupo muna ako.Para mawala kahit papano ang sakit ng paa ko. "Oo na po. Medyo hindi ko nga po inaasahan na mangyayari yon. Pero katawa-tawa natapilok po ako. Mas worst po. Nadapa pa talaga ako."naiiling na wika ko. "OK lang yan anak. Ganyan talaga minsan nadadapa tayo. Pero alam mo kung anong maganda yong may taong handang tumulong sayo para makatayo ka mula sa pagkakadapa mo."seryosong wika ni Mom.Hmmp,pero si Zain kanina,hindi naman ako tinulungan agad. Kung di nasprain yong paa ko,baka iniwan na niya ako doon. Kakaibang Zain ang kaharap ko kanina,o baka yon na ang updated version niya. Kahit halatang labag sa loob niya, kinarga niya pa rin ako kanina,two times. Wala akong dapat asahan sa kanya. Nilinaw na niya sa akin na wala siyang planong tulungan ang pamilya ko. Para sa kanya isang pag-aaksaya lang ng oras ang pakikipag-usap niya sa akin. Nalungkot ako bigla. Bakit ba naging ganon si Zain. Posible kaya na ginagantihan niya lang ako sa lahat ng mga pagtanggi at pagtaboy ko sa kanya noon. Kaya niya ginagawa to. Kung isa man yon sa dahilan,nakakalungkot lang isipin. Sana lang magbago pa ang isip niya. "Wag ka nang malungkot iha. Mapapayag mo rin si Zain. Just be strong Anya. "payo ni Momy sa akin. Napatingin sa lang ako sa daddy ko na kasalukuyang natutulog. Tama I need to be strong hindi ako dapat panghinaan ng loob. I'll do whatever it takes para makuha ang tulong ni Zain. Kahit pa ibigay ko sa kanya ang katawan ko gagawin ko. Aisssh. May ganon. Spg naman yata yon.. Wag na lang. "Sige na iha take a rest. O baka gusto mong hilutin ko yang paa mo? " Napatango na lang ako sa huling sinabi niya. I miss my Mom ilang taon ko silang hindi nakakasama kung hindi lang dahil sa problem namin sa business ay baka wala ako dito ngayon.. Nag-umpisa na niyang hilutin ang paa ko.. Napapikit na lang ako. Ang sarap sa pakiramdam ng mga kamay ni Momy.. "Ayan masakit pa ba?" Bahagya kung ginalaw-galaw ang paa ko. Napangiti ako kay Momy. Saka napailing ako. "Wala na po ang sakit Mom." masayang wika ko. "Mabuti naman. Iwasan mo munang magsuot ng high heels baka masprain ka na naman. " "Yes mommy," saka niyakap ko si Momy na puno ng paglalambing..Miss na miss ko na talaga siya. Habang yakap ko siya. Mas lalong naging buo ang loob ko na kulitin si Zain. Bahala na. Para sa pamilya ko. Sa Momy at daddy ko. Aja!!!! Fight...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD