chapter 5

2126 Words
Falling for my ex SuiTOR. Chapter 5 #jogging #Anya. Maaga pa lang ay gising na ako. Kahit late na akong nakatulog kagabi dahil pagkatapos naming magbonding ni Mommy saka lang ako nakauwi. Nang tingnan ko ang relo ko. Maaga pa pwede pa akong tumakbo ng isang round.. Palabas na ako ng bahay ng namataan ko ang sasakyan ni Zain. Nakaparada sa tapat ng bahay namin. Nangunot ang noo ko. Nilapitan ko ang sasakyan. Tinted ang salamin kaya di ko makita ang nasa loob. Kaya kinatok ko ang salamin ng bintana. "Zain?Zain?"Sabay katok ko sa salamin. Dahan-dahan namang bumaba ang bintana ng sasakyan niya. . "Zain? "Nagulat talaga ako ng makita ko siya. Anong ginagawa niya dito? Halata sa mukha niya na kagigising lang nito. "Morning! "Masayang bati niya sa akin. Napataas kilay ako sa sinabi niya. Gosh bakit ang gwapo niya. Kahit wala sa ayos ang buhok niya. "Morning din. "Wala sa loob na sagot ko. "Magjojogging ka? "Tanong niya sa akin. Napatango na lang ako. "Tamang-tama samahan na kita. " Napanganga na lang ako. Ng bumaba siya at nakajogging attire. Seriously? Mukhang pinaghandaan niya ang pagpunta niya rito. "Bakit nakajogging attire ka na?"Kailangan kong marinig ang sagot niya,para hindi na ako manghula ng sagot. "Hinintay talaga kitang lumabas. Kaso nakatulog ako"Seryoso hinintay niya akong lumabas. Hmmm,sounds unusual. Kung sabagay ma-effort din naman na tao si Zain,dati pa nong nanliligaw pa siya sa akin. "What? Anong oras ka pa ba nandito? "Nakakunot noong wika ko. "4oclock."Matipid na sagot ni Zain. "Ano? Grabe ka naman Zain six na ah. "Nagtaka na talaga ako sa mga pinaggagawa niya. Hindi normal yon,kasi hindi naman siya nanliligaw sa akin para mag-effort na hintayin ako ng halos dalawang oras. "Gusto kasi kitang makasabay sa pagjogging. "Nagtataka na talaga ako sa mga inaasal nitong si Zain. Nako naman. "Teka paano mo nalaman na nagjojogging ako?" Natigilan siya ng marinig ang sinabi ko. "Halika na. Wag nang maraming tanong. "Sabay hila niya sa kamay ko. Kahit sa simpleng paghawak niya parang may kung anong dumaloy sa katawan ko. Napakislot ako kaya agad kung hinila ang kamay ko.. Pero mas hinigpitan niya ang pagkahawak nito. Kaya yong kamay naming dalawa ay magkahawak pa rin. "Teka lang Zain, paano tayo tatakbo eh hawak-hawak mo ang kamay ko. Ano yon holding hands while nagjojogging? " Huminto muna kami sandali. "Wag na lang jogging. Walking na lang,"Hirit na wika nito. "Ano? "Pansin ko lang,masyado atang loading ang beauty ko ngayon. "Sabi ko magwalking na lang tayo."Bongga din si Zain,mukhang maganda ang gising di man lang nabadtrip sa kakulitan ko. "Nang nakahawak ang mga kamay? "Sabay taas ko sa kamay namin na magkahugpong pa rin. "Yes, What's wrong with that,"Parang wala lang na sagot nito. But my heart went Whoops! Hano daw? Kami magwawalking ng nakaholding hands. Ano yon? Yong puso ko,baka umabot na sa pluto. Napatikhim ako dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang hindi talaga ako comfortable sa sinabi niyang walking habang magkahawak ang mga kamay. "Sandali lang Zain, may sakit ka ba? Mag eend of the world na ba?" Napakunot noo siya dahil ata sa huling sinabi ko. Ayan na mukhang badtrip na siya! "Sorry. Masyado kasing PDA yang gusto mong mangyari eh. Buti kung may tayo. Kaso wala naman. "Yon,nasabi ko din. "Anya! "May babala sa boses niya. Oo na,nako talaga tong lalaking to daming alam. "Oo na sorry. "Hinayaan ko na lang siya. Ayaw ko ng kontrahin siya. Wala na din akong nagawa ng mag-umpisa na siyang maglakad,habang hila-hila ako. Ewan ko lang kong matatawag bang exercise tong ginagawa namin ngayon. Mukhang hindi naman,para lang kaming namamasyal ee. Ni hindi man lang ako pinagpawisan dahil sa kalalakad namin. Ai pinagpawisan pala ako dahil sa kamay namin na maghawak. Ang lakas ng t***k ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Nang sulyapan ko siya. Sakto naman na nakatingin din pala siya sa akin. Nagtama tuloy mga mata namin. "You're so beautiful Anya. " Seryoso ba siya? Sinabi niya talaga yon? Ah,yong puso ko parang nagreregudon na sa sobrang kaba. Hindi ko alam kong bakit may ganitong epekto si Zain sa akin. Shit, tama na! Ano ka ba naman Zain.. Feeling ko nagblush ako sa don sa simpleng papuri niya. Babaw mo te. Ayieee. "Bolero! "Sabi ko na lang. Paano parang nadrain ata ang utak ko. Nagmalfunction ata. Ay Grabe. "I'm not joking, you're really beautiful. Mas maganda ka ngayon kaysa noong nililigawan pa kita. "Seryosong wika niya. Habang nakatingin sa mga mata ko. Ano, aatakehin na ba ako ng sakit sa puso ngayon. Shit grave to si Zain. Kahit wala akong sakit sa puso pakiramdam ko magkakasakit ata ako. "Hoy tigilan mo ako Zain."Pero ang pisngi ko pulang-pula na. #Zain. Bakit ang ganda yata ni Anya ngayon. Batid kung walang kahit anong make-up sa mukha niya. Pero sobrang ganda pa rin niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong tumambay sa harap ng bahay ni Anya. Matagal ko nang alam na every morning nagjojogging siya. Palihim akong nagmamasid sa kanya. Pagkatapos niyang magjogging sa office na agad ang tuloy ko. "May dumi ba ako sa mukha? "Tanong ni Anya. Napailing ako. Sabay hawak sa mukha niya. " Anya,"Tanging nasambit ko. Napapikit naman si Anya, dinama ang haplos ko sa mukha niya. "Zain, anong ginagawa mo? "Mahinang wika niya na nagpabalik sa katinuan ko. "Huh? Ah, sorry." Shit ano bang nangyayari sa akin. Dapat galit ako kay Anya. Dapat pasasakayin ko lang siya para siya naman ang mahulog sa akin. Pero bakit ganito. Gusto ko siyang titigan. Gusto ko siyang makasama. Dammit. Dahil sa mga bagay na nagpagulo sa akin bigla kung binitiwan ang kamay niya.. Alam ko nagtaka siya. Pero sa ngayon naguguluhan pa talaga ako. "Lets go, umuwi na tayo Anya. "Malamig na wika ko. Hindi ko na siya hinintay. Nauna na akong naglakad sa kanya. #Anya. Napakunot noo ako dahil sa biglang pagbabago ng pakikitungo ni Zain. Ano yon? Kanina lang ang sweet niya. Bakit ngayon tinupak na naman yata. Hay nako. Si Zain talaga.. Pero mas gusto ko kung sweet siya sa akin. Nakakakilig kaya. "Anya. Let's go. "Tawag niya sa akin. Buhat sa malayo. "Coming."Sabi ko na lang. Saka na ako mag-iisip maaga pa kasi baka masira ang beauty ko sa pag-iisip ng kung ano-ano. Tumakbo na ako papunta sa kanya. ....... Nasa harap na kami ng bahay namin ,Nagdadalawang isip ako kung papasukin ko ba Si Zain sa bahay. "Coffee ka muna. "Alok ko sa kanya. Abat ang loko tinitigan lang ako. "What's wrong with my face.."Naiinis na ako sa kanya. "Nothing. "Nauna na siyang pumasok sa loob. Feeling may-ari ang loko. "Have a sit,"sabi ko kanya. "Sandali lang ikukuha kita ng coffe. " Hindi siya sumagot kaya iniwan ko na siya at pumasok na sa kitchen. Busy ako sa paggawa ng coffe ni Zain ng bigla ko na lang maramdaman ang mga braso na pumulupot sa beywang ko. Muntik na akong mapatili,muntik na ding matapunan yong kape na tinitimpla ko. "Zain? Anong ginagawa mo? "Nagulat talaga ako sa ginawa niya. "I just want to hold you."Matipid na sagot niya. Napalunok ako. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya na nakadikit sa katawan ko. Parang may libo-libong boltahe ng kuryente ang tumulay sa katawan ko. Napakapit ako sa pantry, na nandoon. "Zain, I can breathe,please,bitiw na." Ano ba Kasing iniisip niya at bigla bigla ay nagbabago ang ugali niya.. Nong una ang sweet niya. Tapos bigla na lang naging cold. Hay ano na,Zain? "Please Anya, sandali na lang. " Napapikit na lang ako sa sinabi niya. Kahit diko maintindihan ang ibig sabihin ng sinabi niya. Zain. Zain. Napapikit na lang ako. Hindi na lang ako nagreact. Hindi na lang din ako gumalaw. Hinayaan ko siya. Hinayaan ko siyang nakayap sa akin buhat sa likuran ko. Mabuti na lang walang mga katulong ngayon sa bahaging iyon ng bahay kung hindi makakarating na naman ito kay Mommy. "Anya,"Mahinang tawag niya sa akin. "Hmmm. " " I miss you. " Napadilat ako dahil sa sinabi niya kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya. "What? "Loading na naman si Ateng. Tiningnan niya ako sa mga mata. " I said I miss you. Ang tagal ko ng hinintay na mahawakan ka ng ganito." Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Zain. Again I feel guilty for not choosing him noon. Meron kasing nangyari noon. Dapat talaga siya ang sasagutin ko. Kaso may nangyari.. Ewan ko kung alam niya. Magmula ng malaman ko ang bagay na yon. Iniiwasan ko na siya. Pero ang totoo sa kanya ko talaga unang naramdaman ang sparks. Pero dahil sa mga nangyari noon. Binasted ko siya at sinagot si Phaton. " I'm sorry Zain. "Ewan kung para saan yon. Basta bigla na lang nanulas sa bibig ko. "Sorry sa pagbasted sa akin? " Hindi ako nakasagot. I have my reasons kaya ko siya binasted kahit na gustong-gusto ko na din siya dati. "Zain ang tagal na non. Hindi ka pa ba nakapagmove-on? " Mataim niya akong tiningnan. " Hindi pa Anya,hindi pa ako nakapagmove-on sayo. Kahit anong gawin ko.. Kahit feeling ko nainlove ako kay Eureka may space ka pa rin sa puso ko. " "Nainlove ka kay Eureka?"Ewan pero may kung anong sakit ang biglang dumaan sa puso ko. "Yes, nainlove ako kay Eureka at sa pangalawang pagkakataon. Hindi na naman ako ang gusto ng taong gusto ko. "Malungkot na wika niya. "I'm sorry Zain.. Hindi ko alam na ganon pala ang mga nangyari sa sayo. " "It's ok Anya, Kasama na naman kita ngayon. Maybe this time hindi mo na naman ako iiwan diba? " Napatanga ako sa sinabi niya. Totoo ba to? " Hindi na kita iiwan Zain as long as you want me to stay beside you. Hindi na kita iiwan mula sa araw na ito. " "Promise bãbê? " As in baby? Kinilig yata ako. "Promise Bãbê,promise."Madamdaming wika ko. "Thank you Anya,thank you." Mahigpit niya akong niyakap. Napayakap na rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong level ng relasyon namin ngayon. Pero sapat na ang ganito.. Naisip ko may pinagdadaanan lang si Zain. Kaya minsan masungit ito at sobrang cold. Kahit bumalik na naman siya sa pagiging cold niya hindi ko siya susukuan. Batid kung isa ako sa naging dahilan kung bakit naging ganon siya. I promise babalik ka din sa dati Zain. Ang Zain, na mabait, malambing, maalaga at higit sa lahat mapagmahal. Nauna akong kumalas mula sa pagkakayakap niya. "Ang lamig na yata ng coffe mo. "Nahihiyang wika ko. Pero ang lapit pa rin ng katawan namin sa isat-isa. "Zain. Pwede lumayo ka ng kaunti. Hindi kasi ako makahinga eh " Ngumiti siya. Shit ang ngiti na yon. Yon talaga ang mamiss ko sa kanya. O Zain. " No Anya hindi na ako muling lalayo sa sayo. I will be forever by your side. Kahit sa mga panahong ayaw mo na akong makasama. Palagi pa rin ako dito sa tabi mo." "Zain naman eh. Kainis ka. Umalis ka nga. Mamaya makita pa tayo ng mga katulong magsumbong kay mommy lagot na naman ako. " Napakamot siya sa ulo niya. Sabay atras ng konti. Pero medyo malapit pa rin.. "O ayan ha,malayo na ako." "Anong malayo eh ang lapit mo pa. Bumalik ka na nga sa sala. "Taboy ko sa kanya. "Fine sabi mo eh. " Tuluyan na nga siyang lumabas sa kitchen at nagpunta sa sala.. Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Si Zain talaga. Napailing na lang ako. ...... "O ito na coffe mo. " "Salamat. "Sabay sip. Tapos tiningnan niya ako ng masama? Bakit na naman? "Bakit ang sarap ng coffe na to? " Yon lang akala ko hindi niya nagustuhan. "Salamat. Akyat na muna ako sa taas. Ayusin ko lang mga gamit ko." Tumango lang siya. "Mabuti pa nga para makalipat ka na. "Matipid na wika niya. "Sige. ' Iniwan ko na siya. #Zain. Hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko. Pero malakas ang urge ko na maging mabait kay Anya. Dapat hindi na ulit ako mahuhulog sa kanya. Tama na ang minsan. Tama na ang minsan akong umaasa na mahal niya din ako. Pero hindi pAla mali pala ako. First love ko si Anya. At siya din ang first heartbreak ko. This time I'll make sure I will play it right. Si Anya naman ang paaasahin ko. Si Anya naman ang pahuhulugin ko sa akin. Sisiguraduhin ko na mamahalin na niya ako this time. Na hindi na siya makakawala pa sa akin.. I will make sure she was going to fall for me bigtime! .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD