Falling for My ex-SuiTOR. Chapter 22 Label Level #Anya. Nandito kami ngayon sa floating resto kung saan namin naisipang magbreakfast. Ang sariwang hangin na dumadampi sa pisngi ko ang mas lalong nagpagaan sa pakiramdam ko. Napapikit ako gusto kung namnamin ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha ko. "Ok ka lang?" Napadilat ako ng marinig ang boses ni Zain. Napatango ako. "Oo,naman,ok lang ako. Bakit?" "Kumain ka na," "Kumakain naman ako"sabay subo ulit. Nahihirapan akong magconcentrate sa pagkain ngayon ang ganda kasi ng view. "Anya,"alam ko may gusto siyang sabihin pero di niya lang masabi-sabi. Ano kaya yon? "May gusto ka bang sabihin?"tanong ko sa kanya,para iin-courage na din siyang magsalita. Napatitig siya sa mga mata ko. Tapos nagbaba siya ng tingin. Ano na na

