ALEXI
“Ate Alexi?” lumingon ako kung sino ang tumawag sa akin na napaka-lakas ang boses.
“Ano po iyon Leo?” tanong ko sa kanya na may hawak siyang bola ng basketball niya
“Pasalubong po ate, wag mong kalimutan!” bilin niya sa akin ng nakangiti.
Yan yung bunso kong kapatid na si leo na payatot na nagmana kay papa, maputi at ubod ng kakulitan pero mabait yan maasahan mo sa lahat ng mga bagay
“Hays...pasalamat ka cute kang bata ka!” sabi ko sa isip ko. Ang cute niya kasi lalo na kapag nakita mo yung mga dimple niya at lalo na kapag ngumiti siya
“Okay, just be nice to Mama huh.” paalala ko kay Leo na may pagpisil pa ako sa pisnge niya, “kapag makulit! walang pasalubong okay?” babala ko sa kanya.
“Oo naman ate,” proud niyang sabi habang hinihimas pa niya yung kanyang mga pisnge haha nakakagigil kasi.
Tumalikod na ako sa kanya at saktong sakto nandito na ang tricycle at pinara ko na agad, papunta na kasi ako sa trabaho ko, “Bye!!” paalam ko at sumakay na ako.
Kapag kasi wala kami pasok o bakasyon na namin sa school ay nagtratrabaho ako sa Mcdo kahit papaano kumikita ako sarili kong pera at matulungan ko si mama at papa
Habang nasa byahe ako ay nakikinig na lang muna ako ng music, ng may pumara na babae kaya tumigil si kuya para pasakayin yung babae kaya umipod agad ako at tumabi sa aking babae, medyo malayo kasi ang bayan dito siguro mga 30 minutes pa ang byahe
Pumikit na lamang ako habang nakikinig ng music.
Zzzzz.......
Nagising ako ng tinapik ako ng katabi kong babae, hindi ko pala namalayan na nakatulog na pala ako dito
“Ano po iyon ate?” tanong ko sa kanya, “May mai-itutulong po ba ako sa inyo?” dugtong ko habang nagkukusot pa ako ng mga mata ko
“Hey!! ginising na kita kasi nandito na tayo sa bayan hehe.” pabebe niyang sabi sa akin, “Sige ka baka saan ka dalhin ni kuyang driver!” pananakot pa niya sa akin, kaya tumingin agad ako ‘oo nga nandito na pala kami’
“Thank you po at pasensya na rin po ginising mo pa ako,” paumanhin ko, syempre nakakahiya kaya
“It's okay, don't be sorry,” sabi niya at nginitian niya ako kaya nginitian ko na rin siya at umalis na siya
Ang ganda niya infairness she is tall, her hair color is blonde, and sexy. Mapapasana-all ka na lang talaga.
Bumaba na rin ako at pumunta na ako sa Mcdo.
~~~FAST FORWARD~~~
“I hate school!!” mahina kong sabi sa sarili ko habang inaayos ko yung mga gamit ko, hindi ko kasi talaga gusto pumasok sa school dahil stress lang ang ibinibigay sa akin, pinipilit lang kasi ako nina mama pumasok dahil ako daw ang pag-asa nila na makapagtapos ng pag-aaral! Lahat kasi ng kamag-anak ko ay nakapagtapos na ng pag-aaral kaya talaga kailangan kong makapagtapos para hindi na nila kami aapihin at mali ang kanilang sinasabi nila sa amin.
Elementary lang kasi natapos nina papa at mama kasi wala silang pera pangbayad sa school nila kaya pinili na lang nila magtrabaho at magtinda ng mga turon.
Sana naman magkaroon ako ng kaibigan doon kasi ang hirap kapag wala kang kaibigan sa school, bago lang kasi ako sa school kong papasukan. Lumipat na kasi ako dahil lagi akong binubully sa dating kong school.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko si mama na kakatapos lang maghugas ng plato.
“Good morning po Mama.” bati ko sabay kiss sa pisnge niya
“Good morning din anak." bati niya din sa akin, habang kinuha na niya ang balutan sa lamesa at binigay na niya sa akin
Yan si Mama Rosita na napakabait pero minsan clumsy haha may pagkachubby siya, maitim at maliit pero walang tatalo sa kagandahan niya
“Thank you po,” sabi ko ng nakangiti.
Maaga kasi pasok nina papa at Leo kaya hindi ko na sila naabutan pa.
“Aalis na po ako ma!” paalam ko at lumabas na ako ng bahay.
Buti na lang malapit lang ang school ko dito kaya lalakarin ko na lang, sayang din naman kasi ang pamasahe kung sasakay pa ako ng jeep.
Habang naglalakad ako papuntang school ko sa Calle De University ay medyo madami na rin estudyanteng naglalakad kasama yung mga kaibigan nila at nagtatawanan.
Nakakuha kasi ako ng scholarship dito sa school na ito kaya pagbubutihan ko na ang pag-aaral ko at sana ay maayos ang pagtratrato nila dito sa school na ito.
“Tabee!!” sigaw ng lalaki sa likod ko pero huli na
~~Bogsss~~
“Aray naman ang sakit!” mahina kong sabi, habang hawak ko ang kaliwa kong siko at may konting dugo lang kaya nagsi-tinginan na rin ang mga estudyante sa amin at nagbubulungan na sila
Bakit kasi dito nagskaskateboard sa daanan ng tao, hindi manlang niya iniisip na baka makabangga siya ng tao.
“Ayan kasi hindi ka umiiwas sa dinadaanan ko!” galit niyang sabi sa akin at umalis na rin siya agad. Wow ako pa dapat ang umiwas at saka huli na paano na ako makakaiwas ng ganun eh konting distansya na lang makakaiwas pa ba ako? haha pasalamat ka mabait ako.
“Wala manlang sorry?” sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad ko habang pinupunasan ko ng panyo ang sugat ko sa kaliwang siko ko.
“Wow!!” sabi ko sa isip ko, pagpasok ko kasi sa gate ng school sobrang ganda ng nakita ko may mga bulalak sa gilid ng gate, may fountain sa gitna, may mga basketball court tapos may swimming pool din at ang laki ng school na gawa daw siya sa Spain yun ang nakikinig ko sa kapitbahay namin.
Bagong lipat lang din naman kami dito kaya wala akong masyadong kaalam-alam dito sa school na ito.
“Good morning po.” bati sa akin ng security guard na nakatayo sa tabi ng gate, “dito po muna kayo check ko lang po yung bag niyo.” dugtong niya ng nakatingin lang sa akin
“Okay po,” sabi ko at lumapit na ako para macheck na ni kuyang guard.
Pumasok na ako sa loob ng school para mahanap ko na agad ang classroom ko baka kasi malate pa ako sa klase kakahanap ng classroom ko, ang lawak pa naman nitong school na ito.
“Parang maliligaw pa ako dito!” sabi ko, “sa sobrang lawak ba naman kasi,” mahina kong sabi, naikot ko na lahat pero hindi ko parin makita.
TARA
I am are here right now in front of the school with my mom and we still here in my mom's car
“Tara, you need to go to school.” my mom said, she looked at me with a serious face
“I don't want to go to school mom!” I shouted without looking at her
Bakit kasi kailangan pa pumasok sa school nakakaboring naman doon saka school is not the only thing that will make your life successful, how you strategize in your life no matter what your job will be
“Why? give me a reason why you don't want to go to school?” she ask calmly
“Uhmm because....”
~~~Cling~~~
Bwisit naman yang bell na yan hindi ko na tuloy nasagot yung tanong niya.
“Okay, go to your school na at nagbell na!” she said at lumabas na ako ng kotse para pumasok sa school even I don't want to.
Mom Deanna is always rude even you don't do anything wrong but it's okay lang sa akin iniisip ko lang na baka nastre-stress lang siya sa company nila. She works very hard para sa akin, ako lang ang anak ni mom at iniwan na kami ni dad simula ng sinilang ako sa mundong ito
We don't know why he left us maybe he has a new family so he doesn't care about us anymore. My mom is always crying kasi hindi na niya alam kung anong gagawin niya buti na lang umuwi si Auntie Deni at tinulungan niya kami na makahaon sa hirap.
Lumiko ako sa kanan ng may nakita akong babaeng nakayuko habang nakatingin lang siya sa papel na hawak niya na mapa siguro at hindi manlang siya tumitingin sa dinadaanan niya ng nabangga na niya ako kaya ayun natumba siya at napahawak siya sa kanyang noo
”Sino ba kasi ang maglalakad ng hindi manlang tumitingin sa daan! hahaha” sabi ko sa isip ko
“I'm so sorry ate! hindi ko po sinasadya!” she apologized to me na may paawang effect pa siya at tumayo na rin siya agad
“Nahh.. it's okay you don't have to be sorry girl!” i assured with a sweet smile face.
Her eyes are black, her hair is brown, her lips are color roses
“By the way! anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya, “Dapat nasa klase ka na!” dugtong ko.
“Uhm.. hindi ko po kasi makita ang classroom ko po kaya nandito pa ako,” malungkot niyang sabi habang kinakamot ang kanyang buhok sa ulo niya
“Ano bang grade at section mo?” tanong ko, baka kasi mahelp ko siya kahit papaano
“First year college po at ang section ko po 1-A po,” sagot niya sa tanong ko ng nakatingin lang siya mga paa niya.
“Seriously??” seryoso kong tanong ng may pagkagulat, “Opo, bakit po?” curious niya na nakakulot ang kanyang mga noo
“Kasi i'm your classmate hehe,” pabebe kong sabi sa kanya
“Tala--” naputol na ang sasabihin niya ng sumulpot na sa amin si Ms. Varques na adviser namin at teacher namin siya sa STS
“What's going on? why are you still here? you should be in the classroom now!” sunod na sunod ang tanong ni mam sa amin na nakataas ang kayang mga kilay
“Because she still doesn't know where his classroom is and I also found out that we are in the same year and section,” i explain seriously na katingin lang ako sa babae at niyaya na kami ni ma'am pumasok sa room namin.
ALEXI
Buti na lang nakita na nila ako kung hindi baka first class palang absent na ako agad. Nandito kami ngayon sa room namin na nakaupo at katabi ko yung babaeng kausap ko kanina
“Okay class!! Good morning and welcome to Calle De University.” pagbati sa amin ni ma'am at bumati din kami
“Today is your first day of school here at Calle De University you will enjoy it and you will learn a lot here,” seryosong sabi ni ma'am na nakatingin lang sa amin, mukhang mano-nosebleed na ako dito hahaha
“By the way my name is Magna D. Varques also you can call me Ms.Varques or Ms.Magna, I am strict teacher especially in my major subjects but when you need my help i am here for you just don't be shy of me,” masayang sabi sa amin ni Ma'am Magna at ayun free time lang daw muna kami ngayong araw na ito. “And if you have any problem just tell me whatever it is okay?” she added
“Yes po ma'am!” sabi naming lahat
“So i'm done introducing myself to you so introduce yourself! your names, where are you from? how old are you? talents and hobbies.” sabi ni ma'am magna, buti na lang patatlo ako.
Blah.... blah...
Blah... blah...
Okay ako na, tumayo na ako at humarap na ako sa mga kaklase ko. “Hi everyone! my name is Alexi Mae Magdayao, taga dyan lang ako sa may tapat ng 7/11, i am 19 years old and hobbies ko ay magbasa ng mga love story at makinig ng music, then ang talent ko lang po ay kumain lang po hehe,” pabebe kong pakilala sa kanila at umupo na ako sa upuan ko at tumayo na rin yung kasunod ko
“Hi guys I know the others here already know me, so for those who don't know me yet, I'm Christhine Tara D. Francisco, just call me Tara, I'm 20 years old and my hobbies is gaming that's all thank you,” kaunti niyang pakilala sa amin at umupo na rin siya sa kanyang upuan
“And Ms. Tara she's the president here, so I hope you give her respect.” dugtong ni ma'am.
Ayun kanya kanya kaming kung anong gusto namin gawin, yung iba may mga friends na may nakakausap na ako patingin tingin lang.
Gusto ko kausapin yung babae kanina kaso mukhang busy siya eh at nahihiya ako sa kanya. Kaya kinuha ko na lang yung libro ko upang magbasa para kahit papaano may malibangan ako sa sarili ko.