Chapter 7 (Pretty Dress continue)

2330 Words
ALEXI “Iyan okay na,” sabi ni Lilith, pagkazipper niya ng dress sa likod ko at hinila na niya ako papunta agad sa may mga malaking salamin, “wow! so beautiful.” sweet niyang sabi sa akin, na parang kinikilig pa at umiikot muna ako, ‘oo nga ang ganda mas maganda pa doon sa nagustuhan ko kanina’ “Hmm... oo nga ang ganda pero mukhang mamahalin din siya baka hindi ko kayanin ang budget ko!” tutol ko, konti na lang kasi ang dala kong pera at nag iipon pa ako para makatulong pa ako sa pagbabayad nina mama sa upa ng bahay namin “Hanap pa tayo.” sabi ko at huhubarin ko na sana pero pinigilan niya agad ako “Ano ka ba? ilang beses pa ba sasabihin sa iyo na kami na ang bahala diyan!” saad niya, “atsaka si Tara na ang bahala diyan sa dress,” paalala niya ng inakbayan na niya ako “Nakakahiya na kasi sa inyo! saka masyadong malaking gastos nito bakit ko pa i-aasa sa inyo,” bulalas ko nakatingin lang ako sa salamin na kita ko rin naman siya na nakaakbay pa rin siya at bwisit kasi yung bumoto sa akin ayan tuloy binigyan niya pa ako ng problema “So tara na labas na tayo para maipakita na natin kung gaano ka kaganda.” saad niya at hindi na niya ako pinakinggan pa kaya wala na akong nagawa kundi magpahila sa kanya Haha ang kulit talaga lagi na lang sila nanalo sa akin, nakakahiya na kasi tumangge kapag tumangge wala rin saysay hindi din sila papayag kapag tumangge ka. Pagkalabas namin nakita namin na nag-uusap sila ni Tara at ng kanyang Tita Deni na naroon sila sa couch na mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan kaya hindi kami agad napansin na nandito na “Mm..mmm..” ubo-ubuhan ni Lilith para mapansin na kami dito at tumingin nga silang dalawa na parang nakakita ng sikat na artista si Tara na nakanganga nang pagtingin niya sa akin “Perfect!! bagay na bagay sa iyo iha,” sabi ni Tita Deni, habang pumapalakpak pa siya “Hehe thank you po!" pabebe kong sabi kay Tita Deni na nakangiti pa sa kanya, si Lilith naman ay pumunta siya kay Tara at sinarado niya yung bibig ni Tara hanggang ngayon ay nakabukas pa rin hahaha at doon na siya nabuhayan ulit hahahaha kaya pumunta na siya akin agad “Ang ganda mo Alexi!” bola ni Tara sa akin ng nakatingin sa akin “Kaya napanganga ka kasi dahil sa sobrang kagandahan ko?” biro ko sa kanya, alam ko naman sa sarili ko na hindi yon tunay haha kaya napatawa sina Tita Deni at si Lilith sa sinabi ko na napakamot tuloy ng ulo si Tara “Ewan ko sa iyo!” aniya at may pag-irap pa siya sa akin, “by the way! okay na ba yang dress sa iyo? tanong niya sa akin “Ahmm.. oo naman kaso mukhang mahal siya,” sabi ko kay Tara, habang tinitignan ko ang dress na suot ko “Wag mo ng alalahanin yon! nilibre na yan sa iyo ni Auntie Deni sa iyo,” seryoso niyang sabi sa akin na nakangiti “See!! i told you si Tara na ang bahala diyan,” pagmamayabang pa ni Lilith sa akin “Oo na po,” sabi ko kay Lilith “Maraming maraming salamat po Tita Deni sa dress na po ito,” pasasalamat ko kay tita kahit hiyang hiya na ako sa kanya “Walang anuman! basta ingatan mo na lang yan.” wika ni Tita Deni sa akin. “Oo naman po tita,” sabi ko sa kanya at nagpaalam na kaming tatlo kay tita para makabili pa kami ng iba na panggamit sa make up. MONICA “Bwisit na yang babaeng iyan!” sabi ko sa isip ko, na nakaupo ako dito sa pizza hot habang hinihintay ko ang dalawa kong best friend na nasa byahe pa at umorder na rin ako ng pizza para pagdating na lang nila dito ay kakain na lamang kami Birthday na birthday ko ngayon pero sinira niya yung araw ko ngayon ng babaeng mang-aagaw na iyon Sobrang nakakahiya kanina yung ginawa nila sa akin doon sa dressie na pinamukha nila akong masama doon at doon pa naman ako lagi nabili kapag may occasion ako, habang lumalabas ako ng store na iyon ang sasama ng tingin nila sakin na parang may atraso ako sa kanila Tama nga mang-aagaw nga yang babaeng iyan pero hindi ko din inaakala na pati yung ex-girlfriend ko na si Tara ay kaibigan na niya din Si Alexi ay kababata ko noon na lagi ko siyang kasama sa lahat pero nawala lahat ng iyon ng simula niya akong traydorin at simula kasi nung lumipat ako ng school sa Academia ay doon ko nakilala si Tara at naging jowa ko siya, hindi ko nga alam kung bakit ko siya naging jowa dahil siguro sa ka-astigan niya noon Once na malaman ko lang na may relasyon sila ni Alexi ay ibabalik ko yung mga ginawa niya sa akin. Sobra kasi akong nasaktan nung ginawa niya sa akin iyon na sarili kong bestfriend siya pala yung magiging karibal ko, tapos nabalitaan ko sa school namin dati na sinisiraan niya ako kapag nakatalikod na ako sa kanya pero wala na akong pakealam sa kanya kahit anong gawin niya at hinding hindi na ako maniniwala sa kanya never! “Hey bes!! mukhang ang lalim ng iniisip mo diyan! sabi ni sharon sa akin pagkakulbit niya sa aking balikat, hindi ko na pala alam na nandito na pala sila sharon at clark dahil kasi sa babaeng iyon Iyan yung dalawa kong bestfriend na simula elementary hanggang ngayon sila parin ang mga kaibigan ko, si Alexi lang yun nawala sa amin “Ang tagal niyo naman!” reklamo ko sa kanilang dalawa at umupo na rin sila sa upuan “Sorry traffic kasi!” sabi ni Sharon sa akin “Pero bakit ang lalim ng iniisip mo?” tanong ni Clark na nakataas pa ang isa niyang kilay na nakatingin siya sa akin, siguro meron nanaman itong dalaw o wala sa mood kaya ang taray nanaman pero kahit ganyan love ko pa rin yan Iyan si Clark ay ubod ng kasungitan pero mabait naman yan kapag nasa mood nga lang siya, hindi ka pwede diyan magsinungaling o magtago pipilitan ka nan pagsalitain na hindi ka tatantanan ng babaeng iyan at sovrang salaw din “Saktong sakto may ikwekwento ako sa inyo na ikakasura ninyo,” excited kong sabi sa kanila “Sige sige kwento mo na.” wika ni Sharon at nilapit nila agad ang mga mukha nila upang makinig sila sa akin Iyan naman si Sharon maasahan mo yan sa lahat kahit anong mangyari pero wag na wag mo lang awayin baka masira lang ang buhay mo “Ang gagaling ninyo no? kapag sa chimisan ang bibilis ninyo, kapag naman mag-aantayan ang tagal-tagal ninyo!” reklamo ko sa kanila, sadya naman ang bibilis nila diyan kahit may ginagawa sila pasalamat sila love na love ko sila kung hindi baka masapok ko na sila sa wala sa oras. “Ganun talaga haha,” sabay nilang sabi sa akin at inirapan ko na lang sila “Ito kasi yung nangyari kan-” naputol ang sasabihin ko ng dumating na yung waiter na dinala yung inorder ko kanina at umalis na rin siya agad, “ayun nga nagkasalubong kami ni Alexi sa Dressie tapos may nakita akong magandang dress para nga sa event natin na bigla niya na lang ako inaagawan ng dress pero hindi talaga ako pumayag pero buti na lang nandoon si Tita Deni kaya nasa akin na ulit yung dress “Hay nako! hanggang ngayon mang-aagaw pa rin siya!" saad ni Clark na nakakunot na ang kanyang mga noo na parang gusto ng manugod at ito naman si Sharon parang nasa movie lang siya na nakain na siya ng pizza, iyan yung kaibigan kong matakaw sa pagkain pero hindi parin tumatataba kahit anong kain niya hahah “So a-anong nangyari?” inaway ka ba niya? sinaktan ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Sharon sa akin “Sabihin mo lang susugudin na natin yang babaeng iyan,” singit ni Clark at tumayo na siya sa upuan na gustong gusto na niyang sumugod kay Lexi “Saka na lang kapag nasa school na tayo,” sabi ko at iniyaya ko na ulit siyang umupo ulit kaya sinunod naman niya agad “Meron pa akong ikwenwento,” sabi ko sa kanila, “alam niyo ba? na si Alexi at ex kong girlfriend na si Tara ay magkakasama habang tumitingin sila ng dress din.” wika ko, sumubo na ako ng pizza baka maubusan pa ako sa kanila ay hahaha “Really??” sabay nilang sabi sa akin na ang lalaki ng mga mata nila na hindi sila makapaniwala sa sinabi ko Medyo naging close kasi nila si Tara kaya ganun hindi nila ineexpect na makakasama niya si Alexing bruha “Sila ba?” tanong ni Sharon sa akin pagkatapos niyang punasan ang kanyang mga labi “I don't know!” saad ko at sumubo na ako ng pizza, “pero kapag nalaman ko na may relasyon sila ay hindi ako papayag na maagawan niya ako kay Tara,” banta ko, niyikom ko yung mga kamay ko Medyo mahal ko parin kasi si Tara at hindi ko pa kayang i let go siya bwisit lang kasi medyo naging cold na at iniwan niya ako sa ere “Go lang bestie! nandito lang kami para resbakan natin yang babaeng iyan!” matapang na sabi ni Clark na seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Pagkatapos naming kumain ay naggala-gala na din kami at bumili na din kami ng mga pangangailangan namin para sa school saka ako din kasi pinili nila bilang muse sa Ms.Acquitance, kaya dapat maayos ako dito at maganda. ALEXI “Tara wait lang!” sigaw ko sa kanya habang papunta siya sa kanyang kotse at nilapitan ko na siya agad. Nagdesisyon narin kasi kaming umuwi dahil halos paggabi na at may lakad pa daw si Lilith ng kanyang mommy. at nagdesisyon na rin si Tara na hatidin niya ako sa bahay. “Ahmm... may nakalimutan kasi akong sabihin sa iyo!” pabebe kong sabi sa kanya na may pagkamot pa ako sa buhok ko “Ohh ano yun?” excited niyang tanong na nakatingin lang siya sa akin, “baka nakalimutan mo na sabihin sa akin na may gusto ka na pala sa akin,” biro niya sa akin na may pagtulak pa siya sa balikat ko, mahina lang naman ang tulak niya ”Hindi no!” tangge ko, “saka straight ako,” matapang kong sabi sa kanya, napaka assuming talaga ng babaeng iyan hahaha at umiling na lang siya “Nakalimutan kong sabihin sa iyo na thank you sa lahat kanina sa pagtanggol mo sa akin na hindi mo talaga tinitigilan si Monica, nagpapasalamat ako sa lahat ng ginagawa mo sa akin na nandiyan ka palagi na pinapasaya mo ako sa lahat, lalo't lalo na kapag may problema ako at salamat din sa dress at sa paghatid sa akin,” mahaba kong sabi sa kanya na seryoso lang akong nakatingin sa kanya, alam kong kinikilig na ako dito pero hindi ko lang pinapahalata Paano na lang kapag wala sina Tara at Lilith doon edi ako ang nakakaawa doon at ako ang mapapahiya doon, hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Monica mas lalo kasi siyang tumatapang “Bakit kasi napakasofthearted ko at kinakain ko lang din naman yung sinasabi ko,” sabi ko sa isip ko Thankful ako na nakilala ko silang dalawa na siguro pinagtagpo kaming tatlo ng tadhana at sana habang buhay ko na silang makakasama “You're welcome babe!! wag kang mag-alala kahit anong mangyari nandito lang ako para sa iyo kasi kaibigan kita!” seryosong sabi ni Tara sa akin sabay patong yung kamay niya sa balikat ko Ang sarap pala kapag tinawag kang babe ahahaha “Promise babawi ako sa inyo.” sabi ko, “basta wag muna sa pera haha.” wika ko, hindi ko pa kasi kaya yun saka na lang kapag successful na ako. “Hehe sige sabi mo yan,” aniya at binigyan niya ako ng matamis ng ngiti na parang wala ng bukas “Sige na, umalis ka na at hinihintay ka na ng Auntie Deni mo." saad ko sabay tulak sa kanya na mahina lang naman haha parang tinataboy ko na ay haha “Sige, bye and goodnight.” wika niya at niyakap niya ako ng pinakamahigpit at niyakap ko na din siya ng mahigpit “Ingat kayo!" sigaw ko bago siya sumakay sa kotse at kinawayan niya ako. Pagka-alis nila ay pumasok na ako sa bahay na bitbit ko yung dress “Ohh anak! nandiyan ka na pala!" sabi ni mama na nanonood ng teleserye at napatingin narin sina papa at Leo sa akin, “bakit ngayon ka lang?” tanong ni mama sa akin habang nagmamano ako kay papa at kay mama “Bumili po kasi kami ng dress sa mall, kasama yung mga kaibigan ko po,” sagot ko kay mama na nakatingin lang siya sa tv “Para saan yung dress?” tanong ni papa sa akin na nakatingin siya sa hawak ko “Kasi ako po pinili nilang representative sa Ms.Acquitance at no choice na rin po ako,” wika ko habang naghuhubad ako ng sapatos “Saan ka naman nakakuha ng pera na pinangbili mo diyan sa dress?” tanong ulit ni papa na seryosong seryoso lang siyang nakatingin sa akin “Nilibre na po kasi ako ng kaibigan ko po.” seryoso kong sagot kay papa at napabuntong hininga na lamang siya “So pwede kami manood ate?” tanong ni Leo sa akin na nakatingin siya sa akin “Oo naman,” masaya kong sabi sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD