LUKE POV Lumipas ang mahigit 30 minutes ay nakarating na ako sa hospital. Pag pasok ko sa kwarto kung saan nakaratay si Liam, nakita ko ang nanay niya na natutulog sa lamesa. Wala ang papa niya ngayon, malamang ay pumasok ito. Papasok pa lang sana ako ng may narinig akong nagsalita sa likuran ko. "Pare kape tayo! Good morning pala, salamat sa pag dalaw mo kay Liam." Lumingon ako kay Joe at nakita kong may dala itong dalawang kape. Sakto, hindi ako nag kape sa bahay kaya tinanggap ko ang kapeng binigay niya sa akin na dapat ay para sa asawa niya. "Salamat! By the way, hindi makakarating ngayon si Freya kasi bigla siyang nagkasakit. But I need to talk to you privately." "Walang problema. Ako rin nga eh, masakit ang katawan ko at kagagaling ko lang sa trabaho. Nagpapalit lang kaming da

