FREYA POV Sa aming tatlo, si tita Julie ang pinaka kabado sa lahat kaya hinawakan ko siya sa balikat habang parehas kaming nakatingin sa bibig ng doctor. Kapag naging maayos na ang lagay ni Liam ay tatawagan ko kaagad si tito. "According to the CT scan, the patient has a severe brain damage resulting in comatose." Napahigpit ang hawak ko sa balikat ni tita. Para akong tinamaan ng napakalakas na kidlat sa sinabi niyang ito. Ang hirap nitong tanggapin. 'Doc, can you repeat the CT scan ulit?' ito yung tanong na gusto kong sabihin sa kaniya, kaya lang ay nakaka ilang CT scan na si Liam. Marahil ay kailangan ko na lang isaksak sa utak ko na talagang nangyayari na ito ngayon. "As of now, hindi natin masisiguro kung kailan gigising ang pasyent but we will do everything we can para gumalin

