Nagising kami ni alvin sa ingay sa isang katok. Tumingin ako kay alvin at mukhang nagising rin ito sa katok.
Bumangon si alvin at binuksan ang pinto. Master may mga pulis po sa baba at hinuhuli po nila si sir Luke.
Rinig kong balita ni manang meldy kasambahay ni alvin. Tumingin naman sa akin si alvin na na para bang nag tatanong nag kibit balikat lang ako.
Sige manang bababa na kami. Nag bihis agad si alvin at ako naman nag suot lamang ng robe.
Bumaba kami ni alvin at nakita naming si emelda smith galit na galit sa mga pulis pilit nyang tinatanggal ang mga kamay ng mga pulis sa anak nyang si luke na mukhang wala pa sa sarili.
Bakit nyo hinuhuli ang anak ko?! Walang magawang ginagawa ang anak ko! How dare you to touch my son! And what rights do you have to arrest my son! Sigaw nya pulis na nag posas kay luke.
Pinapanuod ko lang si emelda smith. Si alvin naman nag tataka rin kung bakit hinuhuli si luke. Inaaristo ho namin ang anak nyo mrs. Smith sa pag gamit ng pinag babawal na gamot. Sabay abot ng arrest warrant kay emelda smith.
No! My son is not using any illegal drugs! And my son is innocent! Nag hehesterikal na nyang sigaw sa mga pulis.
Kakarating palang nila kahapon galing sa hospital ngayon naman sa kulungan na si luke mag tatagal. Karma nga naman.
Mom, ayaw kong makulong. Tulungan mo ako mom please... Nag mamakaawamg sambit ni luke sa ina nyang nag hehesterikal parin.
Yes son. Tutulungan kita ng hindi ka makukulong pagbibigay nya ng assurance sa anak nya na pinapasok na ngayon sa police mobile.
Sakto namang lumingon si emelda sa amin ni alvin na tinapunan kami ng masamang tingin. Nginisian ko at hindi pa nag tatagal ng sugurin ako nito.. Ouch! Reklamo ko ng bigla ako nitong sabunutan.
Ikaw! Ikaw ang may gawa nito sa anak ko! Punyeta kang babae ka! hablot nya pa sa buhok ko na bigla namang tinulak ni alvin si emelda at napa bitaw ito sa akin.
Wala po kayong karapatang pag bintangan ang girlfriend ko at saktan sya! Sigaw ni alvin kay emelda smith. Na mukhang nagulat dahil sa pag sigaw ni alvin.
At ngayon may lakas ka nang sigaw sigawan ako! Sigaw nya rin kay alvin.
Dati hinayahaan ko kayo sa mga ginagawa nyo dahil ginagalang ko kayo pero ngayon ibang usapan na at girlfriend ko na ang sinasaktan nyo....
So ngayon lumabas rin ang ugali mo! Dati tatahimik tahimik ka ng buhay pa ang tatay mo tapos ngayon binabastos mo ako! Wala kang galang! Aambang sasampalin nya si alvin pero bago pa tumapo ang marumi nyang kamay sinalag ko na ito.
Hindi ko hahayaang dumapo ang marumi mong kamay sa mukha ni alvin! Sabi ko naman sa inyo aantayin ko ang ganting sinasabi nyo. Wika ko sakanya at pabalang na binitawan ang kamay nya.
Binalaan ko narin kayo na magiging suki ko kayo sa pag dalaw sa kulungan at malay nyo kayo rin manataling habang buhay narin kayo sa kulungan..... Bulong ko dito at mukhang hindi naka galaw sa kinatatayuan nya.
Let's go babe, sabay kawit ko ng aking braso kay alvin na hanggang ngayon masama parin ang tingin kay emelda.
Inakay kuna si alvin papasok sa loob. Hindi pa kami nakakalayo kay emelda ng tignan ko itong muli at ngumiti ng pagka tamis tamis na akala mo nanalo ako sa isang laban. Na kung tutuusin nag uumpisa pa nga lang ang laban e.
Dinala ako ni alvin sa sala at nagpakuha sya ng ice bag. Masakit ba babe nag aalala nyang tanong sa akin sabay dampi ng ice sa aking ulo.
Ngumiti lang ako bilang pag sagot. Gusto ko mang sabihin na masakit na totoo naman talagang masakit hindi ko nalang sinabi dahil ayaw ko nang dagdagan pa ang galit nya kay emelda.
Sorry babe kung hindi ko nasalag ang sabunot nya sayo.... Malungkot nyang saad sa akin na mukhang guilting-guilty talaga.
Okay lang babe hindi naman masakit.... Ngiti kong sagot sakanya.
Anong hindi masakit eh, ito nga oh! Maraming na lagas na buhok malamang sa malamang masakit yan. Nakita ko nga ang mga lagas na buhok sa braso ko at sa damit ko.
Dahan dahan parin ang pag dampi nya ng ice bag sa ulo ko. Seryoso si alvin sa ginagawa nya at ganun rin ako sa pag titig sakanya.
Iba ang alvin na nakikita ko sakanya na handa sya maging masama sa paningin ng iba para sa akin. Ang titigan ang mukha nya parang natunaw ang puso ko. We stared at the same time na para bang nag uusap ang mga mata namin.
Ngumiti ako sakanya at ngumiti rin sya. Okay na babe at nilalamig na ang anit ko.... Saad ko sakanya.
Tinigil naman nya agad. Tumingin sa akin si alvin... Salamat babe kanina sa pagsalag sa sampal na dapat dadapo sa pisngi ko... Saad nya sa akin sabay nakaw halik sa akin.
Walang anuman babe hindi ko lang gusto dumapo ang marumi nyang palad sa malinis mong pisngi sabay himas ko sa kanyang pisngi.
Oo nga pala babe paanong nahuli si luke na gumagamit ng drugs eh mukhang matino naman sya.... Tanong nya sa akin.
Hindi ko alam babe pero minsan pag nakikita ko sya para syang sabog.... Saad ko sakanya.
Kung nagamit nga sya, dapat lang talaga syang makulong.
Ang gandang timing rin ni boss xander tinapat nya pa talagang kakauwi lang at galing sa hospital. Tapos ngayong umaga pa na hindi pa gising ang mga tao. Natawa at naipiling nalang ako sa ginawa ni boss xander.
Pumasok rin kami sa office na parang walang nangyari. Ganun parin ang mag hapon namin ni alvin sya busy at ako naman nakatunganga lang. Dumating ang hapon at nag sidatingan ang mga kaibigan ni alvin nasi angelo at xandro.
May pinag uusapan silang tungkol sa business kaya naman lumabas na muna ako at wala naman akong maitutulong sa usapan nila. Bumaba ako sa parking lot at aabangan ang taong gusto ko na talagang abangan.
Dito ko nalang aantayin si alvin hanggang mag uwian para hindi makawala si fernando diaz.
Alam kong gigil na gigil si emelda smith kaya naman sa istado nya ngayon na namomoblema lalo na ngayon hinuli si luke kaya mag hihiganti yun. Ang sabi nga nila pag ang tao maraming iniisip or preno-problema nakakagawa tayo ng padalos dalos na desisyon at nag dudulot ito ng ikakapahamak natin.
Isang oras na ako dito sa parking lot pero wala parin akong napansin na kakaiba.
Hello agent grace kumusta ang pinapa hack kong system sayo... Tanong ko kay agent grace.
Na hack ko na agent martinez napasok ko ang symtem at kinopya ko lahat ng footage na pwede mong pakinabangan....wikang saad sa akin si ni agent grace na mukhang iritado.
Iritado ka yata tanong ko sakanya. Na mukhang mas lalo yatang nairita at malakas na bumuntong hininga.
Nandito ako sa bahay ni boss xander at pinag aalaga ng bata. Hindi ko alam kung bakit nya sa akin pinapaalaga eh hindi naman ako yaya. Reklamo nya pa. Pero ang cute ng bata. Magdadalang taon na yata ito kwento nya pa sa akin.
Nag sisimula na si xander alam kong naaawa narin sya sa anak nya pero hindi ko alam kong bakit ayaw nyang sabihin sa nanay ng anak nya na may anak sila.
Tapos alam mo ba may kamukha itong bata nato. Naririnig kong pagpapatawa nya sa bata.
Diba baby may kamukha ka masaya nyang kausap sa baby. Hyst! Kawawa naman si baby graciella lumalaki na wala ang mommy nya.... Piping bulong ko. Kung alam mo lang grace.
Okay lang yan grace parang practice mo narin yan natatawa ko pang saad sakanya. Natawa nalang sya sa sinabi ko. Tinapos ko narin ang tawag at mukhang umiiyak na ang baby graciella ni xander.
Nandito parin ako sa parking lot at wala paring kakaiba. Maraming narating na mga bagong sasakyan na mag papark at mga umaalis rin.
Lumayo layo ako sa sasakyan ni alvin at lumapit sa madilim na parte na hindi agad makikita. Hindi pa ako nag tatagal sa pag tatago at may motor na humito sa tapat ng kotse. Mukhang ito na yata si fernando diaz na nag iiwan ng death threats.
Dahan dahan akong lumapit sakanya at sinapa ang motor at natumba ito kasama narin si fernando na nagulat sa bigla kong pag sulpot ko. Hindi nya yata man lang narinig ang pag lapit ko.
Tumayo sya agad at at nakipag laban ng suntukan sa akin. Mabilis syang umatras at susugurin ako ng sipa pero mabilis rin akong umiwas sa suntok nya kaya naman nasuntok ko sya sa panga. Dumura pa ito na may kasamang dugo.
Hindi na yata kinaya ang kamao sa kamao at nag labas na nang maliit na kutsilyo. Naipaling na lamang ako nakikita ko sa taong ito na wala syang ibang choice kundi pasukin ang trabaho ganto para sa anak na may sakit. Pero hindi tamang sa maling paraan ka kumapit para sa anak mo.
Mabilis syang sumugod sa akin at nadaplisan ako sa balikat. Umatras ako dahil ayaw kong gumamit ng baril at tiyak na makakakuha kami ng atensyon ng ibang tao.
Sumugod ako kay fernando at sinalag ang kutsilyong hawak nya kaya naman ngayon nag aagawan na kami sa kutsilyo na bumaon sa tiyan nya. Wala akong balak na saksakin sya pero kusa ng bumaon ang kutsilyo sa tiyan nya. Bumagsak ito at hawak hawak ang tiyan nyang may saksak.
Dumaan naman ang security guard at tumawag sa ambulance kaya naman mabilis na tinulungan si fernando. Madali naman nakarating ang ambulansya. Lumapit ang bodyguard at kinumusta ako.
Pakitawagan ang mga pulis at sabihin mo ang taong yan at tinuro ko si fernando diaz na nakasakay na ngayon sa ambulansya na ikulong sa salang grave threats.
Okay po ma'am. magalang na saad sa akin ng security guard at sumama na sa ambulansya.
Nanghihinayang ako sa ganung tao. Pero hindi ko sya masisisi. Sa panahon ngayon lalo na sa kagipitan kumakapit sila sa masama lalo nat kailangang kailangan.
Paakyat na sana ako sa opisina ng makita ko si alvin mabilis na lumapit sa akin at hingal na hingal mukhang nag mamadaling makarating sa akin.
Babe anong nangyari? Nakarating sa akin na may gulo raw dito sa parking. Okay ka lang ba? Sabay suri nya sa aking katawan at tumingil ang kanyang tingin sa aking balikat na ngayon dumudugo na.
Okay lang ako babe daplis lang. At kanina may nagka gulo kaya inawat ko lang... Maikli kong saad.
Dapat babe hindi kana nakisali at tumawag kana lang ng guard. Paano kung mas malala pa ang natamo mo jan... Medyo iritado nyang saad sa akin.
Guard rin naman ako babe pero syempre hindi ako tatayo lang para panuorin sila kung sino ang una sakanila ang mamatay.....palusot ko pa.
Oo babe guard ka pero sa akin lang at isa pa huwag kanang maki alam sa susunod, pwede ba yun? Tanong nya pa sa akin na tango lang ang sinagot ko at nag pout pa.
Tinaas nya ang baba ko at ngayon pantay na ang tingin namin. Babe ang gusto ko lang na hindi ka mapahamak at masaktan. Ayaw kong mawala ka sa akin babe.....paliwanag nya sa akin. Napangiti ako sa dahilan ni alvin na ayaw nya lang ako mapahamak.
Naiintindihan mo na ba babe ang point ko hmm, tanong nya pa. Tumango at ngumiti ako sakanya.
Tara at gamutin natin yang sugat mo sa taas sabay akay nya sa akin.