Kabanata 28 ♣️

2066 Words
Nagising ako ng may humahalik sa akin. Hindi ko man imulat ang aking mata pero alam kong mukhang nakangiti ang bubungad sa akin. Morning babe... bati sa akin ni alvin habang hinahalikan ako. Ang sarap talaga gumising na nakatabi mo ang mahal mo at gigisingin ka sa pamamagitan ng halik. Hmm, inaantok pa ako... alvin saad ko sa inaantok na tono. Babe gising kana kailangan maaga tayo sa office at may darating akong investor. Alvin pwede bang dito muna ako sa bahay at medyo masama ang pakiramdam ko...saad ko dito. Kinapa naman nya ang noo ko kung may lagnat ako. Kagabi palang masama na ang pakiramdam ko kaya alam kong lalagnatin ako ngayon. Babe may lagnat ka, Sige hindi nalang ako papasok at aalagaan kita. Ipapa cancelled ko nalang ang meeting. Bigla naman akong natauhan sa sinabi ni alvin. No! babe pumasok ka. At importante yang meeting mo na yan. kaya ko naman babe hindi naman masyadong mataas ang lagnat ko....ngiti ko dito. Pero babe hindi ko kayang iwanan ka dito at lalo na nandito si mommy......wika nya na nag aalala. Okay lang babe at kaya ko ang mommy mo....maliit kong sagot sakanya. Tumango na sya at mukhang napipilitan. ok Fine, uuwi rin ako na maaga... saad nya at tumayo na. Hinahanda ko ang susuotin ni alvin para pag labas nya galing sa c.r mag bibihis nalang. Ang saya pala ng ganto yung hinahanda mo ng susuotin yung taong mahal mo at kakainin. Dumayo ako kahit mabigat ang pakiramdam ko. Dumeretsyo ako sa kusina at naabutan ko si manang na nag hahanda ng lulutuin. Good morning manang ako nalang po jan.. ngiti kong saad sakanya. Siguro ka hija at mukhang hindi yata maganda ang pakiramdam mo bumaba kapa.. wika nito na mukhang napansin yata ang itsura. Okay lang po manang kunting sinat lang po ito... paliwanag ko. Kayo nalang po ang mag timpla ng kape ni alvin at hindi ko po kasi alam ang gustong kape ni alvin. Tumango naman si manang at lumapit na sa sa coffee maker. Fried rice, egg and bacon ang niluto ko para kay alvin. Hinain ko na ito sa lamesa. Pinagmamasdan ko si alvin habang pababa ng hagdan na inaayos ang necktie nya. Parang kontento na ako ngayon sa ganto. umupo na ako at ganun rin sya sa tabi ko. Babe dapat hindi kana bumaba at masama ang pakiramdam mo. Si yaya meldy nalang dapat ang nag luto at nag papahinga ka sa taas. Ang tigas talaga ng ulo mo. sermon nya sa akin na hindi ko nalang pinansin. Nilagyan na ako ng pagkain ni alvin ngumiti ako sakanya bilang pasalamat. Tumayo si alvin at pumunta sa kusina pag balik may dala ng gamot para sa lagnat. Umalis narin si alvin pag tapos kumain. Nag liligpit na si yaya meldy ng kinainan. Yaya aalis ako pupunta ako sa police station at nahuli ko kahapon ang nag papadala ng death threats kay alvin at kailangan kong mag bigay ng salaysay saad ko dito na mukhang hindi na nagulat na may death threats na nakukuha si alvin. Pero hija may sakit ka....nag aalalang saad nito. May kunting sinat ako pero hindi ko ito pinansin dahil may plano ako ngayon kaya hindi ako sumama kay alvin. Pupunta ako sa head Quarters ngayon. Kaya ko naman po manang at kung tatawag po si alvin sabihin nyo nag papahinga kamo ako. Basta kayo na po ang bahalang gumawa ng alibi ngiti kong saad ko dito. Okay sige basta bilisan mo lang at huwag kang mag papagabi at baka umuwi agad si master. Salamat po manang....buti nalang madali kausap si manang. Umalis rin ako agad sa mansion ni alvin at dumeretsyo sa prisinto. Magandang araw chief nandito ako para mag bigay ng salaysay sa nangyari kahapon. Okay sige pa antay nalang po sandali. lumipas rin ang sandali at nag bigay narin ako ng salaysay. Kinausap ko si fernando diaz. Tinitigan ko si fernando diaz kung tutuusin matino itong tignan. Makikita mo rin sa mukha nito ang labis na pag sisisi. Nakaharap ito sa akin at halatang iniiwasan ang pagtitig sa akin. Alam mo kung bakit ka nandito. At gumawa ka ng mali sa kapwa mo. Gusto ko mang hindi ka makulong pero hindi pwede pero kaya kitang tulungan kung aamin ka kung sino ang nag utos sayo na takutin si alvin sa pamamagitan ng pag dadala mo ng death threats. Tumingin naman ito sa akin na parang humihingi ng paumanhin. Sorry po ma'am nautusan lang po ako. Wala po akong ibang choice kailangan ko po ng pera sa baby kong kay sakit sa puso....umiiyak na saad nito. Aaminin kuna po kung sino ang nag utos sa akin para sa takutin si mr. Smith at si emelda smith po. Gusto nyang takutin ko si alvin smith at yun lang po wala na po akong ibang alam. Ngumiti ako dito. Tutulungan ko ang anak mo sa pinansyal at ililipat ko sya sa private na hospital para matutukan ang baby mo. Saad ko dito na nagpa aliwalas ng itsura nito. Maraming salamat ma'am, pasensya na po talaga sa ginawa ko wala lang akong choice at natanggal po ako sa trabaho kaya pinasok ko po ang trabahong ito kahit masama. Walang anuman at kung makakalaya ka man dito sana hindi muna ulitin ang ginawa mo kay mr. Smith. Gumawa ka ng legal at huwag kang kumapit sa illegal na gawain...saad ko dito at nag paalam narin. Pumunta naman ako sa head quarters. Naabutan ko si agent grace na may kausap sa cellphone at mukhang seryoso ito. Inantay ko itong matapos. Hindi nya ako nakikita dahil nakatalikod ito sa akin. At seryosong seryoso sa kausap at hindi nya namamalayan na kanina pa ako sa kanya nakatingin. Natapos na ito sa kausap at bumuntong hininga ng malalim. Ang lalim ah! Saad ko dito at mukhang nagulat yata. Sorry. Kanina ka paba? Sorry hindi kita napansin agad... Saad nito. No, kadarating ko lang... saad ko dito. Oo nga pala ito yung footage.. Lumapit ako sa kanya at umupo sa inuupuan nya at ngayon sya naman ang nakatayo. Binuksan ko isa isa ang file at pinanuod ito. 1st footage: Nag aaway si emelda smith at bernard smith. Base sa itsura ni emelda galit na galit ito at nag wawala. Pinag hahagis ang mga gamit sa lamesa ni mr. Bernard 2nd footage: Pumasok si luke at mukhang galit rin ito kay bernard at kwenelyuhan ito at sinandal sa pader. Kinakausap nya si bernard ng bigla nitong suntukin ang pader kung saan nakasandal si bernard. Mukhang mas sinabi si bernard na mas lalong nagpa galit kay luke at lumabas na ito. Hapo hapo ang hininga ni bernard na mukhang kumukuha ng hangin. 3rd Footage: hawak hawak ni bernard ang ballpen at mukhang nag vo-voice record ito. Binuksan ko pa ang ibang files at wala naman ng kakaiba. Salamat dito agent grace kahit kailan maasahan ka talaga. Ngiti kong pasalamat sakanya. Walang anuman alam mo namang kaibigan na ang turing ko sayo kahit buraot ka.. Sabay tawa pa nito. Napailing nalang ako sa sagot nito. Medyo hapon na ako umalis sa head quarters dahil nakipag kwentuhan pa ako kay agent erica at tinanong ko kung magka kilala ba sila ni xandro pero hindi sya sumagot at iniba ang topic. Pauwi na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Nag text si travis. Tom nasan ka? Ano naman kayang kailangan nitong bansot nato at nag tatanong. Nasa bahay ako.. reply ko dito. Saang bahay wala kana man dito sa bahay nyo at nandito ako ngayon. Alam ni travis ang bahay ko dahil noon lagi syang napunta sa bahay para makikain lang. Si nana rosie naman tuwang tuwa pag nasa bahay si travis dahil may taga ubos daw sya ng mga niluto nya. Shit! Bakit nasa bahay si travis. Nandito ako sa bahay ni alvin sagot ko naman dito. Bakit nanjan ka?! Jan kana ba nakatira? Nag lilive in na kayo? Deretsyong tanong nito. Hindi kami live in bansot minsan dito ako natutulog dahilan ko. Hindi alam ni travis na agent ako ang alam nya lang mina-manage ko yung mall. Si nana rosie lang ang may alam at wala ng iba. Sorry travis maybe next kana lang pumunta jan sa bahay.. reply ko sakanyang text. Ok. Sayang may dala pa naman akong Jollibee... nang iingit ka pa nyang text. Kung hindi ko lang kailangan umuwi at mag gagabi na pupuntahan ko sya. By the way tom nasan ang boyfriend mo...nag tataka naman ako sa tanong nya at biglang tinanong si alvin. Nasa office sagot ko sa text. Nag reply naman ito agad. Nasa office sya pero bakit nakita ko sya kanina sa mall at may kasamang babae reply nito na nagpa kunot sa noo ko. Paano nasa mall sya bansot eh pumasok iyon sa office at isa pa baka hindi si alvin yung nakita mo or baka nga si alvin yun baka kasama isa sa mga business partner nya reply ko. Ayaw kong mag isip na hindi maganda at baka pag mulan pa namin ng away. Alam kong hindi ako sasaktan ni alvin at hindi nya ako kayang lokohin. Well baka nga business partner nya pero infairness sa boyfriend mo may pag hawak sa balakang. Baka naman inaalalayan lang nya. Reply ko. Nag titiwala ako kay alvin. My trust is dominates me now. Na dapat mag tiwala ako kay alvin bago mag conclude ng ano mang masamang idea. Dapat bago muna tayo mag conclude na sa tingin natin na hindi maganda makinig muna tayo bago mag react. Dahil pag hindi ka nakinig maaring mag dulot sayo or sa inyo sa hiwalayan dahil hindi ka nakinig bago mag bigay ng saloobin or opinyon. Umuwi ako sa bahay ni alvin at mabilis na nag bihis ng pambahay. Mabuti nalang gumaan na ang pakiramdam ko. Nakakain na ako lahat lahat pero wala sya kaya naman inaantay ko pa. Nakatingin ako sa viranda nya at inaabangan ang pag dating ng kotse nya. 8 pm na kaya naman alam kong pauwi na sya. Dumaan pa ang isang oras wala parin sya. Ang sabi nya uuwi rin sya agad pero 9 na mahigit wala pa. Eh ang uwi naming dalawa 8 lagi pero ngayon wala pa sya. s**t! Pumasok sa isip ko yung sinabi ni travis. No! Kaka sabi ko palang mag titiwala ako kay alvin. Erase. Erase at bumontong hininga nalang ako. Humiga nalang ako ulit ako at inaantok na ako sa tagal ni alvin umuwi. Nagising ako sa busina ng kotse kaya naman tumingin ako sa veranda at nakita ko ang kotse ni xandro na kakaparada palang. Nag tataka naman ako bakit pumunta dito si xandro gabing gabi na at wala pa si alvin. Kaya naisipan kong bumaba Nakita ko si xandro akay akay si alvin na lasing na lasing na hindi na makatayo ng maayos dahil sa kalasingan. Lumapit na ako sakanila para tulungan sya. Anna lasing na lasing si alvin at hindi ko na sya mapatigil sa kakainom. Kanina sa bar gusto pang uminom eh halos lahat sya na ang umobos ng inorder namin. Bakit ba sya uminom at wala naman syang sinabi sakin na pupunta sya sa bar ngayon... Tanong ko kay xandro na hindi rin alam ang isasagot. Ewan ko alam basta kanina tumawag sya sa akin na mag inom raw kami. Akala ko nga magka galit kayo kaya nag ayang uminom. Hindi kami nag away at wala naman kaming misunderstanding...sagot ko dito na hirap na hirap sa pag akay kay alvin. Magka bilaan kaming dalawa sa pag akay kay alvin pa akyat sa kwarto namin. Sa wakas. Naihiga na namin si alvin na tulog na tulog. Hindi ko alam kung bakit sya uminom. Kanina ng lasing na sya nag sasalita sya ng sorry babe, sorry babe kaya akala ko nag away kayo. Bulong sya ng bulong hindi ko na maintindihan dahil medyo lasing narin ako. Saad ni xandro sa akin. Ganun ba? Salamat sa pag hatid sa kanya dito xandro... pag papasalamat ko sakanya. Sige una na ako anna at medyo lasing na ako sagot nya sa akin. Lumabas Na kami ng kwarto at nag lalakad na pababa. Kaya mo pa ba? Kung gusto mo dito kana lang matulog at maraming bakanteng kwarto dito.... Pag aalok ko sakanya na tinanggihan naman nya. Hinatid ko si xandro sa kotse nya at umalis narin ito ka agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD