Nasa sasakyan na kami pero ito ako nag iisip parin ako ng solusyon sa problema ko.
Buti nalang talaga simula ng maging kami ni Alvin sya na ang nag mamaneho at Kung ako baka na aksidente pa kami sa sobrang occupied.
Bago kami umalis ng bahay ni Alvin nag pahanda sya nang pasalubong Kay ma'am Reyes na mukhang lagi ng ginagawa ni alvin.
Busy si alvin sa pag mamaneho, mukhang nag hahanap ng short cut at traffic.
Ako naman nakatunganga at nakatingin sa labas na makikita lang puro sasakyan na hindi umuusad sa traffic.
Babe you look not okay..
What are you thinking? Tanong nya sa akin na mukhang na pansin yata ang pagiging tahimik ko at mukhang lutang.
Hindi ko Alam kung tama bang mag muni muni ako sa sitwasyon ko ngayon.
I'm fine.... Iniisip ko lang Kung bakit hanggang ngayon may forever parin sa traffic sa edsa sagot ko sakanya.
Don't worry babe tayo rin may forever... pang aasar nya sa akin. Jusko! Pinapakilig ako ng lintek na to ah. Sure akong pulang pula na ang pisngi ko sa kilig. s**t!
Ayiee! Babe namumula ka... asar nya sa akin kaya naman timingin ako sa Labas..
Rosy cheek Lang talga yang pisngi ko kaya ganyan. It's called natural, kaya hindi ako kinikilig sa sinasabi mo ah! Angal ko pa sakanya. s**t! Talaga maniwala sya Sana.
Talaga ba babe? Bakit Pati leeg at tenga mo na mumula? HAHAHAHAHA. Don't deny it babe..
Manahimik ka alvin at malilintikan ka sakin! Mainit kasi kaya Pati leeg at tenga ko namumula kaya ganun! Turan ko sakanya na mukhang hindi parin na niniwala at tumatawa parin.
Ok! Fine...HAHAHAHAHAHA..naniniwala na ako... tawa tawa nya pang saad sa akin na mukhang gusto pa lalong akong inisin.
Panandalian kong nakalimutan ang problema ko dahil sa pang aasar ni Alvin. Alvin know me well Kung kailan may Iniisip ako or di kaya pag tahimik ako napapansin nya na agad na maraming tumatakbo sa isip ko.
Nakalagpas na kami sa edsa kaya naman dere-deretsyo na ang byahe namin at nakarating na kami sa school. Here we are. You can do it max.
Kakatapak palang ng aking mga paa sa tabang elementary school Napa buntong hininga na ako agad.
Shit! Namamawis ang kamay ko sa kaba.
Let's go babe! Hawak ni alvin ang kabila kong kamay at Yung isang kamay naman Nya at hawak hawak ang prutas na pasulobong nya.
Surprise visit ito babe at hindi ako nag sabi Kay ma'am Reyes na pupunta ako. Kaya naman magugulat yun.
Naka upo na kami ni Alvin dito sa principal office ng bumukas ang pinto kaya naman napatayo ako agad.
Wow! You're here hijo.... Masayang saad ni ma'am am Reyes at yinakap pa si Alvin. At ako mukhang hindi pa napapansin.
What brought you here hijo? I mean wala pang isang buwan ng nag Punta ka dito at umalis rin agad dahil sabi mo may emergency ka?
Well I want to surprise visit ma'am Reyes and I want you to meet my girlfriend... Sabay pakita ko sakanya.
Bago pa ako ipakilala ni Alvin. Inunahan ko na sya.
Ma'am m-max Sabi ni ma'am Reyes na balak pa akong tawagin sa buong pangalan ko.
Anna Sanchez madam! Sabay lahad ng aking kamay Kay ma'am Reyes na mukhang nagulat na nakita ako kasama si Alvin.
"Mrs. Genie Reyes" nice to meet you Anna Sanchez wika ni ma'am Reyes sa akin na mukhang nabasa ang Iniisip ko na Sana huwag nya akong tawagin sa totoo kong pangalan.
Finally hijo may pinakilala kana ring girlfriend sa akin. Magaling kang pumili ng maganda at mabait Alvin.
Napaiwas ako sa sinabi ni ma'am Reyes dahil nahihiya ako. Dinamay ko pa sya sa kasalanan ko at sinasakyan nya ang ka sinungaling ko Kay Alvin.
Syempre naman ma'am, mabait at maganda ang girlfriend ko syempre gwapo ang boyfriend eh. Mayabang nya pang saad sa amin na mukhang proud na proud pa.
Ano kaba nakakahiya! Saad ko sakanya sabay kurot ng palihim sakanyang tagiliran.
Aw! Sabay himas sakanyang tagiliran ng palihim rin. Bakit ba babe totoo naman ah! Mabait na at maganda kahit na mukha kang tomboy!.... Asar nya pa kaya naman kukurutin ko na Sana sya ulit pero lumayo na sya sa akin.
Ehem! Na patingin ako bigla Kay ma'am Reyes na mukhang masaya sya sa nakikita nya at tawang tawa pa sa itsura ni alvin na hanggang ngayon hinihimas Parin ang tagiliran. Nahiya ako bigla.
Masaya Para sa inyo hijo at hija. Nakikita ko sa mga Mata nyo na mahal na mahal nyo ang isat Isa. Ipag patuloy nyo Lang ang Yan at Sana kayo na ang magka tuluyan.
Alvin masaya ako Para sayo at nakikita ko ngayon na masaya ka. Nakikita ko sa mga Mata mo na totoong mahal mo si m-max este si Anna kaya naman naman huwag mo no syang papakawalan.
At Kung may problema or pag subok sa relasyon nyo sana kayanin nyo at huwag nyong hayaan na masira ang relasyon nyong binuo, at binubuo pa lamang dahil Lang sa isang problema.
Nakangiti si Alvin at ako natumingin Kay ma'am Reyes sa mga sinabi nya.
Alam ko related ang sinasabi ni ma'am reyes na pagsubok or problema sa amin ni alvin dahil yun sa sitwasyon kong nag sisinungaling Kay alvin.
Tiwala ang Isa sa pinaka kailangan sa isang relasyon dahil ito ang magiging sandigan Para tumibay ang relasyon nyo.
Pero sa umpisa pa Lang nag si sinungaling na ako agad Kay Alvin minsan nakakaramdan ako ng guilty.
Gusto ko mang sabihin sakanya pero delikado ang trabaho ko at ayaw kong madamay sya Kung sakali mang balikan ako ng Isa sa mga taong naipakulong ko na.
Thank you po ma'am reyes. And yes susundin po namin ang payo nyo. Mabait naman po ang girlfriend ko and ako kaya wala po kaming magiging problema, Diba babe? Tanong sa akin ni alvin.
Kaya naman alanganin akong tumango at ngumiti at na patingin Kay ma'am reyes na alanganin rin palang nakatingin sa akin.
Total hijo at hija nandito na kayo gusto Kong sabihin sa inyo na malapit nang umpisahan ang pag papagawa ng mga room na kailangan at ang mga upuan naman na kailangan na kasama sa project namin ay nakabili na rin kami kaya naman lubos kaming nag papa salamat sa inyo at Kung wala kayong dalawa hindi namin magagawa ang proyekto namin.
Masayang balita po yan Kung ganun ma'am reyes at hindi na po kayo mahihirapan turuan ang mga Bata Lalo nat may bago na silang magiging silid.
Dati po kasi sa isang room marami sila. Pag natapos na Yung mga room pwede na silang pag hiwalayin at matutukan ng mabuti.
Kaya Nga eh hijo salamat sa inyong mga tumutulong sa paaralan ng tabang... Masayang nagpapa salamat si ma'am reyes sa amin.
Kahit hindi nya sabihin sa akin yun ng personal Alam kong nag papasalamat talaga sya.
By the way ma'am reyes diba po sabi nyo may katulad ko rin pong laging nag do-donate dito sa school ng tabang? Tanong ni alvin kaya naman kinabahan ako at na patingin Kay ma'am reyes na parang humihingi ng tulong.
A-ahh yun ba iho.....minsan lang pumunta si ma'am dito pag hindi sya busy sa trabaho. Alanganing sagot ni ma'am reyes Kay alvin.
What's her name again ma'am? Tanong ni Alvin kaya ma'am reyes kaya naman nang Laki ang mata ni ma'am. At mukhang nag aalangan si ma'am Kung sa sabihin nya ba ang pangalan ko.
Ahmm, Ms. Max iho ang name nya.... Sagot ni ma'am akala ko buong pangalan ko ang sasabihin nya kaya naman napabuga nalang ako hangin na kanina ko pa pinipigil dahil sa kaba.
Nice name! Saad ni alvin. Kaya naman na patingin ako sakanya. Oops! Huwag kang mag selos babe na cool-an Lang ako sa name nya pang lalake kasi max natatawang nyang paliwanag sa akin.
Ang Gandang pangalan Nga hijo.... sabat naman ni ma'am kaya na patingin ako sakanya na mukhang ginagatungan pa si alvin.
Naku! Kung Alam mo Lang alvin na Maxine at pinag ikli ko lang ng max baka magulat ka... Wika ko sa isip ko.
Na patingin Lang naman ako sakanya dahil nagustuhan nya ang pangalan ko hindi dahil nag seselos ako, ano baliw Lang Pati sarili ko pag seselosan ko.
Wala akong sinasabi kaya bakit ka nagpapaliwanag hmmm? Tanong ko sakanya.
Well.. nothing... I'm just saying babe katwiran nya sa akin habang tinataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Nakakatuwa naman kayong tignan hijo at hija... Napangiti Lang kami parehas ni alvin.
Hijo bakit hindi ka muna mag libot libot sa labas at makita naman paligid ng school na Ito at pag pumunta ka dito Lagi ka Lang sandali kaya naman hindi kita naigagala... Napangiti nyang suhesyon Kay alvin na parang magandang idea Nga iyun.
Tama let's go babe libutin natin ang school na Ito Para naman makita mo rin. At Alam ko may garden dito na puro mga estudyante ang nag tanim. Sige gusto ko rin Yan makita... sagot ko sakanya.
Ahm pwede bang makausap kita Anna tanong naman sa akin ni ma'am reyes.
Ahh babe mauna kana sa Labas mag uusap Lang kami sandali ni ma'am alanganin kong saad Kay alvin na parang nag tataka Kung bakit ako biglang kakausapin ni maam ng kaming dalawa Lang.
Alam mo naman hijo natutuwa Lang ako at ngayon may ipinakilala kanang girlfriend sa akin kaya naman natutuwa ako at mag kwekwentuhan Lang kami sandali.
Diba Sabi ko sayo mag girlfriend kana at puro trabaho Lang ang inaatupag mo kaya naman ngayon naman may girlfriend kana may ka kwentuhan na ako... HAHAHAHAHAH alanganin saad ni maam Kay alvin na parang naniwala na.
Sige po ma'am at babe basta bilisan nyo Lang at baka mainip ako tawa nya pang wika sa amin ni maam.
Sige babe!.... Sige babe Labas na ako, sabay halik sa aking labi kaya namn nahiya ako Kay maam reyes. At Lumabas na Nga si alvin.
Hija kakausapin kita bilang nakakatanda sayo hindi bilang principal ng school na Ito na tinutulungan mo.
Masaya akong ikaw ang kasintahan ni alvin. At nakikita ko rin na kung gaano mo sya kamahal at ganun rin sya sayo.
Matagal ko nang ka kilala si alvin Hija at Alam ko rin ang kwento nya at Kung tungol sa magulang nya.
Ang dating alvin naging malungkot at seryoso sa buhay ngayon nakikita kong masaya sya sayo Para bang nakalimutan nya ang nangyari sa buhay nya.
Ang Alvin na kilala ko sinusobsob ang sarili sa trabaho at walang oras sa ibang bagay. At mahirap rin syang mag tiwala sa iba.
Kaya naman payo ko lang sayo hija hanggang maaga pa ilantad mo sakanya ang tunay mong ka tauhan. Hindi ko Alam Kung bakit Anna Sanchez ang pa kilala mo sakanya.
Kilala kita hija matagal na at kayo ng papa mo. Kayo ng ama mo ang tumutulong sa amin.
Ayaw ko sa huli mag hiwalay kayo at masaktan kayo sa huli dahil sa isang kasinungalingan mawala sa isang iglap ang relasyon Yung binubuo.
Ayaw kong sa huli bumalik si alvin sa pagiging istranghero na walang paki sa Mundo na basta sya nag tratrabo at walang ginawang iba sa Mundo kundi lunurin ang sarili sa trabaho at wala ng oras sa sarili.
Ayaw ko ring bumalik si alvin sa pagkaka lukmok tulad ng mawala ang mommy at daddy nya so please hija ipakilala mo sakanya ang sarili mo.
Lahat ng sinabi ni ma'am tagos sa puso ko dahil totoo naman yun lahat baka sa isang iglap mawala lahat ng Ito sa akin. Mahal na mahal ko si alvin kaya hindi ko kayang mawala sya sa akin.
Salamat sa advice ma'am reyes tatandan ko lahat ng sinabi nyo at salamat rin po at sinakyan nyo ang kasinungalingan ko Kay alvin kanina.
Huwag po kayong mag alala sasabihin ko rin po Kay alvin ang totoo kong katauhan pero hindi pa po ngayon at hahanap po ako ng tamang oras.
Alam kong may dahilan ka kaya sinakyan ko ang gusto mo hija. Sana kayong dalawa ni alvin hanggang sa huli at masaya ako Para sa inyo... Sabay yakap nya sa akin at ginantihan ko naman ito ng isang mainit ring yakap.