NAPAKUYOM ang palad ng dalaga ng narinig ang salaysay ng mga taong naghintay sa kanila sa Baguio. "Nandito na kami, Miss Boromeo, kaya't lubos-lubusin na rin naming makiusap," ilang sandali pa ay wika ng nagpakilalang pinuno ng lihim ma samahan. "Ano po iyon, Tata?" dali-daling tanong ng dalaga. "Huwag n'yo sanang hayaang may mangyaring masama sa mga kapwa naming taga-roon. Hindi naman masama ang risedente roon ngunit nanatiling tahimik dahil sa takot nila sa nga namumuno. Kaya't inipon ko ang aking lakas ng loob upang pumarito sa Camp Villamor. Nakakatuwa ring nandito ka pala," pahayag ng Ginoo. Subalit dahil sa nakikita ni Artemeo na galit sa mata ng kasintahan ay pumagitna siya. "Magpakilala muna ako sa inyo mga Ginoo. Artemeo Aguillar ang pangalan ko at partner sa trabaho ni Mis

