MATAPOS maayos ang kaguluhan sa Barangay Di Matanao Sittio De Makita ay nakahinga ng maluwag ang nga taga-roon. Dahil suportado ng upper court ang tungkol sa kaso ng naturang Barangay ay hindi nagtagal ay kusang sumuko ang ilang opisyal na hawak sa leeg ng namayapang pinuno ng kawatan. Ang ilan din ay lumaban kaya't walang nagawa ang awtoridad kundi humingi ng shoot to kill order. Ganoon pa man ay tuwang-tuwa ang karamihan dahil wala na silang problema kundi ang pang-araw-araw ns kabuhayan. SABI nga ng mga matatanda sa lugar nina Artemeo, ang ibig sabihin ng panaginip ni Lampa na pinaulanan sila ng bato nang nakaidlip ang dalaga sa sasakyan ay ang pagsabog ng fresh flowers sa kasal nila. Well! Walang masama sa maniwala sa pamahiin ng matatanda! Para rin naman sa kanila. This is it! An

