PAGKALABAS nilang mag-asawa sa Barcelona International Airport ay dumiretso sila sa address na ibinigay ng magkakaibigan o ng mga Kuya nila. Ngunit mas namangha sila nang madatnan ang isang vacation house. Tuloy! Napaisip sila ng wala sa oras kung magkano ang ginasto ng mga ito mula pa sa preparasyon ng kasal hangganga sa mismong seremonya at sa honeymoon nila. Magarang vacation house ang kinaroroonan nila at kahit hindi kalakihan ay siguradong mamahalin. Well, nasa honeymoon sila kaya't saka na lang nila alamin ang bagay na iyon pag-uwi nila after one month! Pagpasok na pagpasok nila sa vacation house na gagamitin nila ay agad sumalampak si Artemio sa higaang naghihintay sa kanilang mag-asawa. Hindi biro ang puyat at pagod nila mula pa sa preparasyon. Samantalang napailing na lang s

