Luna Tahimik akong nakaupo sa buhanginan ng dalampasigan sa Sta. Ana. Malamig na ang hampas ng hangin pero hindi ko iyon alintana. Parang tinatangay ang isip ko kasabay ng malalakas na hampas ng alon sa karagatan. The tranquility of the serene place brings me peace of mind. Kahit madilim na, sapat na ang liwanag ng buwan para makita ko ang kabuuan ng kagandahan ng tanawing nakahantad sa harap ko. Dito sa lugar na ito, una kong nakilala si Martin. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, tumatak siya sa puso at isip ko. Ilang araw na rin ang lumipas nang makauwi kami rito sa Pilipinas. Una naming pinuntahan ang mansyon nila kung saan naroon ngayon ang Papa niya. Ito ang unang pagkakataon na haharap ako sa kanya kaya abot-abot ang kaba ko nang ipakilala niya ako rito. Unang kita pa

