Luna Jigo: I’m sorry, babe. Medyo busy ako sa store ngayon. Pupuntahan na lang kita mamaya. I’ll call you instead. Napanguso ako sa text ni Jigo. Late ko na rin iyong nabasa dahil inabangan ko siya sa labas. Madalas kasing hindi na iyon nagre-reply sa akin kapag niyayaya ko siyang bumisita rito sa bahay. Magugulat na lamang ako na nariyan na siya sa harap ng bahay; nakangiti habang may dalang pagkain para sa aming dalawa. Sabagay, it’s holiday season. Marami ang bumibili kaya hindi na ako magtataka kung sabihin man nga niya sa aking abala siya ngayon sa supermarket. Nataon nga lang na day-off ko nang araw na ‘yon kaya wala ako roon. Ano kaya kung bisitahin ko siya roon? Nagtipa ako ng reply sa kanya habang nagsisimula na akong mag-plano sa gagawin kong

