RUFFA: NANGINGITI ako habang pinapanood si Daven at Chelsea na naghaharutan dito sa pampang. Napapatili si Chelsea na naghahabulan sila ng Ninong nito at binibitbit siya ni Daven sa tubig. “Are you happy, sweetheart?” pagsulpot ni Kuya Luke na pumulupot ang braso sa baywang ko. Napangiti ako na isinandal ang sarili dito na nakamata sa mag-ninong na naghaharutan. “Oo naman, Kuya. Isa ito sa pinakamasayang naganap sa buhay ko. Ang kasama ko kayo na bagong pamilya ko,” sagot ko. Napalunok ito na ikinalingon ko ditong nakamata sa dalawa. “We too, sweetheart. Napakasaya namin na kasama ka na namin ngayon,” makahulugang sagot nito. Dahan-dahan itong nilingon ako na ikinatama ng mga mata namin. Napalunok ako na binundol ng kaba sa dibdib na mapatitig sa mga mata nitong halo-halong emo

