Chapter 29

1502 Words
RUFFA: MAAGA pa lang ay bumangon na ako. Nakagisnan ko naman si Daven na nahihimbing pa rin sa tabi ko. Kahit nagtampo siya kagabi ay nakapulupot pa rin sa baywang ko ang braso nito habang nakaunan ako sa kanang braso nito. Napangiti ako na magaang kinintilan ito ng halik sa noo. Napakalamig dito sa Switzerland pero hindi ko maramdaman ang lamig na nakakulong ako sa mainit niyang yakap, sabayan pa na nababalot kami ng makapal na kumot. "Good morning, Daddy." Pabulong pagbati ko na nag-smack kiss dito. "Uhmm." Napahagikhik ako na napaungol ito at pinatulis ang nguso. Muli ko itong hinagkan na ikinangiti nitong kinabig akong niyakap at pinaghahalikan sa ulo. "Good morning, my baby. Matulog pa tayo. Ang sarap matulog eh," wika nito na namamaos pa ang malalim at baritonong boses nito. Nagsumiksik ako sa dibdib nito na sinisinghot-singhot ito. Gustong-gusto ko ang natural manly scents nito na napakabango sa pang-amoy ko. "Uhmm. . . iba na 'yan, Daddy." Saad ko na maramdamang ang kamay nitong kanina lang ay nasa likod ko humahaplos. Pero unti-unting bumaba sa baywang hanggang pang-upo ko. Natawa ito na marahang nilalamas-lamas ang pang-upo kong ikinagapang ng init sa katawan ko. "Binitin mo ako kagabi," reklamo nito na maalalang tinulugan ko siya. Napahagikhik akong sinipsip ang kaharap kong u***g nito na ikinaungol naman nito. "Ano 'yan? Siguraduhin mong itutuloy mo 'yan ha? Tinitigasan na ako, baby." Pabulong anas nito na ikinamilog ng mga mata ko! Binitawan ko ang u***g nitong sinisipsip ko na mahinang ikinatawa nitong may panggigigil na nilamas ang pang-upo ko. "Maghahanda na ako ng agahan natin, Daddy." Pag-iwas ko ditong naningkit ang mga mata. "Mamaya na, baby. Ang sarap pang humilata eh," ungot nito na mas niyakap ako. Ang sarap magpakulong sa mainit niyang bisig. Damang-dama ko ang init at katigasan ng katawan nito habang yakap-yakap niya ako. Sa laki niyang tao ay nagmukha akong paslit na nakakulong sa bisig ng ama nito. "Pero nagugutom na ako, Daddy." Reklamo ko na tumingala ditong sinalubong ang mga labi ko. Natawa akong napapikit na tinugon ang halik nitong napakapusok at lalim na parang leon na gutom na gutom kung makalapa sa labi ko. "Uhmm. . . mag-agahan na muna tayo, Daddy." Reklamong ungol ko na bumaba sa panga at leeg ko ang mga labi nito. "Nag-aagahan na tayo, baby." Sagot nito na minamarkahan ang balat ko. "Daven naman eh." Ungol kong ikinahagikhik nito. "Ayaw mo ba?" pagtatampo nito. Napahaplos ako sa pisngi nito at inabot itong hinagkan sa noo. Matamis akong ngumiti ditong napanguso. "Mamaya na. Gusto kong kumain muna tayo. . . ng pagkain, hmm? It's our first day today bilang ganap na mag-asawa. Gusto kong ipahanda ang asawa ko," paglalambing ko ditong napalapat ng labing nagpipigil mapangiti. "Sige na nga. Pero kainin kita mamaya ha?" ungot pa nitong ikinatawa kong nakurot ito sa dibdib. "Oo na po. Ang landi mo," ingos ko na ikinahagikhik nito. Bumangon na ako kasabay nito. "Daven!" impit kong tili na pinalo pa nito ang pang-upo ko. "Ang tambok eh," natatawang sagot nito na pinaningkitan ko. Lihim akong napangiti na nasasanay na akong nakahubad sa harapan niya. Hindi na kasi ako naiilang na tumayo sa harapan nito kahit wala akong saplot sa katawan. Maging ito ay hubo't-hubad din na nagbihis ng pajama at sweater na katerno ng suot ko. "Baby, ako na lang ang maghanda ng agahan natin. Gusto kong pagsilbihan ang reyna ko sa unang araw namin bilang mag-asawa." Kindat nito. Napangiti ako na parang paslit na kinarga nitong pinaupo sa countertop. Kumuha naman ito ng dalawang mug na nagtungo sa coffeemaker. "Hot choco or milk?" tanong nito. "Gatas na lang, Daddy." Sagot kong ikinangiti nitong nagtaas baba pa ng kilay. "Good choice, baby. Para sagana ka sa gatas mamaya," makahulugang saad nito na ikinamula ng mukha ko. "Daven naman eh," ingos ko ditong natawa. Dinala nito sa tabi ko ang gatas ko na hinalikan pa ako sa mga labing tinugon ko. "Uhmm--tama na, Daddy. Magluluto ka pa," pag-awat ko na lumalalim na ang halikan namin at napapapisil na ito sa baywang ko. "Baka lang naman makalusot, baby." Anas nito na naghahabol hininga. Naiiling akong pinanood itong nagsimula nang magluto ng agahan namin. Hindi ko maitago ang saya at kilig na nadarama ko habang nakamata ditong pasipol-sipol pa habang nagluluto. Idagdag pang glass wall ang dingding ng bahay kaya kitang-kita dito sa loob ang view sa labas na mga nagtataasang bundok na nababalot ng snow. "Daven, pwede ba tayong mamasyal mamaya? Gusto ko sanang maglibot tayo dito." Paglalambing ko na napasimsim sa tinimla nitong gatas ko. "Ayaw mo bang. . . magkulong na lang tayo dito sa bahay, baby?" tudyo nito na may ngising naglalaro sa mga labi. "Magtigil ka nga. Sulitin na natin ang araw na nandidito tayo. Napakaganda kaya sa lugar na 'to," sagot ko dito na napatikhim. "Mas maganda ka pa nga eh. Lalo na 'yong walnuts mo," sagot nito na ikinakunot ng noo ko. "Anong sabi mo?" "Wala. Ang sabi ko, masarap din ang walnuts nila dito. Meron pa ngang almonds at cashew nuts. Gusto mong tikman?" sagot nito na pinaningkitan ko. "Patitikman mo ba ako?" tanong ko na ikinangiti nito. "Oo naman, baby. Kahit ngayon pa mismo. . . ipapatikim ko sa'yo kung gaano ako kasarap bumayo ng mani." Makahulugang saad nito sabay kagat ng ibabang labi na ikinaubo ko. "Hindi naman 'yan ang ibig ko," ingos kong ikinahalakhak nito. "Well, 'yon ang ibig ko, baby." "Tseh!" Malutong itong napahalakhak na ikinailing ko. Napakalandi talaga. Palibhasa ay sanay ito. Na kung tinatayuan siya at inaatake ng kalibugan ay may babaeng kusang bubuka, tutuwad o gigiling para sa kanya. Naalala ko naman ang dating kasintahan nito. Si Katelyn. Hindi ko pa naitatanong kay Daven kung siya ba ang nakababatang kapatid ni Kuya Luke. Mag-asawa naman na kami. Hindi naman siguro kalabisan kung itatanong ko sa kanya kung si Katelyn ba ang kapatid ni Kuya Luke. "Daven?" pagtawag ko dito. Nilingon naman ako nito na nagtatanong ang mga mata. Naghahalo kasi ito ng crab and shrimp soup na kasalukuyang tinitikman nito kung tama na ang timpla. "Uhm, si Katelyn ba. . . " natigilan ito na napalunok na nakamata sa akin. "Siya ba ang kapatid ni Kuya Luke?" tanong ko. Hindi ito nakaimik na namutla sa narinig. Pilit akong ngumiti dito kahit kabado ako sa isasagot nito. "Uhm," napatikhim ito na bumaling na sa niluluto nitong soup. "Hindi." Simpleng sagot nito. "Hindi kapatid ni Kuya Luke ang dating girlfriend mo?" tanong ko pa na ikinatango nito. "Ni hindi nga sila magkakilala sa personal eh," sagot nito. "Kung gano'n sino 'yong kapatid ni Kuya Luke? 'Yong sinasabi mo dati na gustong-gusto mo," tanong ko pa dito. Napahinga ito ng malalim na tinapos na muna ang mga niluluto bago bumaling sa akin. Lumapit ito na pumwesto sa gitnang hita ko. Napahawak ito sa baywang ko na malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. "Kung pwede ko lang sabihin sa'yo eh. Sasabihin ko. Ayaw kong may tinatago ako sa'yo. Pero. . . hindi kasi ako ang dapat sumagot niya'n, baby. Bakit hindi si Luke ang tanungin mo? Close kayo, 'di ba?" wika nito na bakas ang kaseryosohan. "Bakit hindi mo pwedeng sabihin? Hindi ko naman ipagkakalat ah. Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ko dito na umiling. "Hindi sa wala akong tiwala sa'yo, baby. Of course I trust you. Pero kasi. . . private matter na 'yon. Kahit asawa na kita, hindi pa rin tama na ako ang nagsabi sa'yo kung sino ang kapatid ni Luke." Sagot nito na hinaplos ako sa ulo at mariing hinagkan sa noo. Hindi na ako umimik sa sinaad nito. Tama naman kasi siya. Kahit asawa na niya ako, hindi ko dapat panghimasukan ang pribadong buhay ng iba. Siguro, si Kuya Luke na lang ang tatanungin ko tungkol sa kapatid niya. Ayo'ko naman na magkasira silang magkaibigan at magkasakitan na naman ng dahil sa akin. "Hwag ka ng magtampo, baby. Kung gusto mo talagang malaman kung sino ang kapatid ni Payne? Tawagan natin siya at ikaw mismo ang magtanong sa kanya," saad nito na tahimik akong nakasubsob sa dibdib nito habang hinahaplos naman ako sa ulo. "Hwag na. Sabi mo nga, private matter na 'yon." Sagot ko na pilit pinasigla ang boses at ngumiti dito. Kita ang kakaibang lungkot sa mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. Bakas ang halo-halong emosyon doon na tila ang dami-dami niyang gustong sabihin sa akin. Napahinga ito ng malalim na hinagkan ako sa noo at muling niyakap. Hindi ko alam pero, bigla din akong nalungkot sa tuwing mapag-uusapan namin ang tungkol sa kapatid ni Kuya Luke na hindi ko pa nakikilala. "Pero, gusto mo pa rin ba siya?" tanong ko na kumalas dito at tinitigan ito sa mga mata. Napalapat pa ito ng labi na naging mailap ang mga mata nito. "Daven?" untag ko dito. Napangiwi itong nagkamot sa batok na kita ang takot sa mga mata. "G-gusto, baby. Gustong-gusto ko ang kapatid ni Luke," pag-amin nito na ikinatulo ng luha sa mga mata ko. "A-ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD