RUFFA: TAHIMIK kaming lahat sa buong byahe. Hindi ko na rin tinanong si Daven kung nasaan na sina Tito at Tita dahil kaming apat lang ang lumuwas ng syudad. Ako, si Daven, si Chelsea at Kuya Luke. Sa condo kami tumuloy ni Daven. Sina Kuya Luke at Chelsea naman ay hindi na bumaba ng chopper na nag-land lang sa rooftop ng condominium. Pagpasok namin ng unit ay tumuloy kami ng silid. Dama ko na rin ang pagod at pagkirot ng sugat ko kaya wala akong kagana-gana. Maging si Daven ay nakikiramdam lang sa akin. “Do you want to eat, baby?” malambing tanong nito na inalalayan akong makahiga ng kama. Umiling lang ako na hindi sumagot dito. “What do you want to eat later? Para mamaya, baby. Gusto mo ba ng may sabaw?” muling tanong nito. “Bahala ka. Inaantok na ako,” malamig kong sagot. Napala

