RUFFA:
NAGING magaan ang mga sumunod na araw ko sa mansion. Nagsimula na rin ako sa trabaho. Mabuti na lang at wala dito si Sir Daven. Kaya nakakahinga kaming lahat ng maluwag.
Tanging si Sir Devon at Ma'am Shantal lang ang madalas na nandidito. Si Ma'am Jenelyn ay may asawa na ito at doon siya nakatira sa compound ng napangasawa. Minsanan lang siya dumaan dito para dalawin ang mga magulang. Si Sir Daven naman ay abala daw itong tao at minsanan lang ding magawi dito.
"Hi, ladies."
Napalingon kami na may nagsalitang baritonong boses mula sa likuran namin. Nandidito kasi kami sa may pool ng ilang kasamahan kong katulong at abala sa paglilinis.
Napangiti kami na malingunan si Sir Luke na siyang bagong dating. Sinalubong ko ito na sa akin naman siya nakamata. Kinikilig naman ang mga kasama ko na nakamata dito. Hindi ko naman sila masisisi. Ako man ay nagugwapuhan kay Sir Luke. Pero 'yon ay paghanga lang. Walang ibang malisya.
"Hello, Sir. Napadaan po kayo? Wala si Sir Daven dito," saad ko na inabot ang bigay nitong nasa limang box ng pizza.
May hawak din kasi itong drinks at paperbags.
"It's okay. Hindi naman siya ang sadya ko. Kundi ikaw," saad nito na bumeso pa sa aking ikinasinghap namin ng mga kasama ko.
"Ako po? Bakit po?" naguguluhan kong tanong habang patungo kami sa may mesa dito sa gilid ng pool.
"Visiting you. Masama bang dalawin kita?" anito. "Hindi ka tumatawag eh. Kaya hindi kita matawagan. Wala akong number mo," dagdag nito.
Maingat kong inilapag sa mesa ang pizza. Gano'n din naman ito na sinenyasan lumapit ang mga kasama kong kinikilig na lumapit sa amin.
"Sir Luke, para sa amin ba 'yan?" kinikilig na tanong ni Alona.
Napangiti ito na inilabas ang laman ng paperbags nitong lasagna.
"Oo naman. Dadalhin ko ba sa inyo kung hindi para sa inyo ito?" sagot nito na ikinangiti namin.
"Salamat po, Sir Luke." Panabay naming pasalamat dito na nangingiting sinenyasan na kaming kumain.
"Salamat ha?" bulong ko na magkatabi kaming kumain.
"Wala 'yan. Makita lang kitang masaya? Kahit araw-araw ko pa kayong ilibre ng mga kasama mo ay gagawin ko," sagot nito na ikinangiti ko.
"Baka naman mamaya ay masanay kami, Sir."
"Maganda nga 'yon eh. Para hanap-hanapin niyo ako. Lalo ka na," anito na ikinainit ng mukha ko.
Magana kaming kumain na inubos ang dala nitong meryenda. Muli din naman itong nagpaalam sa amin matapos naming kumain kaya bumalik na kami sa trabaho.
"Ruffa," pagtawag sa akin ni Dessery.
Nagtatanong ang mga mata ko na nilingon itong katabi ko sa paglilinis ng mga lounge chair.
"Umamin ka nga. Nanliligaw ba si Sir Luke sa'yo?" tanong nito na ikinangiwi ko.
"Bakit mo naman naitanong?"
"Kasi iba ang tinginan niya sa'yo eh. Alam mo 'yon. 'Yong parang may something kapag nakatitig siya sa'yo. Ibang-iba ka niya kasi tignan," anito.
"Magkaibigan lang kami ni Sir Luke. Saka, para ko na siyang kuya. Hindi ako nililigawan no'n," sagot ko na ikinanguso nito.
"Baka plano niya pa lang. Mabait naman si Sir Luke eh. Pero kasi, ngayon lang siya nagdala ng pagkain para sa mga katulong." Saad pa nito.
"Walang ibang ibig sabihin iyon, Des. Mabait lang 'yong tao." Sagot ko na nagpatuloy sa ginagawa.
KINAGABIHAN ay nauna si Lola na bumalik ng silid namin. Hindi naman mabigat ang trabaho dito sa mansion lalo na't marami kaming katulong dito na nagtutulong-tulong sa paglinis. Iba ang nakatoka sa pag-aalaga ng garden. Iba ang tagaluto. At iba rin ang mga tagalaba at tagalinis ng mansion.
"Dumaan daw si Sir Luke kanina, apo?" tanong nito na ikinatango kong kumuha ng towel at damit pantulog.
"Opo, La. Nagdala nga po siya ng meryenda eh." Sagot ko.
"Kumusta naman ang relasyon niyo, apo? Wala naman siyang ibang sinasabi sa'yo?" tanong pa nito.
"Wala naman po, La. Nangumusta lang po siya at umalis din matapos naming kumain." Sagot ko na nagtungo ng banyo. "Magsho-shower lang po ako, La."
"Sige lang, apo."
Mabilis akong naglinis ng katawan at nagbihis ng pantulog bago lumabas. Naabutan ko naman si Lola na tahimik na nagdarasal habang may hawak pa itong rosary.
Maingat akong naupo sa harapan ng dresser mirror dito sa silid na nagpahid ng moisturizer sa katawan. Nang matapos na si Lola sa pagdarasal nito, tumayo na ako at lumipat ng kama.
"Siya nga pala, apo." Anito na pinaunan ako sa dibdib nito na hinahaplos-haplos ako sa ulo.
"Ano po iyon, La?" tanong ko na napapahikab na rin.
"Bukas nga pala, ihahatid ka ni Berting sa condo ni Sir Daven."
Namilog ang mga mata ko na napaupo sa kama sa sinaad nito!
"Po? Bakit ako?" bulalas ko na nandidilat ang mga mata dito.
"Ikaw ang tinawag eh. Maglilinis ka lang naman ng unit niya. Baka wala na siya doon pagdating mo kasi abala din naman ang batang iyon," saad nito na ikinasabunot ko sa ulo.
"Kainis naman eh! Tuwang-tuwa nga ako na hindi ko nakikita ang lalakeng iyon dito. Tapos ako pa ang ipapatawag na maglinis ng unit niya. Baka naman mamaya ay paga-pagalitan niya lang ako doon, La." Pagmamaktol ko dito na naiiling at natatawa sa reaction ko.
"Ang batang 'to." Anito. "Hindi ka naman siguro susunggaban ni Sir Daven. Basta gawin mo na lang ang trabaho mo doon, apo. Pagbutihan mo ang paglilinis." Wika nito na ikinabusangot ko.
"Ang hudyo na 'yon. Ako pa talaga ang ipinatawag," inis kong bulong na muling nahiga ng kama yakap si Lola.
Kinabukasan ay maaga kaming bumangon ni Lola. Naligo na kami at nagbihis ng uniform bago lumabas ng silid namin. Naghihintay naman si Manong Berting na isa sa mga driver dito na siyang maghahatid sa akin sa condo ni Sir Daven. Mukhang alam nitong ako ang pinatawag kaya nang makita niya ako ay bumati ito na sinenyasan na akong aalis na kami.
Naiinis pa rin ako na nakasunod dito. Ni hindi na ako nakapagkape. Alassingko pa lang naman ng umaga.
"Okay ka lang ba, Ruffa?" tanong nito na napapasulyap sa akin sa rear view mirror ng kotse.
Tahimik lang kasi ako dito sa backseat na nakahalukipkip.
"Okay lang po, Kuya. May iniisip lang," aniko.
Napatango-tango naman ito na hindi na muling nagtanong.
Pagdating namin sa condominium building ay pinagbuksan pa ako nito ng pinto.
"Ihahatid na kita sa unit ni Sir Daven. Mamayang hapon ulit kita susunduin dito kaya hintayin mo lang ako sa unit," wika nito na ikinatango ko.
Tahimik akong nakasunod dito na sumakay ng elevator. Sa twenty-fifth floor kami huminto. Nagpatiuna naman itong lumabas ng elevator na sinundan ko.
"Dito ang unit ni Sir Daven. Mag-ingat ka sa paglilinis ha? Madaling magalit si Sir kapag nakasira ka ng gamit niya. Maarte din iyon kaya pagbutihan mo ang paglilinis para hindi ka niya pagalitan," saad nito na ikinatango ko.
May hinugot itong keycard sa bulsa na binuksan ang pinto. "Pumasok ka na."
Tumango ako dito na pumasok na ng unit. Kabado ako na tumayo ang mga balahibo pagkasara nito sa pinto. Maingat ang paghakbang ko na iginala ang paningin sa kabuoan ng unit nito.
Ang kalat ng unit na kung saan-saan nakasukbit ang mga damit nito. May mga nasira ding gamit sa sahig. Maski ang sofa ay wala na sa ayos. Nagsihulog na rin sa sahig ang mga throw pillows.
Nangunotnoo ako na mapansin ang mga nagkalat sa sahig na ikinangitngit ng mga ngipin ko na makitang mga used condom ang mga iyon.
"Ang baboy talaga ng lalakeng 'yon," usal ko na nagtali ng buhok ko at nagsimula nang maglinis.
Una kong nilinisan ang sala na halatang ginamit rin nila ng babaeng nakaulayaw nito. Nagkalat kung saan-saan ang mga used condom nito. Maging sa kusina ay may mga kalat ng nagamit na condom. Mukhang pati rito ay nagkantutan ang dalawa.
Naiiling na lamang ako na tahimik na ginawa ang trabaho ko. Kahit para na akong maduduwal na naaamoy ang t***d nitong nagkalat sa sahig.
Matapos kong magwalis at maayos ang mga nagulong gamit, nag-mop na muna ako ng sahig. Siniguro kong malinis ang lahat ng sulok at walang amoy ng t***d nito. Sunod kong pinunasan ang glass wall.
Hinihingal at pawisan na ako pagsapit ng alasnueve ng umaga. Nanginginig na rin ang katawan ko sa pagod at gutom kaya minabuti kong nagtimpla na muna ng gatas.
May nakita naman akong loaf bread sa fridge nito na dinampot ko at nagpalaman ng nutella. Naigala ko ang paningin sa unit nito. Malinis at naayos ko naman na ang sala at kusina. Tanging ang silid niya na lang ang hindi pa.
Matapos kong mag-agahan, hinugasan ko na muna ang ginamit ko bago dinampot ang vacuum cleaner. Akmang papasok na ako sa silid nito nang makarinig ng ungulan mula sa loob!
"Ohh fvck, Daven! You're so big, baby!" ungol ng malanding boses babae.
Napasilip ako sa siwang ng pinto na nanigas sa kinatatayuan na makita ang dalawang pares na nasa kama.
Nakatayo si Sir Daven sa likuran ng babae. Nakatuwad ito sa kanya habang nakalapat ang kamay sa headboard ng kama. Mabilis at malakas ang bawat pag-ulos ni Sir Daven mula sa likuran nito na panay ang ungol!
Maging si Sir Daven ay kitang nasasarapan sa ginagawa nila. Umaalog-alog pa ang malaking s**o ng babae habang nakakapit sa baywang nito si Sir Daven na patuloy sa pag-ulos.
Hindi ko na kinaya ang mga nakikita at naririnig. Tumalikod ako na namumula ang mukha na makakita ng gano'n sa tanang buhay ko! Alam ko naman kung ano ang tawag sa ginagawa nila.
"Fvck! How I wish she was you! Damn that girl! I want to fvck her!" dinig kong ungol ni Sir Daven!
Para akong tinutusok ng libo-libong karayom sa dibdib na tulalang nagtungo sa sofa. Nanlalambot ang mga tuhod ko at pinagpawisan ng malapot. Hindi pa rin mag-sink-in sa utak ko ang mga nakita ko sa loob ng silid.
Ilang minuto pa ay dinig kong tila tinatawag ako ni Sir Daven na ikinataranta ko.
"Ruffa! Come here!" sigaw nito.
Taranta akong pumasok ng silid na natigilan nang makitang napaupo sa ibabaw nito ang babae na patuloy sa paggiling na panay ang ungol!
"S-sir, bakit po?" utal kong tanong na hindi makatingin sa mga ito ng diretso.
"Get my wine. Faster. Nauuhaw na ako!" pagalit nitong utos na ikinasunod ko.
Patakbo akong nagtungo sa kusina na kinuha ang isang red wine na dinala sa silid nito. Hindi ako makatingin sa kanila lalo na't lantaran na nagsi-s*x ang mga ito. Ang babae pa talaga ang umuulos ngayon sa ibabaw nito na hindi manlang alintana na nakikita ko sila.
"Faster!" pagalit nito sa akin na ikinataranta ko.
"I-ito na po, Sir." Utal kong saad na iniabot dito ang wine.
Kinuha nito iyon na binuksan at tinungga sa bote.
"Wanna join us, Ruffa?" anito na may ngisi sa mga labi.
Napakurap-kurap pa ako sa sinaad nito at nang mahimigan ang ibig nito ay pinaningkitan kong lalong lumapad ang pagkakangisi.
"Thanks but no thanks, Sir." Sagot ko na ikinataas ng sulok ng labi nito. "You're not my type." Nakangising sagot ko na tinalikuran na ito.
"Fvck," dinig kong mura nito na hindi ko na pinansin pa.
Para akong tatakasan ng kaluluwa ko pagkalabas ko ng silid nito. Tiyak na pagagalitan niya ako na pabalang ko siyang sinagot! Napakabastos naman kasi nila. Aayahin pa talaga akong makisalo sa kababuyan nila. Nakita ko rin ang mukha ng babae. Iba na naman ito sa kasama niya noong nakaraan sa mansion.
Ilang minuto pa ay lumabas si Sir Daven na nakasuot na ng brief. Mukhang tapos na sila ng babae nitong magkantutan. Nakangisi pa ito na lumapit dito sa gawi ko sa sofa.
"Mukha yatang tumatapang ka na ngayon," anito na napatungga sa wine nito na nanatiling nakatayo sa harapan ko.
Hindi ko maiwasang makadama ng init sa mukha na kaharap ko ang sandata nito. Nakabukol pa iyon na nakatayo at nakasilip ang ulo sa haba no'n.
"Hindi naman po sa gano'n, Sir. Nakakabastos po kasi kayo," mahinang sagot ko na ikinatawa nito.
"Nakakabastos? Bakit? Virgin ka ba? Mukha namang hindi na," saad nito na nang-uuyam ang tono.
Hindi ako makatingin ng diretso dito na pinasadaan niya pa ako ng tingin na napadila sa labi.
"Hindi ba't gustong-gusto mo naman akong pinapanood na may pinapaligayang babae? Katulad na lamang sa mansion. Nagtago ka pa nga eh para mabosohan kami. Hindi ba?" anito na ikinakuyom ko ng kamao at tumayo.
Matapang kong sinalubong ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin.
"Hindi ko intention iyon, Sir. Nagkataon lang na nandoon ako sa area kaya napatago ako," sagot ko na ikinangisi lang nitong tila hindi naniniwala.
"Akala ko kasi, gusto mo ring makipag-s*x sa akin. Katulad ng b***h na nasa loob." Anito na ngumisi. "That's why I offered you. Kung gusto mong makipag-threesome sa amin. Kaya ko naman kayong sabay na paligayahin. Oh kung gusto mo. . . tayong dalawa lang. Pwede naman dito mismo sa sofa, Ruffa."
Nag-igting ang panga ko sa narinig na dumapo ang palad ko sa pisngi nitong napatagilid sa lakas ng pagkakasampal ko! Nanginginig ang katawan ko sa sobrang galit dito na napahaplos sa namula niyang pisngi.
"Ang kapal ng mukha mo. Hindi lahat ng babae, magkakagusto sa'yo. Sa gaspang ng ugali mo, kahit ikaw na lang ang natitirang lalake dito sa mundo? Hinding-hindi ko isusuko ang katawan ko sa'yo. Bastos!" asik ko na tinalikuran itong natuod sa kinatatayuan.