RUFFA: NAKANGITI ako na nakikinig kay Mommy at Daddy na masayang ikinukwento sa akin ang tungkol sa kanilang naging kwentong pag-ibig. Nandito na kami sa loob ng tent, nakahiga ako sa pagitan nila at nakayakap kay Mommy. Childhood sweetheart ang mga ito. Pero nagkalayo dahil lumipat abroad si Mommy at pamilya nito. Makalipas ang mahigit sampung taon, muli silang nagtagpo na hindi sinasadya. Napag-trip-an ng mga barkada ni Mommy ang Daddy habang nasa bakasyon sila sa Siargao. Katabi kasi nilang magbabarkada ang cottage nila Daddy at mga kaibigan nito. Naglaro ang mga ito ng spin the bottle at naitapat ang bote kay Mommy. Dahil hindi ito malakas uminom, pinili nito ang dare. At ang mga pilya niyang kaibigan ay in-dare nila itong halikan ang pinakagwapong lalake sa kabilang cottage na

