Chapter 3

2437 Words
Summer's POV Nagising ako ng maramdaman ang init sa paa 'ko. Agad akong bumangon, sinag lang pala ng araw ang tumama sa binti 'ko. Napatingin ako sa kama kung saan ang pwesto ni Penelope. Napayuko ako sa pagkadismaya. Nasa isip 'ko, baka sakaling nando'n na si Penelope paggising 'ko ngunit wala. Wala pa ring Penelope... Matamlay akong kumilos. Para bang ang bigat ng mga paa 'ko. Hirap akong humakbang papunta sa bathroom. Mabilis akong naligo at nagbihis. Agad akong lumabas at pumunta sa cafeteria upang kumain. Doon ay nag-aabang ang tingin ng mga estudyante. Wala akong gana makipagtitigan sa kanila. Naupo ako sa pwesto namin ni Penelope. Doon 'ko lang naramdaman ang init ng katawan 'ko. Para bang nag-aapoy ako, para bang napapalibutan ako ng apoy. Tumayo ako para um-order ng makakain 'ko. Nakayuko ako habang naglalakad papunta sa counter ng cafeteria. Napaangat ako ng ulo ng may mabangga. Ramdam 'ko ang mainit na likidong tumulo sa aking damit. "What the heck?!" sigaw ng babaeng nabangga 'ko. Inis nitong tinapon ang paper cup na may lamang kape sa gilid nito. Masama itong tumingin sa akin. "Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" inis niya akong tinulak, dahilan para tumama ang likod 'ko sa kung sino. "What the hell?" agad akong napatingala at masamang tingin ang ginawad sa akin ng isang lalaki. Inalis nito ang tingin at binalik sa babaeng nasa harapan 'ko. "What do you think your doing, Vanessa?" Napatingin ako sa babaeng tinawag niyang Vanessa. Bakas sa mukha nito ang gulat at pagkatuliro. Muling ibinalik ni Vanessa ang masamang tingin sa akin. "She did that! She started this!" dinuro niya ako sa mukha. "Kung tumingin ka kasi sa dinaraanan mo hindi sana mangyayari ang bagay na 'to!" muli niyang sigaw sa akin. "Ha! Or maybe sinadya mo talaga 'to. Para makaganti sa akin!" "Wala akong ginawang masama sa'yo. Ikaw pa nga itong nakatapon ng kape sa damit 'ko," inis na sagot 'ko rito. Ginawaran 'ko rin ito ng masamang tingin. "Siguro kung hindi ka humaharot baka hindi natapon 'yang kape mo." "What did you say?! Are you saying that I'm a flirt?!" "I didn't tell you that. Ikaw ang nagsabi niyan," bahagya akong ngumisi sa kanya dahilan para mas lalo siyang mainis. "Kung iyon ang pagkakaintindi mo sa sinabi 'ko, ikaw ang may problema at hindi ako." "You b***h!" Marahas niyang hinila ang buhok 'ko dahilan para mapa-aray ako. Halos ibalibag ako nito sa table na nasa gilid namin. Sobrang sakit ng pagkakasabunot nito sa akin, para bang matatanggal ang buhok sa anit 'ko. Idagdag pa ang init na nararamdaman 'ko sa loob 'ko. "Nasaan ang tapang mo ngayon?!" Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok 'ko. Ramdam 'ko ang pag-init ng mata 'ko. "Kung umalis ka na lang sana sa eskwelahan na 'to!" Inis 'kong hinawakan ang braso nitong nakahawak sa buhok 'ko at inikot papunta sa likuran niya dahilan para mabitawan niya ang buhok 'ko. Ramdam 'ko paglapit ng dalawa niya pang kasama kaya mabilis 'ko siyang sinipa sa likuran. Halos mapasubsob naman ang mukha niya sa table. Akmang sasabunutan ako ng isa ng sipain 'ko ito sa tiyan. Napaatras ito habang hawak ang parte ng tiyan niya na sinipa 'ko. Napatingin ako sa likuran 'ko ng marinig ang pag-ingay ng isang table. Doon ay nakita 'ko ang isa sa mga kaibigan ni Vanessa na kumuha ng tray, ipupokpok na sana nito sa akin ng mahawakan 'ko ang braso nito. Katulad ng ginawa 'ko kay Vanessa, inikot 'ko ang kamay nito papunta sa kanyang likuran. Akmang lalapit sa akin si Vanessa pero agad din itong lumayo ng sipain 'ko sa kanyang tiyan. Panay sipa lamang ang ginagawa 'ko at hindi sila sinasaktan ng tuluyan. Babae pa rin ang kaharap 'ko, at hindi ako basta-bastang pumapatol sa babae. Lalo na kung wala namang kakayahang matalo ako. Gulat akong napatingin sa gawi ni Vanessa ng kumuha ito ng kutsilyo, iyon bang panghiwa sa mga pizza ngunit stainless. Inis 'kong sinipa sa likuran ang babaeng hawak 'ko at sinuntok sa mukha ng humarap sa akin. Muli akong napatingin sa gawi ni Vanessa ng sumigaw ito habang tumatakbo sa gawi 'ko. Mabilis akong umiwas ng akmang sasaksakin ako nito. Agad akong pumunta sa likuran nito, gamit ang gilid ng aking palad hinampas 'ko ito sa kanyang leeg dahilan para matumba siya. "Are you f*****g crazy?!" inis na sigaw 'ko rito. Sinipa 'ko ang kutsilyong nalaglag sa gilid ni Vanessa. "Paano kung nasaksak mo 'ko? Gago ka ba?" muli 'kong sigaw dito dahilan para samaan niya ako ng tingin. "Kung may problema ka sa akin, huwag mo 'kong patayin! Wala akong pakialam kung ayaw mong nandito sa eskwelahan na ito!" "Alam mo naman palang walang may gusto sa'yo rito! Bakit hindi ka na lang umalis?!" "Huwag kang mag-alala. Aalis din ako rito once na mahanap 'ko ang kaibigan 'ko!" Bakas ang gulat sa mukha nito ng sabihin 'ko iyon. Muling umingay ang paligid dahil sa bulungan ng mga estudyante. Inis akong tumalikod at kinuha ang gamit 'ko at lumabas ng cafeteria. Dumeretso ako sa locker 'ko upang magpalit ng damit. Bubuksan 'ko na sana iyon ng maramdam ng pagkahilo. Gamit ang isang kamay 'ko tinukod 'ko ito sa locker upang hindi matumba. Umiikot ang paningin 'ko at hindi 'ko alam kung bakit. Habol 'ko ang aking hininga. Unti-unting nanghina ang aking tuhod at hindi 'ko napigilan ang pagbagsak ng aking katawan. "Are you okay?" tanong sa akin ng isang pamilyar ng boses. Hindi 'ko maaninag ang mukha nito. Unti-unting pumikit ang mata 'ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ng pagkirot. Agad na lumapit sa akin ang nurse. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Inilibot 'ko ang paningin 'ko, nasa clinic ako. Napatitig ako kay Maxillian na seryoso ang tingin sa cellphone niya. Hindi niya napansin ang paggising 'ko dahil abala ito sa cellphone. "You should rest first. Masyadong mataas ang lagnat mo," sambit ng nurse. "You're awake," napabaling kay Maxillian ang tingin 'ko. Nakalapit na ito sa pwesto 'ko, nakatayo ito sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga. Ang kamay ay nasa bulsa. "What happened?" "May lagnat lang ak---" "In the cafeteria," pagpapatuloy nito. "It's nothing," umiwas ako ng tingin sa kanya. "K-kailan mo 'ko tutulungan sa paghahanap kay Penelope?" kinakabahang tanong 'ko kay Maxillian. "We'll start when you're fine," sambit nito. Akmang lalabas na siya ng hawakan 'ko ang braso niya. "We can start now, I'm fine." "You're not. Hindi ka pa magaling. I won't risk your health for this," walang gana niyang sambit. "I told you, I'm fine!" naiiyak 'kong sigaw. "Please, please, just help me. I'll do everything, just please help me." Napatitig ito sa akin. Umiwas siya ng tingin at hinilot ang sintido nito. Bumuntong-hininga siya at muling tumingin sa akin. Sumenyas siya sa akin na sumunod sa kanya, agad 'ko rin itong sinunod. Pipigilan pa sana ako ng nurse pero agad 'ko rin siyang kinausap. Ramdam 'ko pa rin ang panghihina pero wala akong pakialam. I need to fine Penelope. Wala akong pakialam kung may sakit ako, wala akong pakialam kung anong mangyari. She's my best friend and I will do everything to fine her. Napakunot-noo ako ng mapansin kung saan kami pupunta. Hindi na lang ako nagsalita dahil ramdam 'kong ano mang oras ay bubulyawan na ako ni Maxillian. Masyado pa lang maiksi ang pisi nito. "Why are we here?" nagtataka 'kong tanong. Hindi siya nagsalita at basta na lang akong kinapkapan. Tumigil siya ng mahanap ang susi ng dorm namin. "I am asking you, why are we here?" Humarap siya sa akin nang makapasok ng tuluyan sa kwarto. "You need to rest." "Akala 'ko hahanapin natin si Penelope?" takang tanong 'ko. "We will but for now you need to rest," seryosong sambit nito. Agad siyang lumapit sa akin at hinila ako papasok sa kwarto. "Magpahinga ka kung gusto mong mahanap agad si Penelope. Mas mahihirapan tayong hanapin siya kapag may sakit ka." Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Malamya akong dumeretso sa kama ko. Hihiga na sana ako nang mapatingin kay Maxillian. Umupo ito sa kama ni Penelope, bahagya pang pinagpag ang bed sheet. Nadekwarto siyang nakaupo habang nagtatakang nakatingin sa akin. Kunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya, nagtataka kung anong ginagawa niya. "A-anong ginagawa mo pa diyan?" tanong 'ko rito. "I'll stay here hanggang sa makatulog ka," walang emosyong sambit nito. Mas lalong nangunot ang aking noo. "For what?" "Hindi mo alam kung sino-sino ang nakakapasok sa building na ito. Mag-isa ka, at babae pa," bahagya nitong inayos ang damit na nagusot. "Huwag kang mag-alala, hindi kita gagapangin habang tulog ka. You're not my type," bahagya itong ngumisi sa akin, nag-init bigla ang ulo 'ko. Abnormal na 'to! "Matulog ka na. Babantayan kita." Ilang minuto pa akong nakipagtitigan sa kanya bago tuluyang humiga. Nakatalikod ako sa direksyon niya. Inaamin 'ko, mas naging panatag ang loob 'ko dahil nandito siya pero hindi 'ko rin maiwasang mapaisip dahil sa ginagawa niya. Ayokong mag-isip ng masama pero ayoko ring mag-assume. Gusto 'ko mang magtanong ngunit hindi 'ko na nagawa dahil unti-unting bumigat ang talukap ng aking mata hanggang sa hindi 'ko na namalayang nakatulog ako. Nagising ako ilang oras matapos 'kong bumalik sa room. Agad 'kong tiningnan ang pwesto kung saan 'ko huling nakita si Maxillian, hindi 'ko alam kung matutuwa ako o ano. Hanggang ngayon kasi ay nandito siya, ayon nga lang nakapikit na siya. Mukhang nakatulog. Nakaharap siya sa direksyon ng kama 'ko, bahagyang nakaunan siya sa kanyang braso. Dahil sa pwesto niya, mas lalo 'kong nakita ang mukha niya. Hindi maitatanggi ang kagandahan ng pagiging lalaki niya. Matangos ang kanyang ilong, kung titingnan aakalain mong may lahi siya. Singkit ang mga mata nito, at ang labi niya, napakapula. Daig pa ang labi 'ko, para siyang nakalipstick. Hindi 'ko namalayang nakatitig ako sa kanya. Lalo na sa labi niya! Bahagya akong umiling, medyo sumakit ang ulo 'ko dahil sa ginawa 'ko. Bahagya 'kong hinawakan ang noo 'ko at pinakiramdam ang sarili. Tumayo agad ako at pumasok sa bathroom ng dorm room namin. Napahinto ako at napatitig sa salamin ng cr. Maputla ako, halatang may iniindang sakit. Ilang minuto lang akong nagtagal sa cr at agad ding lumabas. Halos mapapitlag ako ng makitang gising na si Maxillian at masama ang tingin sa akin. Hindi 'ko na lang ito pinansin at dumeretso sa kama 'ko at doon nagpatuyo ng buhok gamit ang towel 'ko. Ramdam 'ko pa rin ang masamang tingin nito sa akin ngunit minabuti 'ko na lamang na hindi ito pansinin. "Bakit hindi mo 'ko ginising?" inis na tanong nito sa akin. "Tulog ka e. Bakit kita gigisingin?" inosente 'kong tanong. Bahagya itong yumuko at hinilot ang sintido niya. Halatang nagpipigil ng inis. Why am I smiling? "Sa susunod gisingin mo 'ko. Hindi 'yong bigla-bigla kang mawawala diyan sa kama mo," nagpipigil na inis nitong sambit. Ilang minuto akong nakipagtitigan sa kanya hanggang sa ako na ang unang nagbawi ng tingin. "Fine, I'm sorry." Muli akong napatingin dito ng lumapit siya at hinawakan ang noo 'ko. Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa nito, bahagya pa akong napalunok. Ano ba naman 'to? "May lagnat ka pa rin," walang emosyong sambit nito. "Bukas na tayo mag-umpisa sa paghahanap." "Mworagoyo?! But I'm fine now. Nakaligo na nga ako!" hindi 'ko mapigilang mapanguso. Bakit ba lagi siyang may excuses?! "Stop pouting," inis niyang sambit. Agad naman akong umayos ng pagkakaupo. "Don't worry, inutusan 'ko sila Clarkson. I told them na may sakit ka kaya sila muna ang kikilos," Napahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. Kahit pala nandito pa kami ay may naghahanap pa rin kay Penelope. "I heard what happened earlier." "A-ano 'yon?" "What Vanessa did to you," sambit nito. Seryoso pa rin siyang nakatitig sa akin. "Kung maulit man ang bagay na 'yon. Kung may magtanong man kung anong meron sa ating dalawa," hindi 'ko maintindihan ang sinasabi niya. Bakit naman may magtatanong tungkol do'n? "You can tell them, that I am your boyfriend." Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya. Ano raw boyfriend?! Nababaliw na ba siya? Bakit ko naman sasabihin 'yon? At bakit naman may magtatanong no'n?! "Sira ba ulo mo?" inis 'kong tanong. Hindi manlang nagbago ang reaksyon nito. "Bakit 'ko naman sasabihin 'yon? Bakit naman sila magtatanong? Gano'n ba sila kachismoso? At isa pa, pwede 'ko namang sabihin na kaibigan kita, bakit boyfriend pa?" "Friends is not enough for them. They will hunt you, torture you until you talk. Being my girlfriend will make you safe," ayon na naman ako ang mukha niyang walang reaksyon. "I can handle myself. I can fight, I can protect myself even without you," seryoso 'kong tanong. "Okay then. Huwag ka lang iiyak sa akin kapag may nangyaring masama sa'yo." "Bakit naman nila gagawin 'yon? Sino naman gagawa sa akin no'n? Wala naman akong ginagawang masama." "That's the point. Sino ang gumagawa no'n? Bakit nila gagawin 'yon? Even me, I still don't know them. Hindi 'ko alam bakit nila ginagawa 'yon, kung sino ang gumagawa. Wala akong makuhang kasagutan para do'n," bakas ang galit sa kanyang tono. Nakayuko siya habang nakakunot ang noo. "Do you still remember the guys who got killed?" napatango ako sa tanong nito. Ang tinutukoy nito ay ang lalaking nakita 'kong namatay no'ng gabing hinahanap 'ko si Penelope. "That guy is one of my member. May grupo akong binuo rito ng palihim. Hindi para maging tarantado kundi para humanap ng kasagutan. Katulad mo, ilang daang estudyante rin ang nawala rito. Ang ibang estudyante ay nananatili rito upang humanap ng kasagutan, at ng mga kaibigang nawawala." Halos manindig ang balahibo 'ko. Ibig bang sabihin, hindi lang si Penelope ang nawala sa eskwelahan na 'to? Hindi lang ako ang nawalan ng kaibigan. Ibig sabihin ba, noon pa lang ay nangyayari na ito? Bakit hindi 'ko alam? Bakit walang nagsabi sa akin? "Ilang beses na kaming nakakita ng katawan ng mga namatay sa iba't-ibang bahagi ng campus. Lahat ng sumusubok na magsumbong sa Dean ay nasasaktan o namamatay. Hanggang sa natutunan ng mga estudyante na mawalan ng pakialam sa tuwing may makikita silang bangkay." Muling nanumbalik sa akin ang nakita 'ko ng gabing 'yon. Wala nga silang emosyon. Para bang wala silang nakikita sa harapan nila. Para bang invisible ang bangkay na nakahandusay sa lupa. Kaya ba gano'n na lang sila? "That's why I told you, if you don't want to get hurt tell them that you're my girl. They won't touch you." Nangunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. "Bakit? Anong meron sa'yo? S-sino ka ba talaga?" "You'll know me, soon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD