Ada’s Point of View
Matapos naming kumain ni Nikola ay naisipan na naming umuwi. Sinabihan kong ihatid na lang ako ni Nikola sa shop para makapagtrabaho ako subalit hindi siya pumayag at sinabing rest day ko na lang ngayong araw at siya na muna ang pagtuunan nito ng pansin. Hindi na ako nakatanggi pa, hindi dahil sinabi iyon ni Nikola kundi dahil gusto ko rin naman na magkasama pa rin kami sa araw na ito ng asawa ko at masayang magkasama.
Minsan lang mangyari ito at baka sa susunod ay abala na naman si Nikola at wala na naman siyang oras para makasama ako. Pagdating namin sa bahay at masaya pang nag-uusap habang pumapasok sa sala ay nagulat na lang kami nang makita namin ang Papa ni Nikola na nasa sala at masama ang tingin sa aming dalawa.
Napalunok ako ng laway sa kaba lalo pa at naging matalim na ang mga tingin ng Papa ni Nikola sa amin.
“Where did you go last night? Why did you leave and not meet Verona and her family?” galit na salubong ng Papa ni Nikola.
“I felt not well last night, so I decided that we'd leave,” mahinahong tugon ni Nikola sa ama.
“Do you think I don't know where you went last night? I know you went to a hotel with that woman!” galit na tugon ng Papa ni Nikola.
“There is nothing wrong with us going to a hotel and staying there because Ada and I are married!” nauubusan na ng pasensiyang tugon ni Nikola.
Mas lalo tuloy nagalit ang Papa ni Nikola at napakatalim na ng tingin niya sa akin.
“You thought I didn't know you were helping this woman's Dad's business get by? If you don't want me to block you from helping her father. Follow my order! I can bring down their family business again and their lives. Don't try me, Alexie!” banta na ng Papa ni Nikola.
“Papa, masiyado ka namang malupit kung pati iyon gagawin mo? Desisyon ko ang tulungan sila at pera ko naman ang ginamit ko kaya hindi mo na dapat ako pakealaman sa desisyon ko lalo na at matanda na ako!” galit nang tugon ni Nikola sa ama.
“Maling ipinakasal kita sa babaeng iyan! Nagkamali ako kaya itinatama ko at ayokong madamay tayo sa kahihiyan ng pamilya nila!” galit na tugon ng Papa ni Nikola.
Napayuko ako sa sinabi ng Papa ni Nikola at nakadama ng panliliit lalo na’t matapos niyang sabihin iyon at tinignan niya ako nang punong-puno ng pang-iinsulto.
“That's enough, Dad. I understand your anger towards Ada's father, but Ada is not to blame for what her Dad did to you,” pagtatanggol sa akin ni Nikola. “Kung ano man ang gusto niyong ipagawa ay gagawin ko pero huwag niyo na lang pakealaman ang ginagawa kong pagtulong sa negosyo nila Ada.”
“Verona will be on vacation here while her family returns to Spain. Her family has a condo here, but I suggested that she lives here in your house,” tugon ng Papa ni Nikola na ikinalaki ng mga mata ko.
Kahit si Nikola ay nagulat sa sinabi ng ama.
“What? But why here in my house? You know that Ada is here and we are together!” gulat na tanong ni Nikola at nagtaas na ng boses.
“Get your wife out of here! You are also going to separate, so she should leave and return to her Dad!” galit na tugon ng Papa ni Nikola. “I told them you were still married, but you planned to separate. Verona's family is good and kind, especially Verona, so they will continue your marriage even in Spain, where you get married first while handling the annulment of the two of you.”
Marahas na napabuntonghininga si Nikola at nakita ko sa mukha niya na tutol siya sa gusto ng ama subalit wala naman siyang magawa.
“Verona will come later, so order your maids to fix her room here. Take care of her, Alexie. Don’t disappoint me,” utos ng Papa ni Nikola sa kaniya.
Naglakad na ang Papa ni Nikola palabas ng bahay at hindi na rin tumutol pa siya sa inutos ng ama. Tumingin na lang ako kay Nikola na hindi na maipinta ang mukha saka ko siya nginitian.
“Ipaayos na natin ang magiging kwarto ng bisita mo,” sabi ko sa kaniya.
“Okay lang sa’yo na may ibang babae na titira rito at fiancée ko pa?” tanong ni Nikola sa akin.
“Kahit naman hindi okay sa akin ay wala naman tayong magagawa. Papa mo na ang nag-uutos sa’yo at sa ating lahat ako ang walang karapatang magreklamo,” tugon ko.
Nakakadama ako ng lungkot subalit pinapasigla ko lang ang boses ko at ginagawang positibo ang sitwasyon namin ngayon kahit sa totoo ay hindi naman talagang tignan na magkakasama kami ng fiancée ni Nikola.
“K-kung hindi ka komportable na dalawa kaming babae sa bahay mo ay p’wede naman ako sa shop. May kwarto ako doon at ilan sa mga gamit kaya wala namang problema na ako na ang lalayo,” suhestiyon ko kay Nikola.
Hinila ni Nikola ang dalawa kong kamay at niyakap niya ako dahilan para magulat ako pero naramdaman ko ang init ng katawan niya na ang sarap sa pakiramdam.
“Dito ka na lang,” tugon niya sa akin. “Isipin na lang natin na bisita si Verona at umalis-alis na lang tayong magkasama na hindi niya nahahalata,” sabi pa niya.
Napangiti ako saka napahiwalay kay Nikola at tinignan siya na seryoso ang mukha.
“Saan naman tayo pupunta?” tanong ko.
“Sa restaurant, hotels, beach resort o kaya sa shop mo,” suhestiyon ni Nikola.
“Hindi ba abala ka sa negosyo mo?” tanong ko.
“Ako naman ang boss kaya ako ang magdedesisyon sa mga day-off ko,” nakangiting tugon ni Nikola sa akin. “I will tell Verona and Papa that I am busy with work, but we are together. Isn't that exciting? It's like an illicit relationship we have.”
Natawa naman ako sa sinabi ni Nikola.
“Sige ba,” nakangiti ko nang tugon.
“Tara na nga muna sa kwarto,” aya niya sa akin.
Halatang may binabalak na naman si Nikola lalo na sa mga ngiti niya sa akin ngayon dahilan para mas lumawak ang ngiti ko sa labi at hindi na ako tumanggi nang hilahin niya ako paakyat sa hagdanan at nang makarating kami sa kwarto ay maalab kaming naghalikan na halos parang mauubusan kami ng oras na gawin iyon dahil sa pagmamadali namin parehas.
Halos mapunit pa ang damit ko habang hinuhubaran ako ni Nikola at ganoon na rin sa kaniya hanggang parehas na kaming nakahubad habang nakatayo. Sa ganoong posisyon kami nagtalik pero sumandal na muna ako sa pinto hanggang sa pinasok niya ako at inangat ko ang isa kong paa sa bewang niya habang sumasalubong sa mabilis na ulos ni Nikola.
Napuno ng ungol ang buong kwarto at nawala na kami parehas sa sarili habang nagtatalik.
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Nikola. Matapos nang ilang beses naming pagtatalik kanina ay talagang napagod ako at nakaramdam ng antok lalo pa at puyat din ako kagabi kaya mahimbing kaagad akong nakatulog kahit hubad pa ako at tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ko.
Tumayo na ako sa kama at nang tignan ko ang relo ko sa kamay ay alas-dos na p la ng hapon. Kaya pala humihilab na rin ang tiyan ko sa gutom at ngayon habang naliligo ay naririnig ko ang pagtunog ng tiyan ko kaya nagmadali na akong matapos maligo saka nagpalit ng damit at bumaba ng unang palapag ng bahay. Palapit pa lang ako sa dining room nang makarinig ako ng nagtatawanan at masayang pag-uusap at nang tuluyan na akong nakarating sa dining room ay doon ko natagpuan ang masayang nag-uusap at nagtatawana na si Nikola pala at may kasama siyang babae na napakaganda at sexy sa suot niyang floral dress na hindi lumalagpas sa tuhod. Maputi ang balat ng babae at napakakinis.
“Oh, you’re awake,” sabi ni Nikola nang makita siya na may ngiti sa labi. “Verona, she is Ada, my wife,” pakilala sa akin ni Nikola.
Nanlaki ang mga mata ko at muling napatingin kay Verona. Siya pala ang fiancée ni Nikola at talagang napakaganda at mukhang intelihente. Ngumiti sa akin si Verona at lumapit saka inabot ang kamay sa akin upang makipagkamay na tinanggap ko rin naman.
“I’m glad to meet you. It's like an illicit relationship we have. Alexie and I talked to you earlier and he said you were a beautiful woman and he was right,” nakangiting sabi ni Verona sa akin.
“Thank you. You’re more beautiful than me,” tugon ko at ngumiti na rin sa kaniya.
Mukha namang mabait si Verona pero hindi ko maiwasan makaramdam ng uncomfortable lalo pa at mukhang magkasundo sina Verona at Nikola.
“The two of you are weird. You're the only couple I've seen we will separate as if nothing happened and no resentment. Pero nakakahanga kayong dalawa dahil nagagawa niyong pag-usapan nang maayos ang paghihiwalay niyo at siniguradong walang talo sa inyong dalawa sa huli,” nakangiting komento ni Verona sa amin ni Nikola.
Mukha naman walang masamang ibig ipahiwatig sa amin si Verona dahil ang sinsero ng boses at mukha niya habang kinakausap kami. Marahil dahil na rin sa mga sinabi ni Nikola sa kaniya kaya ganoon ang komento niya sa relasyon naming dalawa at sa magiging paghihiwalay namin.
Hindi ko alam kung bakit parang sumama ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Verona pero hindi ako nagpahalata at sinabing nagugutom na ako para magpaalam at nagpunta ng kusina. Hinainan naman ako ng kasambahay at nang bumalik ako sa pinag-iwanan k okay Nikola at Verona ay wala na sila kaya doon na ako kumain mag-isa habang iniisip ang masayang pag-uusap ng asawa at ng fiancée.
Mapait akong napangiti at saka ipinagpatuloy ang pagkain kahit sa totoo ay nawalan na ako nang ganang kumain. Masarap naman ang ulam pero pakiramdam ko ay wala na iyong lasa.
Matapos kumain ay paakyat na sana ako sa kwarto namin muli ni Nikola pero nagulat ako nang tawagin ni Verona ang pangalan ko at mag-isa na siyang lumalapit sa akin.
“I want to talk to you,” sabi niya na ikinataka ko.
“For what?” tanong ko.
“Alexie became your husband. No, until now, he is still your husband, and you have also been married for a year, so you know a lot about him. With his favorite foods and much more. I would like to know all that about him and help me be a good wife to him,” mahabang tugon ni Verona sa akin saka hinawakan ang kamay ko. “Please, I want to be her perfect fiancée right now to like me, and he won't think of not continuing our marriage,” pakiusap pa sa akin ni Verona.
“K-kaya lang kahit isang taon na kaming kasal ni Nikola ay hindi naman kami ganoon katagal nagsama,” pagtatapat ko kay Verona. “Abala siya sa negosyo kaya isang-taon din siyang wala rito sa bahay at ako naman ay abala sa shop kaya nga rin mauuwi sa hiwalayan ang kasal namin dahil naman naging successful ang relasyon namin.”
Bigla ay nalungkot si Verona saka binitiwan ang kamay ko.
“I really like Alexie, and he was the one I dreamed of being with when I was young. Sa tuwing dumadalaw siya sa Spain, sa bahay namin doon kasama ang Papa niya ay masaya ako kapag nakikita siya. Noon nalaman ko ngang ikinasal na siya ay nasaktan ako pero sinabi naman ni Papa, na maghihiwalay na raw kayo at iyon ang napag-usapan niyo ni Alexie at ng Papa niya. Kaya kung gusto ko pa raw magpakasal kay Alexie kahit may dati siyang asawa ay itutuloy nila Mama ang kasunduan,” mahabang kwento ni Verona sa akin. “Kung kasunduan lang ito para sa Papa ni Alexie ay para sa akin ay hindi at alam din iyon ng parents ko kaya pumayag sila kahit may lihim ng pinakasalan si Alexie na ibang babae. Ayokong masayang ang pagkakataon na ito kaya humihingi ako ng tulong sa’yo kaso wala ka rin palang alam ‘tungkol kay Alexie,” malungkot na sabi niya.
Ngumiti ako kahit pakiramdam ko ay pinipilipit ang puso ko sa lahat ng mga sinabi ni Verona. May gusto si Verona kay Nikola at mukhang posible rin na magustuhan ni Nikola ang babaeng ito.
“Hindi mo naman kailangan gawin iyon para magustuhan ka ni Nikola. Alam ko, kung wala pa siyang gusto sa’yo ngayon ay magugustuhan ka rin niya pagdating ng panahon lalo pa at makikita niyang mabuti kang tao at nag-e-effort para sa kaniya,” positibong tugon ko kay Verona.
Napangiti naman si Verona saka ako niyakap nang mahigpit.
“Salamat, Ada!” masayang bulalas ni Verona sa akin. “Mukhang magiging mabuting magkaibigan tayo,” nakangiting sabi pa niya nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.
Ngiti lang ang ginanti ko at hindi na ako nakapagsalita pa.
Hindi ko alam kung magandang ideya nga ba na maging magkaibigan kami lalo pa at alam kong kaya lang naman nakikipagkaibigan si Verona ay para matulungan ko siya para magustuhan siya ni Nikola. Tutulungan ko ang ibang babae na makuha ang asawa ko at magustuhan din siya ng asawa ko.
“Kakayanin ko ba kung pakiramdam ko ngayon kapag iniisip pa lang ay parang sumasama na ang pakiramdam ko?” tanong ko sa sarili.