Ada’s Point of View
Nikola's car stopped in the parking lot of his Dad's mansion. Many people were just outside the villa, and almost everyone was wearing expensive clothes and body jewelry. I know that's what I'll see at this party, but I still can't help but be nervous and don't like to attend this kind of party.
Lumabas na ng kotse si Nikola at mabilis na naglakad palapit sa puwesto ng inuupuan ko saka binuksan ang pinto ng kotse at inabot sa akin ang kamay niya. Kahit kinakabahan ay inabot ko ang kamay niya saka inalalayan akong lumabas sa kotse.
“Your hand is cold. Are you nervous?” pansin sa akin ni Nikola.
Napatingin ako sa kaniya at hindi na ako nagsinungaling pa. Tumango ako sa tanong sa akin ni Nikola.
“Hindi naman kasi ako sanay magpunta sa ganitong party, makihalubilo sa maraming tao at hindi ko kilala,” tugon ko.
Napakunot ang noo ni Nikola at nasa hilatsa ng mukha niya na hindi naniniwala sa sinabi ko.
“But you attended Jane's birthday party, and that's where I first saw you? Lots of people there too?” tanong ni Nikola sa akin.
“Almost everyone at Jane's party was our friends, classmates, and schoolmates, and the others were Jane's relatives. I didn't know them all, even our schoolmates who attended, but I was with my friends and classmates, unlike now, I feel like I am alone,” tugon ko.
“Hindi ka nag-iisa, nandito ako at kasama mo,” seryosong tugon ni Nikola sa akin.
Hindi ako nakapagsalita at napatitig na lang sa seryosong mukha ni Nikola pero mayamaya ay umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil bigla na lang pakiramdam ko ay may naglalarong paru-paru sa tiyan ko at nakadama ng tuwa sa sinabi ni Nikola sa akin.
“Let’s get inside,” aya ni Nikola sa akin.
“Okay,” tipid kong tugon.
Hinawakan ni Nikola ang braso ko saka idinantay sa braso niya at naglakad na sila papasok sa loob ng mansion. Halos lahat ng mga taong nakapaligid ay napatingin sa amin at nasisigurado kong dahil iyon kay Nikola, na anak ng may kaarawan at isa sa pinakamayamang tao sa bansa nila at nagmamay-ari ng mga negosyong hanggang ngayon ay matagumpay.
Napansin ko na may paghanga rin ang mga tingin ng mga babaeng nakakasalubong nila dahil sa kakisigan at kaguwapuhan ni Nikola kaya hindi ko maiwasang makadama ng hiya dahil pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa katulad ni Nikola. Napayuko habang naglalakad kami at naramdaman kong hinila ako palapit ni Nikola sa katawan niya.
“Huwag kang yumuko. Trust yourself because you are beautiful, and you deserve to be proud of that,” bulong ni Nikola sa akin kaya napalingon ako sa kaniya at nagkasalubong ang mga tingin namin.
“O-okay,” nauutal kong tugon saka ko itinangala ang tingin ko.
Tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng mansion at isang magarbo at malawak na sala ang tumambad sa paningin ko pero kagaya sa labas ay marami ring tao sa loob at may mga table din para sa mga bisita na may mga laman na. There are people providing food and wine for the guests who are also wearing uniforms.
Nawala na ang kaba ko dahil tanging saya ang nararamdaman ko mula sa puso sa mga sinabi sa akin kanina ni Nikola, hindi ko magawang pigilan hanggang sa may sumilay na ngiti sa akin lalo na at may mga bumati sa amin na sa tingin ko ay kilala ni Nikola.
“You are with a beautiful woman. Can I know who she is?” komento at tanong ng lalaking lumapit sa amin na sa tingin ko ay hindi nalalayo sa edad namin ni Nikola at friendly ang pagkakangiti niya sa akin at hinawakan pa ang kamay ko saka hinalikan na hindi ko naman magawang pigilan.
Kinuha ni Nikola ang kamay kong hawak pa ring ng lalaking nagtatanong ng pangalan ko.
“She's Adeline, and she's my partner,” nakangiting tugon ni Nikola pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya.
Matalim iyon dahilan para mapaatras ang lalake pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa mukha at muling tumuon sa akin ang paningin.
“I’m Noah, by the way,” nakangiting pakilala sa akin ng lalake.
Ngumiti naman ako sa kaniya at iyon lang ang tangi kong nagawa dahil hinila na ako ni Nikola saka ipinagpatuloy na namin ang paglalakad.
“Don't smile like that at other men and they are attracted to you,” sita ni Nikola sa akin dahilan para mapalingon ako sa kaniya na nagtataka at nakita kong mukha siyang naiinis sa akin.
“Akala ko ba ang sabi mo maging kompiyansa ako sa sarili ko—“
“You don't have to smile because you're beautiful even if you don't smile,” tugon ni Nikola sa akin.
“Okay,” tipid na tugon ko.
Nakita na namin ang Papa ni Nikola at nakaupo ito sa isang upuan na may mahabang mesa. Mukhang hari ang Papa ni Nikola na nakaupo sa trono niya dahil siya lang ang mag-isang nakaupo sa pwestong iyon at ang iba ay magkakatabi na. Nakangiti ang Papa ni Nikola na nakikipag-usap sa mga kasama sa mahabang mesa subalit nang mapatingi siya sa amin ay unti-unting nawala ang ngiti niya saka may dumaang galit sa mga mata nito dahilan para kabahan na naman ako.
Nakalapit na kami nang lubusan ni Nikola nang biglang tumayo ang Papa ni Nikola saka hinila ang anak palayo sa mga bisita at hindi naman ako binitawan ni Nikola kaya nakasama ako sa kanilang naglakad palayo sa mga bisita.
“What is that woman doing here? Didn't I tell you to fix your annulment?” galit na tanong ng Papa ni Nikola. “You even managed to bring her tonight even though you knew Verona and her parents were coming today too!”
Kinakabahan ako ngayon dahil baka mag-away ang mag-ama dahil sa akin pero napapaisip din ako kung sino ba si Verona at bakit parang pinapahalagahan iyon ng Papa ni Nikola at hindi p’wedeng makita ng bisitang iyon na kasama ako ni Nikola.
“Ada is still my wife, and isn't it wrong that I choose her to be my partner,” mahinahong tugon ni Nikola na mukhang ikinagalit ng Papa niya.
“That is why I am ordering you to annul your marriage because I have already chosen for you a more worthy woman and not like her!” galit na tugon ng Papa ni Nikola sa kaniya.
“Papa!” inis na sita ni Nikola sa ama.
Nasaktan ako sa sinabi ng Papa ni Nikola at nalaman ko na ngayon kung sino si Verona. Siya ang babae na gustong ipakasal kay Nikola matapos nilang maghiwalay.
“Hindi ganoon kadali ang gusto niyong mangyari, Papa. Alam mo naman ang annulment dito sa Pilipinas, matagal ang proseso,” dahilan ni Nikola.
“Ayusin mo na iyon matapos ng party na ito at magpunta kayo ni Verona sa ibang bansa para doon na muna magpakasal hanggang hindi pa napapawalang-bisa ang kasal niyo!” tugon ng Papa ni Nikola.
Nagulat ako nang tumuon ang paningin sa akin ng Papa ni Nikola at makikita ang galit sa mga mata niya habang masama ang tingin sa akin.
“Pinagsisisihan kong nakipagkasundo ako sa ama mong manloloko!” galit na sabi niya sa akin. “Anong akala niya habang-buhay niya akong maloloko? Nalulugi na pala kayo ay nakipagkasundo pa siya!”
Parang humiwa iyon sa puso ko at matapos niyang magsalita ng ganoong kasakit na salita mula kay Papa ay tumuon ang paningin niya kay Nikola.
“Get her out of here or else leave her alone when Verona's family arrives. There is a guest room upstairs and I will let her stay there,” utos ng Papa ni Nikola sa kaniya saka tinalikuran na sila at umalis.
Napabuntonghininga si Nikola saka tumingin sa akin.
“Ipahatid mo na lang ako sa bahay sa driver ng Papa mo, hindi naman siguro abala iyon sa inyo,” suhestiyon ko.
“Hindi, mag-stay ka lang dito at sa hardin na lang tayo pumuwesto dahil wala naman gaanong tao doon,” tugon ni Nikola.
“I want to go home. Ayoko rito,” nakayukong tugon ko.
“Don't mind what Papa said. He can't do anything because you're already here and I'm with you,” tugon ni Nikola sa akin.
“Kaya ba dinala mo ako rito para makilala ko ang babaeng gusto ng Papa mo para sa’yo at kagaya nang sinabi sa akin kanina ng Papa mo, ay ipapamukha mo rin sa akin na mas worth siya kaysa sa akin?” hindi napigilang tanong ko kay Nikola.
Gusto ko na talagang umiyak sa sama ng loob sobrang sakit ng lahat ng mga sinabi sa akin ng Papa ni Nikola at dumagdag pang pakiramdam ko ay dinala lang niya ako rito para ipahiya nang ganito.
“Do you want to go home?” seryosong tanong ni Nikola sa akin.
Nakayuko lang ako at hindi tinitignan ang mukha ni Nikola dahil baka hindi ko na mapigilan ang mga luhang nais pumatak sa mga mata ko at tango lang ang naging tugon ko sa kaniya.
Hinawakan ni Nikola ang kamay ko saka hinila ako na ikinagulat ko. Dire-diretso kaming naglakad palabas ng mansion at lumapit sa kotse na nakaparada ni Nikola at pinagbuksan pa niya ako ng pinto saka inalalayan papasok. Umikot si Nikola saka sumakay na rin sa kotse at pinaandar ang makina.
“Ihahatid mo ba ako? Baka hanapin ka ng Papa mo—“
“Let's go to the place where we will be comfortable,” sabi ni Nikola saka ginulo ang necktie kaya lumuwang iyon at tuluyan nang umandar ang kotse.
“P-pero hindi ba darating ngayon ang fiancée mo at ang pamilya niya?” tanong ko.
“Wala akong fiancée. May asawa ako at ikaw iyon,” tugon ni Nikola saka ngumisi sa akin.
Tuluyan na silang nakalabas ng mansion at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Nikola subalit mga isang oras ay sa isang kilalang hotel nag-park si Nikolo at lumabas na siya sa kotse at pinagbuksan na naman ako ng pinto ng kotse.
“Tara sa rooftop. Maganda roon at pina-reserve ko na kaya tayo lang ang magiging customer,” aya ni Nikola sa akin saka hinawakan ang kamay ko.
“P-pero sigurado ka? Hindi ka muna babalik sa party ng Papa mo?” takang tanong ko. Hindi ako makapaniwalang mas pinili ni Nikola na samahan akong umalis sa party na iyon at dalhin ako sa hindi mataong lugar.
“I also don't want to be with a lot of people. I'm not comfortable,” tugon ni Nikola saka sila nakapasok ng hotel at dumiretso sa elevator at pinindot iyon ni Nikola.
“Paano si V-Verona?” usisa ko.
“Do you want me to go back there to meet the one Dad wants to marry me and leave you here, my wife?” tanong ni Nikola sa akin at seryoso nang nakatitig sa mukha ko.
Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko nang tawagin akong my wife ni Nikola at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kinikilig ako dahilan para hindi na ako makapagsalita.
“Tell me what you think I should do? I will follow whatever you say tonight,” usisa ni Nikola sa akin dahilan para mapatitig sa mukha niya na seryoso ang mga tingin sa akin.
“G-gusto ko—“
Halos hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil sa hiyang nararamdaman ko at kumakabog nang mabilis ang puso ko.
“Gusto kong makasama ka ngayong gabi d-dahil pakiramdam ko kapag iniwan mo ako, sa nangyari kanina ay b-baka magdamag lang akong iiyak sa kwarto,” nakayukong amin k okay Nikola. “N-nasaktan ako dahil sa sinabi ng Papa mo. Natural lang naman iyon, hindi ba? Papa ko pa rin ang pinagsalitaan niya nang hindi maganda s-saka pati ako,” paliwanag ko kay Nikola.
“Naiintindihan ko kaya nga nandito ako at hindi ka iniwanan,” tugon ni Nikola kaya napatingin ako sa kaniya at nginitian niya ako.
Ang ngiting iyon na matagal ko nang hindi nakikita at nagpahanga sa akin nang lubusan. Ang ngiti ng Nik na nakilala ko at nakasama ko sa La Union, na isa sa mga masasayang alaala na hindi ko makakalimutan.
“P-pero paano kung magalit ang Papa mo dahil sa ginawa mo? Nakakatakot din kasing—“
“Hindi ako natatakot kay Papa. Matanda na ako para matakot pa sa kaniya,” tugon ni Nikola sa akin saka bumukas ang pinto ng elevator at sumalubong ang outdoor bar ng rooftop. “Dito na muna tayo at mag-relax,” nakangiting sabi ni Nikola sa akin at hinila na siya palabas ng elevator.