KABANATA 48 MYCA'S POV Naalimpungatan ako nang tumunog ang alarm clock ng cellphone ko. I have set it so that I won't miss eating my brunch. Alam kong hindi pa sapat ang tulog ko kanina pero hindi ako pwedeng humiga na lang magdamag. Naramdaman ko ang panghihina at panginginig ng katawan ko. I am losing energy already. Kailangan kong bumawi ng lakas dahil hindi ako sanay na magpuyat habang nagtatrabaho. Bumangon ako nang magising ang buong diwa ko. Nagulat nga lang ako nang makita si Gigi na naglalapag ng mga pagkain sa round table ko. I don't remember asking her to bring me some food. Not to mention, she has a nice timing since I need energy and food right now. Hindi ko ata kayang bumaba. Nahulaan niya ba kung kailan ako gigising? "Gigi…" tawag ko sa pangalan niya. Napatingin si

