KABANATA 44 MYCA'S POV Mahigpit kong hinawakan ang bag ko para roon ibaling ang gigil na nararamdaman ko. Kahit na sobra-sobrang inis ang nararamdaman ko kay Ian ay kinikilig pa rin ako ngayong magkasama kami. Nababaliw na ata ako sa kanya. Tama pa ba itong nararamdaman ko ngayon? Nagiging bipolar na ba ako? Jusko naman! This is so freaking unfair! Does he even feel the same? Naku, Myca, maling mangarap ng ganyan! "Sigurado kang alam mo kung saan tayo pupunta? Mukhang nalibot na natin ang buong Paris ah?" nagdududa kong tanong sa kanya. Tumikhim lang siya at hindi na nagsalita. I draw out my phone and clicked a specific app then handed it to him. "Here, use this. You can type the name of our destination then that app will give you the correct route!" I said while looking outside the

