KABANATA 65 IAN’S POV Pagdating ko sa Washington ay agad kong niyayang magbar si Von. Of course, it is to catch up with him and also to ask him for my slot. Mabuti na lang at agad siyang pumayag na sumama sa akin sa bar kahit busy siya masyado. Just like the usual, we are in Fourth’s bar. Kahit na nasa table na ang in-order naming inumin ay walang nagsimulang uminom sa amin. We are both seated on a round sofa. Parehong inaaya ng ibang kakilala na sa kanila makisali pero kapwa din kaming umayaw dahil mas gusto naming mapag-isang dalawa. The loud music boomed on each corner of the bar. The dance floor is going wild along with the crowd. Dati ay natetempt na agad akong makipagsayaw pag nasa loob na. Pero parang isang old show na lang itong mga nakikita ko ngayon na para bang luma na nga s

