KABANATA 58 IAN'S POV Alas tres y media na sa umaga pero dilat na dilat na ang mga mata ko. I woke up earlier and as I have expected, I had a nightmare. Dalawang oras lang ata ang itinulog ko. I imagined a lot of happy things to happen just to divert my attention from it. Malayo na ang narating ng imahinasyon ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking alaala ang lahat ng nangyari. Pakiramdam ko nga ay nasa gitna pa rin ako ng karagatan at nasa bingit na rin ng kamatayan. My heart is racing so fast and I feel uneasiness all over my body. It feels like nervousness and dread took over my body system. Bumangon ako at tumayo. Dumiretso na ako sa banyo at naligo para mas lalong magising ang diwa ko. Maglalakad-lakad na lang ako sa dalampasigan. I took a shower. Pagkatapos kong magbihis ay

